#18 Mahal Kita

17 11 1
                                    

"Hanggang saan ba aabot ang salitang mahal kita?"
Nagulat ako sa mga katanungang hindi mo naman ineksplika. Kasunod nito ang pagsabi mo ng "wag na lang, hindi na rin naman mahalaga"

Pagkatapos ng senaryong yon ay napaisip ako "Hanggang saan nga ba aabot ang salitang mahal kita"

Hanggang sa labas ng bahay?
Sa hagdanan?
Sa pagkamatay?
Sa kalawakan?

Marami akong naisip na destinasyon nito, at pagkatapos ng malalim na pag-iisip ay napatingin ako sayo.

"Sayo"

Natagpuan ko na ang sagot sa katanungan mo.

"Hanggang saan nga ba aabot ang salitang mahal kita?"

Hanggang sayo...

Hanggang sayo lang naman ito.

Tuwing Malalim ang GabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon