CHAPTER 3

36 8 0
                                    

JEREMIAH 17:07 " BUT I WILL BLESS THE PERSON WHO PUTS HIS TRUST IN ME."


------------------------------------------------------------------------------------------------

ENJOY :)


Chapter 3

NASA's POV

First day ko pero ang daming nangyari kanina sa Cafeteria, binago ko na nga yung sarili ko para di na ulit ako magamit at para di na rin maabuso pati kabutihang pinapakita ko. Isang subject nalang at uwian na, gusto ko na talagang umuwi, sa dami nang nangyari kanina, sana wala yung teacher na susunod sa teacher naming ngayon.

Nagulat nalang ako nang mag sigawan ang mga kaklase ko na akala mo mga nanalo sa lotto, Tiningnan ko sila at may mga nagsisitalon pa tiningnan ko ang teacher sa harapan at laking gulat na wala na pala siya sa harap kaya pala nakakapag ingay sila.

"Nasa di ka pa ba uuwi" nagtatakang tanong sakin ni lance.

"masyado ka namang masipag"pang-aasar ni kev. Takang napatingin ako sakanila, masipag? Eh di nga ako nakikinig dahil sa mga nasa isip ko.

"huh?" takang tanong ko sa kanila.

"uwian na, kung tatanungin mo yung susunod na teacher may meeting daw si ma'am kaya di siya makakapag turo bukas nalang, tsaka mag ready ka may debate daw tayo sa kanya" nakangiting sabi sagot sakin ni khen.

Bigla akong napangiti na para bang sinagot ni Lord yung hiling ko, sa wakas makakauwi na din ako. Agad kong inayos ang gamit ko at inilabas ang aking phone para I text si kuyang Mang para sunduin ako. Ilang sigundo ,inuto lang nag text si kuya mang na nasa labas na siya ng aking school kaya lumabas na ako ng room para pumunta sa labas kung saan niya ako ibinaba nung umaga.

"Hi kuya Mang" nakangiting sabi ko sa kanya.

"maaga ata ang uwi mo ngayon first day ng school" nag tatakang tanong niya.

"kuya mang may meeting kasi yung teacher namin sa last subject kaya makakauwi ako ng maaga" pilit na ngiting sagot ko.

Si kuya Mang yung driver ko as in bata palang ako siya na driver ko halos parang tatay ko na rin siya, kasi nga halos siya ang nakakasama ko sa halip na si Daddy well di ko naman siya masisisi kasi busy siya sa family business namin I mean sila pala ni Mommy.

"Nasa andito na tayo" sabi sa akin ni kuya Mang. Ngumiti ako sa kanya at tsaka lumabas ng kotse.

pagpasok ko sa bahay si Ate ley ang aking nadadnan.

"Ate ley Asan si Manang Cella" nakangiting tanong ko

"Si Manang Cella ay pumunta ng palengke kasama si len" nakangiting sagot ko. "Ate nakauwi na sila Mommy?" habang inililibot ko ang aking paningin sa loob ng bahay.

"Late na daw makakauwi si Madam tapos Si Sir nasa business meeting padin kaya di ko alam kung kelan ang uwi" alanganing ngiti ang ibinigay niya sa aking.

"Ganon po ba, sige po punta na ako sa kwarto ko" pilit na ngiti ang aking ibinigay sa kanya at umakyat na papuntang kwarto.

Pagpasok ko ng kwarto inilibot ko ang aking paningin, 3 years na ang nakalipas pero ganito padin yung kwarto ko, sa kaliwang bahagi may simpleng design lang ng bedframe at may malambot na kama, pag tingin ko sa aking kanan andun yung study table ko/vanity table. At may dalawang pinto na para sa cr at walk in closet ko. At nasa taas makikita mo yug LED light at yung pinaka favorite part ko ay yung pag gabi mala outer space ang datingin ng kisami ko marami star.

HIDING THE PAST  (slow ud)Where stories live. Discover now