CHAPTER 11

29 3 0
                                    

PSALMS 18:28 " O LORD, YOU GIVE ME LIGHT; YOU DISPEL MY DARKNESS. "

----------------------------------------------------------------------

ENJOY :)

Chapter 11

CJ's POV

Kasalukuyang nakikipag laban si PJ, isang linggo lang kami nawala ang dami na agad naganap. Hindi naman siguro halata na miss ni PJ ang makipag laban kasi pang apat na iyang kinakalaban niya akala ko manonood lang siya kahit kailan talaga pasaway.

Napasinghap ang mga tao ng madaplisan si PJ sa balikat ng kutsilyo, pero parang wala lang sa kanya na nadaplisan siya o baka di niya lang talaga alam, sabagay kung ako rin naman ang nandoon walang talab iyon, kaso pag yan nalaman niya parang bata nanaman yan.

Tuloy lang siya sa pakikipag laban, ano ba naman kasing trip ito PJ hindi naman kasi siya ganyan makipag laban, ayaw niya ngang tumatagal ang laban niya pero itong ginagawa niya parang hindi ito siya, kahit kaya niya itong patumbahin pero di niya ginagawa.

Natahimik kaming lahat dahil sa gulat

k-kasalukuyan nang nakahiga si PJ sa ring of battle at ang kanyang kalaban ay unti-unti ng lumalakad ito palapit kay PJ.

Shit.

handa na nitong isaksak ang Butterfly knife na kanyang hawak kay PJ ng biglang may pumalakpak.

Inilibot ko ang aking paningin upang hanapin kung nasaan ang pumapalapak.

Laking gulat ko na makita kung sino ang pumapalakpak galing ito sa isang b-babae pero hindi ito isang klase ng palakpak na nakukuha natin kapag tayo ay natutuwa o kaya naman palakpak ng mga manonood kapag may nananalo sa UGF, yung klase ng palakpak niya ay mabagal di ko mahinula kung ito'y isang palakpak ng namamangha o baka siya ay nang-iinsulto. Ganon na ba talaga kami katagal di pumunta at dahil sa dami ng ganap dito sa UGF sino kaya itong babaeng ito pero natutuwa ako sa kanya kasi ang galing ng kanyang timing. Hindi tuloy natuloy na isaksak nitong kalaban ni PJ.

Kumunot ang noo ko ng Lumapit ang babae sa Ring of Battle at dahan dahang pumasok sa loob, nababaliw na ba siya, bakit siya pumasok sa loob wala pa namang sinasanto ang mga nasa loob ng Ring of battle lalo na ang kalaban ni PJ ngayon.

Galit na nakatingin sa kanya ang kalaban ni PJ

"Miss bawal ka dito, Nakita mo bang hindi pa ako tapos dito" kalaban ni PJ.

Tiningnan niya si PJ na kasalukuyang nakahandusay.

"Ay! Di ka pa pala tapos" dismayadong sagot ng babae.

Di siya pinansin nito at muling itinuon kay PJ ang kanyang atensiyon. Tinaas niya ulit ang kamay na may hawak na kutsilyo akmang isasaksak ng biglang........

"Ahhhhhhhhhhhh" gulat at manghang tili ng babae habang nakatakip siya sa kanya bibig.

Pikon siyang binalingan ng kalaban ni PJ.

"Ano ba, napipikon na ako sayo" kalaban ni PJ.

Inalis niya ang isang kamay sa bibig at ginamit ito pang turo sa hawak na Butterfly knife ni PJ.

Nalaglag naman ang panga ko sa ginawa niya, dahil sa ginagaw niya lalo niya lang inuubos ang pasensiya ng kalaban ni PJ.

Di makapaniwalang pinag-masdan ng kalaban ni PJ ang babae, na tila ba ngayon lang nakakita ng babaeng mangha sa kutsilyo niyang hawak.

Ibinaba ng babae ang kanyang kamay.

"Ang ganda ng Butterfly knife mo" babae.

Napangiti naman ang kalaban ni PJ sa sinabi ng babae.

HIDING THE PAST  (slow ud)Where stories live. Discover now