"Pero..."
Balak ko na kasing aminin kay Mama bukas na buntis ako dahil malalaman at malalaman niya rin naman, mas mabuting sa akin na lang manggaling para mabawasan ang galit niya, sana...
"It's okay. Sasabihin ko nalang sa family ko."
Hindi pa ako handang humarap sa pamilya niya dahil sa una hindi naman kami at lalong wala kaming relasyon. Hindi ko nga alam kung ano nga ba talaga ang meron namin at hindi ko rin naman sigurado kung nandirito siya ngayon para lang sa bata.
"Uuwi kasi ako ng Pampanga bukas kaya hindi ako puwede. Pasensya ka na."
Akala ko'y tama na sabihin kong uuwi ako bukas. Ibang ekspresyon ang ipinakita niya sa akin. Imbes na malungkot ay parang may bumbilya sa gilid ng ulo niya at nagliwanag ang ekspresyon sa mukha niya.
"I can take you there." mabilis na sagot niya.
"Pero may trabaho ka."
Dahil sa bago pa lamang ang kompanya niya ay siguradong marami siyang inaasikaso, lalo na ang mga kliyente at trabahador niya ay kailangan niyang asikasuhin.
"My secretary can take charge. Anong oras ka aalis? Ilang araw para masamaha kita. Na-miss ko rin ang Pampanga." sunod sunod na sabi niya.
"I-isang linggo lang, 'tsaka 4 AM."
Buong gabi akong hindi nakatulog dahil sa kaba.
Kaba na hindi ko maipaliwanag.
Kaba dahil sa hindi ko alam kung paanong sasabihin sa nanay ko na hindi ko man lang nobyo ang nakabuntis sa akin at aksidente lang ang lahat.
Kinakabahan ako!
Hinanda ko ang sarili ko sa lahat ng puwedeng sabihin ni Mama sa akin. Kahit nakapagtapos na ako ng pag-aaral ko ay hindi ko pa man natutupad ang mga pangarap niya ay may bitbit na nga akong bata pauwi sa bahay namin.
Wala ring may alam sa barrio namin na buntis ako. Isa pa 'yon sa iisipin ko.
"Nakatulog ka ba? Mukhang puyat ka."
3:45 pa lang nasa harap na ng bahay si Laert. Sobrang aga niyang dumating, mabuti na lang 3:30 ay natapos na akong mag-ayos.
"Hindi pa ako natutulog. Can I sleep?"
Hindi ko alam bakit kailangan ko pang mag-paalam. Nakatulog din ako pagkatapos kong isandal ang likuran ko at naramdaman ko ibinaba ni Laert ang upuan para hindi ako mahirapan sa pagkakahiga.
Hanggang sa pagtulog ay hindi ako tinantanan ng kaba kaya naman nagising nalang ako na nasa harapan na ng mukha ko si Laert, kanina pa pala niya ako ginigising.
"Hey, are you okay?"
Tumango ako saka naupo ng maayos.
"Anong nangyari?" tanong ko.
"Pinagpapawisan ka at kung anu-ano ang mga sinasabi mo kaya itinabi ko muna iyong sasakyan para gisingin ka," pagapapaliwanag niya.
Panaginip lang pala ang lahat. Akala ko naman totoo ang mga nangyari sa panaginip ko na pinalayas kami ni Mama matapos kong sabihin ang lahat sa kaniya.
Tanggap ko na sa kabilang banda na awa ang mangingibabaw kay Mama sa oras sabihin ko iyon sakaniya dahil ganoon rin ang nangyari kay Kuya noong mabuntis niya si Ate, ang kaibahan namin ni Kuya ay siya ay hindi naka-graduate ng kolehiyo at naman ay isa nang rehistradong arkitekto.
Nagalit si Mama kay Kuya ng isang taon. Sa bahay pa lang sila noon nakatira ni Ate kaya naman may pagkakataon na hindi sila nag-uusap pero simula nung nakakuha na ng maayos na trabaho si Kuya sa isang kumpanya at hindi na siya umaasa kay Mama, doon pa lamang siya kinausap ni Mama.
Hindi galit ang nanguna sa loob ni Mama kundi ang awa. Awa na hindi niya pinaramdam, gabi-gabi noong naipanganak na ang baby ni Kuya ay siya na ang nagpupuyat para mag-alaga sa baby dahil ayaw na niyang abalahin ang mag-asawa dahil pagod na pagod sa maghapong trabaho si Kuya at si Ate naman ang nag-aalaga sa anak nila ni Kuya buong araw.
Sobrang mali nitong nangyari sa akin, sa aming dalawang magkapatid. Ang gusto lang ni Mama ay ang magkaroon kami ng sarili naming pamilya kapag handa na kami sa lahat, iyun bang may ipon nakami ng mapapangasawa ko pero hindi ko talaga alam paano kami humantong sa ganitong sitwasyon at bakit bigla nalang nagbago ang ikot ng mundo ko.
"Nandito na tayo." nang i-park ni Laert ang sasakyan niya sa tapat ng bahay namin.
Aya, kaya mo 'to! Hindi ka pinalaking duwag ng mga magulang mo!
"Ma?" pagtawag ko mula sa labas ng aming bahay.
"Nak? Ikaw ba 'yan?" pagsagot ni Mama mula sa may bandang kanan ng bahay kung nasaan ang mga halaman niya.
"Opo, Ma!" pasigaw na tugon ko.
"Pumasok ka na rito."
Muntik ko nang makalimutan na may kasama pala ako kaya naman lumingon ako para tawagin sana siya ngunit nauna pa pala siya sa akin at siya pa ang nagbukas ng pintuan kaya naman hindi kaagad nakita ni Mama ang tiyan ko dahil nakaharang ang buong katawan ni Laert sa pintuan.
"Magandang araw po, Tita!" pagbati niya kay Mama.
"Magandang araw, iho. Narito ka rin pala. Ikaw ba ang naghatid sa kaniya rito?"
"Opo, tita." kalmado niyang sabi.
Nawala ng kaunti ang takot ko dahil natatandaan pa ni Mama si Laert pero hindi pa rin mababawasan ang kaba ko. Hinawakan ni Laert ang kamay ko saka ako marahang hinila papunta sa tabi niya.
"Tita, patawarin niyo po ako. Nabuntis ko po ang anak niyo," sambit niya.
Hindi maipaliwanag ang ekspresyon ni Mama sa sinabi ni Laert dahil pati ako ay nagulat sa sinabi niya.
Marahang tinignan ni Mama ang tiyan ko at kita ko sa ga mata niya na totoo nga ang sinasabi ni Laert.
"Ma, I'm sorry. Hindi ko naman po sinasadya," lumuhod ako at tumutulo na pala ang luha ko kanina pa at hindi ko man lang napansin.
Lumuhod din si Mama sa harapan ko at hinawakan niya ang pisngi ko at umiiyak rin siya.
"Tumayo ka anak, baka kung ano pa ang mangyari sa inyo ng apo ko." sambit niya.
Tumigil ang luha ko ng bahagya at doon pa lamang naproseso ng utak ko ang sinabi ni Mama kaya naman bumuhos nanaman ang luha ko. May naririnig akong tumatawag sa akin pero hindi ko alam kung sino.
"Aya!"
Minulat ko ang mga mata ko at tumingin sa paligid nang matanawan ko si Mama at Laert na nag-uusap.
"Totoo bang ikaw ang Ama ng bata?" seryosong tanong ni Mama.
"Opo, Tita." matapang na sagot niya
"May trabaho ka naman ba?" tanong ulit ni Mama.
"May sarili na po akong kumpanya," mabait na sagot niya.
"Ha?!" gulat na tugon ni Mama. "Basta ang gusto ko lang ay huwag mong papabayaan ang anak ko, kung hindi.."
"Ma!" pag-awat ko kaya naman sabay silang napatingin sa akin.
"Gising ka na pala anak," lumapit si Mama sa akin at sabay haplos sa tiyan ko.
"Ano bang pinag-uusapan niyo?" kuryosong tanong ko.
"Kung kailan kayo ikakasal," sagot ni Mama.
"Ka..kasal?!"
...