PSALMS 97:4 " HIS LIGHTNING LIGHTS UP THE WORLD; THE EARTH SEES IT TREMBLE."
------------------------------------------------------------------------------------------------
ENJOY :)
A/N: kapag italic yung Nasa, si Nathalie tinutukoy ko. Thank you
Chapter 1
NASA's POV
Nagising ako sa isang tinig ng babae, pamilyar sakin iyon ngunit nag tataka ako kung saan ito nag mumula. Sinundan ko yung tinig at.. para akong nahugutan ng hininga sa aking nakita, a-ako yun, batang ako na umiiyak na sa tingin ko nasa edad na 14, at bigla nalang lumingon sakin ang batang umiiyak.
Nagising ako sa tunog ng alarm ko, hingal na hingal ako dahil sa panaginip ko kahit hindi naman ako tumakbo kinuha ko ang tubig sa night stand at tiningnan ang oras, 5:30 na ng umaga kailangan ko ng gumayak sa aking pagpasok sa school. Nang matapos akong gumayak lumabas na ako sa aking kwarto at pumunta sa kusina para kumain.
Kasalukuyan akong nasa kotse pa punta sa paaralan, kinakabahan ako kung kaya ko na bang pumasok ulit sa isang paaralan. 3 years ago kasi nag home schooling lang ako kaya kinakabahan ako sa araw na to sana maging maayos lang ang lahat.
Natigil lang ako sa pag iisip ng may mag salita. "Nasa! nandito na tayo sa school mo" sabi ni kuya Mang habang nakatingin sakin. "Salamat kuya Mang ingat ka pauwi" sabi ko sa kanya habang nakangiti.
Inilibot ako ang aking paningin at na mangha dahil sa lawak at ganda ng school na aking papasukan, "Namiss kong pumasok ulit sa mismong paaralan" bulong ko sa sarili ko habang tinitingnan ang paligid. "Angel's University" basa ko sa tarpaulin, mukhang mababait din ang mga students dito.
Tiningnan ko yung map sa aking Cellphone at hinanap kung saan ang aking room. "block A 3rd floor room 16" basa ko. Tiningnan ko ang oras at may 15 minutes ako papunta sa room bago mag simula ang klase. Nakita ko na Ang block A at eto ako ngayon umaakyat sa hagdan sa bawat room na aking nadadaanan nag tataka ako bakit may purong babae sa isang room pero meron ding naman halo na babae at lalaki. Pero naalala ko yung sinabi nila mommy sakin 2 months ago.
{Flashback.....}
"Hi Mom" bati ko sa kabilang linya.
[ Hi sweety, sure kana ba? ] may halong paniniguro ang boses ni Mommy.
Nag-isip ako kaya ko na ba, matagal na panahon nung nangyari yon kaya sure akong kaya ko na saka bored na ako dito kase di naman ako lumalabas ng bahay at home schooling lang ako kaya na i-ready ko na yung sarili ko.
YOU ARE READING
HIDING THE PAST (slow ud)
General FictionKaya ko na nabang humarap sa mga tao, okay na ba ako? ,nakalimutan na ba nila?, wala nabang mang huhusga sakin, Malaya naba ako mula sa aking nakaraan? mga katanungan sa isip ni Nasa. " Nathalie Samantha Valera "