IKA-WALONG KABANATA

91 4 0
                                    

"Hoy! Wala ka bang balak na bitawan ang kamay ko?" umiling siya.

Baka mapansin ni Mama na magkahawak ang kamay namin. Mula pa kaninang makalabas kami sa simbahan hanggang sa bibili na ng bibingka at puto-bumbong. Gulat akong siya ang nagbayad saka niya dinagdagan ang binili niya, gusto rin daw niyang tikman dahil hindi pa siya nakakatikim no'n.

Pagkarating sa bahay, bahagya akong nagtago sa likod niya dahil baka mapansin ni Mama ang mga kamay namin na kanina pa magkahawak at alam kong nagpapawis na ang isa sa amin pero hindi siya nagpadala roon.

Hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya kaya naman gulat siyang tumingin sa akin at hahawakan na sana niya ulit ang kamay ko pero lumayo ako at nagpaalam na "Ihahanda ko lang ang almusal."

Totoo namang ihahanda ko at idagdag mo na roon ang paglaya ng kamay ko sa mga palad niya. Pero aaminin ko, medyo nagustuhan ko.

"Isha, mauna na kayong kumain, mamaya na lang ako," sabay pasok ni Mama sa kwarto niya.

Tahimik kaming kumain saka ako paminsan minsan na sumisilip sa kaniya dahil laging may 'hmm' at 'ang sarap' na lumalabas sa bibig niya sa tuwing susubo siya ng puto-bumbong at bibingka.

"Ngayon ka lang ba talaga nakatikim niyan?" tanong ko sabay subo ng puto-bumbong.

"Yes, at nagsisisi ako na hindi ko 'to kinain dati dahil ang sabi nila, hindi raw masarap," aniya saka na ipinagpatuloy ang paglamon.

"Sino naman ang nagsabi na hindi masarap, e, paborito ko kaya 'to!" pagdedespensa ko sa puto-bumbong.

"Si Mom. Ayaw niya kasi sa sweets, bawal siya actually. Diabetic kasi," pagpapaliwanag niya.

Oh! May sakit din pala ang Mama niya.

"Ah, okay..." iyon na lang ang nasabi ko. "Anong oras ka nga pala aalis?" nabulunan siya pagkasabi ko nung tanong kaya naman inabutan ko siya ng tubig.

Itinaas niya ang kaniyang kaliwang kaway saka siya uminom ng tubig.

"Ayos ka na?" pag-aalala ko.

Tango lang ang isinagot niya.

"Hindi ako uuwi," maya maya ay sambit niya.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko dahil kung hindi siya uuwi, saan siya matutulog? Alanangan naman dito siya matutulog sa amin. "Maghohotel ka?"

Umiling lang siya.

"I actually have a place here," 'tsaka siya muling sumubo ng kinakain niya.

"Ah..." iyon na lang ang isinagot kko dahil sa hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin sa kaniya.

"Aya!" pagtawag ni Mama sa labas.

Nagpaalam ako kay Laert na lalabas muna para tignan kung bakit niya ako tinawag. Pero imbes na magtanong ay nagulat ako dahil sa nakita ko.

"Gab!" kababata ko na sabihin na nating naging crush ko pero mga bata pa kami no'n kaya wala na 'yon!

"Aye!" maarteng tawag niya sa akin.

He's gay, actually.

Mukha lang siyang maton dahil napilitan siyang magpalaki ng katawan para hindi siya mapaghalataan ng papa niya dahil ang papa niya ay isang kilalang sundalo sa lugar namin kaya hindi pa siya nakakapag-out, sa akin pa lang at kay Mama.

"Nako, pasok ka! Kapilan ca pa minuli?" tanonng ko kung kailan pa siya nakauwi.

"Napun abac. Abalitan cu mung atsu ka keni inyapin linabas na cu," kahapon pa raw siya nakauwi at dumaan lang saglit sa amin para dalawin ako.

Accident BabyWhere stories live. Discover now