IKA-ANIM NA KABANATA

90 3 1
                                    

"Ma, paano magiging surprise kung sasabihin ko sa 'yo?" sabi ko ng hindi pa rin bumibitaw sa pagkakayakap ko sa kaniya.

"Ikaw talagang bata ka, oo. O siya siya, kumain na muna tayo. Nag-agahan ka na ba?" mabilis na sambit niya.

Ito ang namiss ko kay Mama, ang pagiging maalalahanin niya. Medyo magugulatin nga lang pero atleast mabait siya.

Sobrang bata ko pa noong mawala si Papa kaya nakita ko ang hirap na pinagdaanan ni Mama para lumaki ako ng maayos.

Lahat na yata ng kaniyang trabaho ay trinabaho na niya para lang mapalaki niya ako ng maayos at para makapag-kolehiyo.

Ako ang nagpumilit kay Mama na sa Maynila ako mag-aral dahil mas maraming oportunity doon gaya ng makakapag-trabaho ka kasabay no'n ang pagpasok mo sa skwela. Ang kailangan lang ay time management. Hindi ko maitatanggi na sa una ay nahirapan ako pero kalaunan, nasanay rin ako.

Nasanay ako sa pagod, puyat at hangga't maari ay iniwasan ko ang mag-cut ng klase dahil ayaw kong may ma-miss ako na lesson. Mag-skip man ako ay para lang 'yon sa tapusin ko ang mga plates ko dahil masyadong mitikuloso ang prof ko kaya kailangan kong i-meet ang standards niya.

Mabuti na lang at gumraduate ako dahil ang balita ko, wala mang bente ang gumagraduate sa klase niya kada tao dahil sa napapangitan siya sa ginawa ng mga naging istudyante niya.

Naghanda ng umagahan si Mama. Nagluto siya ng sinangag na may itlog 'tsaka siya nag-prito ng daing. Habang ako naman ay gumawa ng sawsawan na kamatis na may bagoong. Namiss ko ang ganito dahil kung minsan hindi na ako nakakapag-almusal sa kakatipid ko sa suweldo ko.

Hindi alam ni Mama na nag-iipon ako ng malakin halaga para sa pagpapagawa ng bahay. Sa katunayan, hindi ko pa siya nakakausap tungkol sa bagay na iyon at baka atakihin siya ng high blood niya. Hangga't maaari, dadahan-dahanin ko muna.

Mas maganda siguro kung simulan ko na!

"Ma, kelan mo balak ipagawa ang bahay?" tanong ko habang nagsasandok ng sinangag.

"Anong ibig mong sabihin, Isha?" kunot noong baling sa akin ni Mama.

Isha ang tawag sa akin ni Mama simula pa nung bata ako. Iyon na ang naging palayaw ko sa kaniya dahil Isha ang itinawag sa akin ni Papa noon kaya naman para sa akin, ang palayaw ko na Isha ay napaka-halaga.

"Iyung bubong po kasi, luma na, kailangan ng palitan. Baka nga po may tumutulo na rito kapag malakas ang ulan," palusot ko.

"Huwag mo ng alalahanin ang bahay, anak. Meron naman akong ipon, mga nasa bente mil na siguro 'yon."

Gulat ko siyang tinignan at nagtataka na rin bakit may gano'n siyang kalaking pera, samantalang kulang sa diyes mil lang ang padala ko kada buwan, paanong?

"Ma? Saan mo galing 'yon?" binitawan ko ang hawak kong kanin sa kamay ko dahil nag-kamay lang ako habang kumakain. Hinarap ko siya ng maayos kahit kitang-kita ko naman ang reaksyon niya na hindi ko alam kung papaano ko papangalanan.

"Kanita la pa reta, Isha. Tipun milang ibpa mu reta. Retang papadala mu, panyali ku lang panulu, aliku mamurayit," saka niya hinawakan ang kamay ko.

[Noon pa iyon, Isha. Ipon namin iyon ng Tatay mo. Iyong mga pinapadala mo, pinambibili ko ng gamot ko, hindi ako nandaraya sa pag-inom ng gamot.]

"Siguradwan mu Ma. Ali ka dapat maglakto kareng panulu mu, ali pwedi keka," paniniguro ko.

[Siguraduhin mo, Ma. Hindi ka dapat naglalaktaw sa pag-inom mo ng gamot, hindi 'yon pwede sa 'yo.]

Ipinagpatuloy na lang namin ni Mama ang pagkain, pagkatapos ay nagpresinta na akong maghugas ng pinggan pagkatapos ay dumiretso na ako sa dati kong kwarto.

Namiss ko 'to. Iyung tulugan ko e, nasa lapag pa iyun bang ikaw mismo ang maghahanda sa tutulugan mo hindi iyung naka-kama ka na at aayusin mo lang ang kumot.

Nahiga ako sa kutson na nakalatag sa may sahig saka ako pumikit at hindi ko na namalayan na nakatulog pala ako kaya naman hapon na ng magising ako.

"Ma, ot e mu ku ginising?" pagkalabas ko ng kwarto ko ay nakita ko si Mama na nasa kusina at nagluluto ng turon, tumingin ako sa orasan at alas dos y media na pala, merienda na.

[Ma, bakit hindi mo ako ginising?]

"A na kang kanyaman tudtud, ali da na ka ginising," aniya habang nagpiprito.

[Ang sarap ng tulog mo kaya hindi na kita ginising]

"Mandilu ku pa," paalam ko.

[Maliligo muna ako]

Dumiretso ako sa banyo saka na nagbabad sa pagligo dahil naghilamos lang ako kaninang umaga papunta rito, hindi ko na binasa ang buhok ko dahil sa bahay lang din naman ang punta ko 'tsaka naligo naman ako kagabi.

Pagkatapos maligo ay bumaba na ako kaagad dahil naamoy ko na iyung niluluto ni Mama na turon. Naglalaway na ako dahil bango ng niluluto ni Mama.

"Kain na," aniya saka niya inilagay ang isang pinggan na puno ng turon.

Hindi na ako nagsalita pagkatapos ilapag ni Mama ang mga turon dahil sa kanina ko pa gustong kainin.

"Ma, dalawin natin si Papa mamaya, a? Bihis na po ako," sa sementeryo ko na balak sabihin ang dahilan kung bakit napaaga ang uwi ko dahil hindi pa nahahalata ni Mama. Sana.

Alas kwatro na kami nakarating sa may sementeryo malapit sa amin. Kaya ayos lang kung aabutan kami ng dalim dahil tatlong kanto lang ang layo.

Kaninang hinihintay ko si Mama ay bumili na ako ng bulaklak sa may palengke, saka kandila. Inilapag ko ang bulaklak saka ko na sinindihan ang tatlong kandila na kulay puti.

Nayuko ako at nag-alay ng maikling panalangin para kay Papa pagkatapos ay naupo ako sa damuhan , sa mismong puntod ni Papa saka ko tinanggal ang mga iilang dahon malapit sa lapida niya.

Samuel Icarro Dela Paz Tolentino

Born: March 7, 1954

Died: August 19, 2006

Pa, Architect na 'ko! Alam ko, proud na proud ka sa akin dahil natupad ko na ang pangarap mo para sa akin, ang makapagtapos. Pangako, gagalingan ko po sa trabaho ko at hindi ko papabayaan si Mama.

"Isha," pagtawag sa akin ni Mama.

Hindi ko namalayan na may mga luha na na tumutulo sa pisngi ko kaya naman dali dali kong pinunasan iyon.

"Po, Ma, bakit?"

"Bakit nga pala napaaga ang uwi mo?" kunot noong tanong niya.

"Ah, 'yon po ba?"

Tumango siya.

"Architect na po 'ko, Ma," malumanay na sambit ko.

"Mabuti nam-" napatigil siya sa sinasabi niya saka niya ako gulat na hinarap.

"Pasado ka?"

Tumango ako.

...

Accident BabyWhere stories live. Discover now