PHILIPPIANS 1:3 "I THANK MY GOD FOR YOU EVERY TIME I THINK OF YOU; "
-----------------------------------------------------------------
ENJOY :)
Chapter 10
NASA's POV
Kasalukuyan kaming umo-order, dahil napag kasunduan naming dito nalang din sa mall mag dinner. Isinabay na din namin sila Savannah at Loise, at hanggang ngayon tanong padin ng tanong itong mga kaklase ko.
" sino mag babayad ng dinner natin "
" Si Lance siya nag ayang mag mall eh " sagot ni Kev.
" Ha, Bakit naman ako " biglang sagot ni Lance. " Si PJ ang mag babayad siya pumili ng restaurant nato " dag dag niya.
" B-Bakit ako, tinuro ko lang naman ito " giit ni PJ. " Bakit mo kasi tinuro " taas noong sabat ni Kev.
" Bakit kasi nag tanong kayo " pikon na giit ni PJ, hay nako ayaw mag patalo mag aaway pa sila dito.
" a-ako na bahala sa dinner natin, treat ko " nakangiti kong sagot.
Nilabas ko ang aking phone para itext sila Manang Cella na sa labas na ako kakain. Baka ipagluta pa nila ako sayang naman.
" Nasa yung pera mo ba nauubos? " parang batang tanong naman ni Kev. Hay nako kalian kaya ito mag mamatured
" Paanong mauubos eh, hindi naman pala gastos yan. " Nandidiring sagot naman ni Savannah. Isa pa to bagay sila ni Kev. Speaking of di nauubos y-yung bad news, kailangan ko pa pala siyang tawagan.
Tumayo ako sa upuan ko, nagsi-tinginan naman silang lahat sa akin.
" may tatawagan lang ako sandali. " Nakangiting sabi ko.
CJ's POV
Simula ng makabalik si Nathalie, Nag bago na bigla ang mood niya kung hindi seryoso laging malalim ang iniisip akala mo naman pasan niya ang buong mundo.
Dumating na yung mga order namin pero mukhang wala lang sa kanya akala ko ba gutom na siya. nagsimula na kaming kumain pero siya tulala parin. Mukhang napansin ng mga kaklase ko na tulala si Nathalie.
" Nasa " pag tawag pansin ng mga loko. Takang Tumingin si Nathalie sa kanila, " Andito na yung order natin " nakangiting sabi ni Lance.
"a-ahh ano pa hinihintay niyo kain na " pilit ngiting sabi niya sabay harap sa pag kain sa kanyang harap. Hinihiwa niya lang ng hinihiwa yung steak, malapit na kaming matapos samantalang siya naman di pa nababawasan yung pag kain niya, nahiwa niya na sa maliit na parte yung karne.
Natauhan lang si Nathalie ng kalabitin siya ni PJ. " Nathalie kumain kana " seryoso nitong sabi.
" h-ha, ahh o-oo " tarantan niyang tugon.
YOU ARE READING
HIDING THE PAST (slow ud)
General FictionKaya ko na nabang humarap sa mga tao, okay na ba ako? ,nakalimutan na ba nila?, wala nabang mang huhusga sakin, Malaya naba ako mula sa aking nakaraan? mga katanungan sa isip ni Nasa. " Nathalie Samantha Valera "