"Sino ba kasi ang tatay niyan?"
"Basta," ang tanging nasabi ko.
Kanina pa ako kinukulit ni Fatima dahil sa ayaw kong sabihin na isang mayaman at galing sa kilalang pamilya ang ama ng anak ko. Hindi ko rin sinabi sa kaniya na noong umuwi ako sa Pampanga ay sinundan niya ako ro'n dahil kahit kasi ako ay hindi ako makapaniwala na nangyari iyon.
Limang buwan na ang nakakaraan, at oo buntis ako. Nabuntis ako ni Laert. Hindi ko rin alam na mabubuntis ako pero minabuti ko na maaga pa lamang ay maitago ko na muna iyon kay Mama dahil alam kong uusok ang ilong niya at baka mapano pa siya kung sakaling malaman niya na nabuntis ako nang hindi man lang kinakasal.
Hindi ko naman intensyon ang itago sa mga taong dapat na nakakaalam dapat ang tungkol sa baby ko. Ayaw ko namang lumaki siya na hindi man lang nakikilala ang Lola niya, ang Tito niya na si Kuya ko, lalo na si Laert na Ama niya.
Base sa huli kong check-up ay lalaki raw ang gender ng baby ko at medyo maselan ang pagbubuntis ko kaya naman doble ingat ako sa bawat gagawin ko at kasalukuyan pa akong nagtatrabaho ulit sa resto bar kung saan ako nagsimula. Akala ko nga'y hindi na ako tatanggapipn ni Ma'am dito pero tinanggap pa rin niya ako kahit nalaman niya ang pagbubuntis ko. Sa katunayan nga ay sila pa ni Clarence ang tumulong sa akin sa pagpapacheck up ko.
Si Clarence rin ang tumulong sa akin na makapaghanap ng trabaho bilang isang Arkitekto at may isang bagong kumpanya raw na bubuksan kaya naman maraming kailangan na mga bagong Engineer at Architect doon.
"Kailan nga ulit iyong interview mo sa sinasabi mong papasukan mo?" tanong ni Fat.
"Ahhh, bukas na. Kinakabahan nga ako, eh," pinaghawak ko ang dalawa kong kamay.
"Gaga! Naipasa mo nga ang boards 'tapos sa interview lang kinakabahan ka?" pagtaray niya sa akin.
Tama naman siya.
Tignan natin kung makakapasok ako sa kumpanya na 'yon, pero ang sabi naman ni Clarence ay mabait naman daw iyung may-ari no'n, 'ayun nga lang medyo masungit kapag hindi nasusunod ang gusto.
Ano naman kaya ang isusuot ko baka kung ano pa ang sabihin ng ibang tao na wala pa naman akong matinong trabaho eh nabuntis na kaagad ako. Hindi naman sa ikinahihiya ko ang anak ko, ayoko lang na masaktan siya kahit nasa tiyan ko palang siya at kaya ko naman siyang palakihin.
Mabuti na lang at hindi ganoon kalaki ang baby bump ko kaya hindi ako nahirapan sa pagtago nito. Hindi ko na lang iti-nuck in iyong pang-itaas ko at nagsuot na lang ako ng slacks para hindi gaanong halata ang tiyan ko.
"'Yung mga papers mo, okay na ba?" tanong ni Clarence nang sunsuin niya ako sa apartment na tinitirhan ko.
"Oo, salamat," tinignan ko ulit iyung laman nung folder ko nang masigurado na wala na akong naiwang importante at dederetso pa ako sa OB ko mamaya pagkatapos kong mainterview dahil anual check-up ko rin.
"'Wag ka ngang kabahan masyado. Kayang-kaya mo 'yan!" sulyap niya sa akin sabay balik ang tingin sa daan dahil nagsimula na siyang magmaneho.
Hindi ko alam bakit habang papalapit kami nang papalapit sa companya na pag-aaplyan ko ay sobra ang kaba na nararamdaman ko. Siguro dala lang ito ng bata sa tiyan ko o kaya naman ay normal na kaba ng mga nag-aaply ng trabaho. Hindi ko na alam.
Hindi ako kaagad nakahanap ng kumpanya dahil sa hindi ako mapalagay noong nalaman ko na buntis nga ako at bumalik muna ako sa resto bar para maka-ipon ng ipapadala kay Mama at para na rin sa pagpapa-check-up ko kada-buwan.
Nang may mabalitaan si Clarence na naghahanap ng mga bagong archi ay kaagad akong nag-email at tinanggap naman nila 'yung online form ko kaya proceed na ako sa interview.
Pagkahatid ni Clarence sa akin sa lobby ay umalis na siya dahil may meeting pa sila sa ibang lugar at magbi-biyahe pa siya. Ayaw pa nga niya akong iwanan pero sinabi ko sakaniya na hindi pa naman ako nahihirapan na lumakad, kaya ko pa naman.
"Next, Ms. Tolentino," pagtawag sa akin nung babae.
"I'm here," sabay taas ng kanang kamy ko.
"Please, follow me," sabay turo niya sa kung saan ang daraanan.
Sinundan ko lang siya hanggang sa marating namin ang dulong pintuan kung saan may nakalagay na, "Interview. On-going."
"Wait na lang po natin na makalabas 'yung nauna sa inyo. Si Sir Nath lang po kasi ang nag-interview sa mga nauna at mag-iinterview sa mga susunod pa kasi gusto niya na siguradong magagaling at masisipag ang mga bagong empleyado," pag-chika sa akin nung babae.
"Oh, I see. Napaka-responsable naman niya na boss," pagpuri ko.
"Sobra po, Miss," may halong kilig na aniya.
Napatingin kaming dalawa nung babae nang biglang lumabas iyung isang lalaki na mukhang iiyak na nang hindi namin malaman kung anong dahilan bakit ganoon ang naginng reaksyon niya at napatalon pa ako ng kaunti nang magsara ang pintuan nang pabagsak.
"Next!!!" sigaw nunng lalaki sa loob ng kuwarto.
Inabot ko sa babae iyung folder ko at siya ang nag-abot sa taong nasa loob. Matapos pa ang ilang sandali ay lumabas na ulit ang babae saka niya sinabi sa akin na, "This way, Ma'am."
Nalilito man ay sumunod ako sa kaniya dahil mas alam niya ang ginagawa rito.
"Bakit mo 'ko dinala rito?" takang tanong ko sa babae nang pumasok kami sa isang kuwarto na mukhang pribado at opisina.
"Utos po ni Sir Nath," nakangiting sagot niya.
"Eh? Bakit daw?" kunot noong tanong ko sa kaniya pero ngumiti lang siya pabalik sa akin saka niya ako sinabihan na maupo bago siya lumabas ng silid.
Gustuhin ko mang tumayong muli at tignan kung anong pangalan nangmay-ari ng silid na ito ay hindi ko na nagawa dahil sa biglaang pananakit ng tiyan ko. Tiniis ko iyon habang hinihintay ang pagpasok ng tao na mag-iinterview sa akin. Kinakabahan ako na para bang may kakaibang nangyayari at hindi ako nasabihan kung ano iyon.
Basta ang alam ko ay kinakabahan ako.
Umabot halos tatlong minuto akong nakatitig sa pintuan nang bumukas ito at bumungad ang isang lalaki na hindi ko inaasahang makikita ko sa ganitong sitwasyon. Sa ganitong oras at sa ganitong pagkakataon.
Kaya naman pala sobra ang kaba na nararamdaman ko ay makikita ko siya...
Ang Ama ng magiging anak ko.
Si...
Laert Nathaniel Merrin!
...