Matulin lumipas ang mga araw at buwan na parang kailan lang ng nilabas ko ang mga anak ko ngayon mag didiwang sila ng 1st birthday nila.
Busy kaming lahat sa preparation para sa birthday ng kambal sabi ko nga kela Lolo na ok lang naman na konting salo salo lang pero gusto niya ibigay sa mga apo daw niya ang the best.
Nag tulong tulong ang lahat mula sa pag kakatay ng baboy sa pag luluto busy ang mga pinsan kong lalaki maging ang mga kaibigan ng mga ito na katuwang nila.
Ako naman ay buhat ko si Deina na kay Danica si Drake na nag lalaro sa crib natatawa ako sa mag tita kasi maging si Danica ay nasa loob ng crib.
Nakita ko si Deina na mukang inaantok na kaya nag paalam muna ako kela Mama si Danica ay sinabihan ko na sumunod na sa akin para mapa tulog ko na ang kambal.
Pag pasok sa kwarto ay agad kong pina dede sa akin si Deina nag papasalamat ako dahil lumaki ang mga anak ko na malusog dahil na din sa akin sila na dede.
Agad na naka tulog ito tanda na sobra na talaga ang antok nito. Pumasok si Danica kalong si Drake agad itong nag baba sa tita nito at gumapang papunta sa akin.
"Hmm bango naman ng baby ni Mama"amoy ko dito na kina kiliti nito.
"Mama dede"medyo bulol na bigkas nito.
"Pag tapos ni Deina baby ha"sabi ko
"Opo" sagot nito kaya pag ka tapos ni Deina ay ito na agad ang pumalit.Habang na dede ito sa akin ay naka ugalian na nito na laruin ang dulo ng damit hanggang sa maka tulog ito sa bisig ko.
Habang pinag mamasdan ko ang mga anak ko na mahimbing ang tulog. Nakikita ko sa kanila si Miguel pag natutulog hindi makakaila na anak nito ang kambal kahit sabihin na halo kami pero mas laman ito sa akin.
Naiisip ko na mag apply na nang trabaho para sa kinabukasan ng kambal kaso hindi ko magawang iwan lalo na sa akin sila nadede although malakas na sila kumain. Pero siguro pag mas lumaki na sila at na awat ko na sila sa akin saka ako mag hahanap ng trabaho.
Dumating ang araw ng birthday ng kambal at tuwang tuwa ang mga anak ko sa mga makukulay na balloon na naka sabit.
Madami ang bisita dahil na din sa malaki ang angkan ni Mama dito sa Quezon.
Natapos ang celebration ng kambal ang naiwan na lang ay ang mga kaibigan at ka trabaho ng mga pinsan ko.
Lumapit sa akin si Mark best friend ni Kuya Dexter.
"Lorice ito pala yung regalo ko sa mga inaanak ko pasensya na na late ako ang daming gawa sa shop"hingi nito ng pasensya.
Eto lang natawag sakin ng second name ko dahil lahat daw Deeanne na tawag sakin.
"Ayos lang saka nag abala ka pa"sabi ko" kumain kana"sabi ko. "Halika sa loob meron itinabi si Mama"aya ko
"Salamat naka abala pa ako"hiyang sabi nito.
"Ano ka ba hindi ka naman iba sa amin saka best friend ka ni Kuya Dexter"naka ngiting sabi ko.Pag pasok namin ay inasikaso ko agad ito at nag paalam na iwan ko muna sya para linisan ang kambal.
Pag ka tapos ay pinuntahan ko si Mark na patapos na kumain kausap si Mama.
"Andito na pala kayo aba napa ka bango naman ng apo ni Lola"na agad na kinuha sa akin ni Mama si Deina si Drake naman ay nag pa karga sa akin.
Iniwan kami ni Mama dala si Deina si Drake naman ay nag papasubo kay Mark ng dessert.
"Anak tama na yan baka sumakit na tyan mo"awat ko.
"Lorice anong plano mo mag hahanap ka na ba ng trabaho?" Tanong nito."Sana kaso maliit pa ang kambal siguro pag medyo malaki na sila at pwede na iwan sa ngayon alagain pa sila at hindi kakayanin ni Mama ang kambal"sabi ko.
"May punto ka din"sabi nito "ahm Lorice ok lang kung hindi mo sagutin asan ang tatay ng kambal?"hindi na ako nagulat sa tanong nito.
"Nasa manila"sagot ko
"Hindi naman kalayuan ang manila bakit hindi sya dumadalaw sa inyo ng kambal?"tanong nito."Hiwalay na kami ng tatay nila although alam niya na may anak kami siguro hindi lang kami meant to be may kaya ang pamilya niya at hindi ako gusto ng Mommy niya"sabi ko."saka balak ko na din ayusin yung annulment namin"
"Ang gago lang sorry ha pero hindi man lang kayo kayang ipag laban"sabi nito at umiling na lang ako.
"Ayoko din na papiliin sya dahil alam ko naman na una pa lang tutol na sa akin ang Mommy niya"sabi ko hanggang ngayon masakit pa din.
"Ok lang yan Lorice hindi kawalan ng kambal ang kagaya na niya na hindi kayo kayang ipaglaban"sabi nito.
"Alam ko pero kung sakali man na mag kita sila ng kambal hindi ko naman ipag kakait sa kanya na makilala ang kambal tatay pa din sya pero sa ngayon hindi muna"sabi ko.
"Andito ako Lorice para sa inyo ng kambal handa akong maging ama ng kambal"nagulat ako sa sinabi nito
"Mark"sabi ko lang.
"Mag hihintay ako Lorice hanggang sa pwede na at mapawalang bisa ang kasal niyo"deteminadong sabi nito.Wala akong masabi sa kanya naputol lang ng pumasok si Kuya Dexter at doon lang ako naka hinga ng ayos.
Hindi ko alam kung handa na ba ako pag napa walang bisa ang kasal namin, sa ngayon mas gusto ko na mag focus sa mga anak ko at sa kinabukasan nila.
Ayon lang ang mahalaga sa akin wala ng iba kung dumating man ang panahon na muli akong mag mamahal siguro matatagalan pa siguro dahil masyadong malalim ang iniwan ni Miguel sa akin sa sobrang pag mamahal ko wala na akong tinira para sa akin.
Sa ngayon sa mga anak ko itutuon ang pag mamahal at buong atensyon ko.
"Miguel Pov"
Masaya akong naka tingin sa picture ng mga anak ko gustong gusto ko na silang yakapin kaso naduduwag ako sobrang mahal ko si Deeanne pero hindi ko sya nagawang ipaglaban kay Mommy.
Pero na niniwala ako na darating din ang panahon na muli kong makakasama ang mag iina ko sa ngayon kailangan kong tumayo sa sariling paa ko para sa pamilya ko kay Deeanne, Drake at Deina sa kanila ako kukuha ng lakas.
Nag papasalamat ako sa kabila ng ginawa ko kay Deeanne andyan si Tita at Danica na nag babalita sa akin sa kalagayan ng mag iina ko.
Sila din ang nag sabi sa akin na nag lelabor na ito kaya lihim ang pag punta ko ng Quezon para makita ko ang mag iina ko.
Walang pag lagyan ng saya ang puso ko ng makita ko ang kambal, ang mga anak ko at nilubos ko na din para makita ang babaing mahal na mahal ko na natutulog.
Dalawang taon na simula ng umalis si Deeanne at lumipat ng probinsya para doon ipanganak ang anak namin dalawang taon na akong nangungulila sa kanila.
Ngayon hanggang tingin lang ako sa mga pictures nila ang masayang ngiti ng mga anak ko na sana ako ang na andoon.
Alam ko darating ang araw na mag samasama din kami at mabubuo kaming pamilya at sa araw na yun handa na akong talikuran at ipag laban ang pamilya ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/275830397-288-k599473.jpg)
YOU ARE READING
My Runaway Husband (COMPLETE)
RomanceWhat if hindi ka nagustuhan ng pamilya ng boyfriend mo especially Mommy niya. Dahil ba hindi kilala ang pamilya niya dahil ba isa ka lang scholar sa pinapasukan mong kilalang university. Si Deeanne Lorrice Sandoval isang beauty and brain na naka pas...