#19 Sa kalawakan

19 12 1
                                    

Noong araw na umamin ka
ng nararamdaman mo,
Para bang umihip
ang malakas na hangin
at tinangay ako nito.

Lumutang ang mga paa ko
at aking napagtanto
na unti-unting lumiliit ang mundo.

Lumilipad na ko sa kawalan,
sa punto ng uniberso kung saan,
kasama ko ang mga tala at buwan.

Pero hindi ito ang katotohanan.

Alam kong hindi ito ang kalalagyan.

Bahala na kung maiwan at masaktan.

Halika...
Iligaw mo ko sa kalawakan.

Tuwing Malalim ang GabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon