Pinagmasdan ko ang buwan mula sa bintana, hindi ko alintana ang lamig ng hangin na dumadampi saking pisngi.
Pinagmamasdan ko lang ang hubog nito. Ang madalas nitong pagbabago.
Naisip ko rin na masyadong dumepedende ang buwan sa sinag ng araw, pero mas madalas na binibigyan natin ito ng pansin.Pinapansin lang naman natin ang haring araw sa tuwing lumulubog ito, sa tuwing pinapakita nito ang pinakamaganda nitong anyo.
Marahil mas nabibigyang halaga natin ang buwan dahil sa tuwing malalim ang gabi at nilulunod tayo ng problema...
Nandyan sya.
Tuwing malalim ang gabi at umiiyak tayo ng tahimik.
Nandyan sya.
Tuwing dumarating ang lungkot sa hindi malamang dahilan ng pagsilip
Nandyan sya.
Tuwing malalim ang gabi at iniisip natin ang hindi satin pagpili.
Nandyan sya.
Tuwing malalim ang gabi at hindi natin maintindihan ang ating sarili.