KABANATA 9

401 18 7
                                    

'Dalawang dosena, XL.'

Pilit iyong pumapasok sa isipan ko. My gosh, Veron! Hindi na yata ako patatahimikin ng mga salita niya. Hindi ko na nga halos siya matignan kanina sa pagsabi niya ng order niya. Kung hindi ko pa hinila si Mareng pabalik kila Aling Flor at walang lingon-likod na lagpasan sina Drake ay hindi ako kakalma. Ngayon namang nasa bangko ay miminsang inookupa ang kaisipan ko.

Hindi ko alam kung anong meron diyan kay Drake at lagi na lamang akong ginagambala. Sa totoo lang ay maayos naman siyang makisama at galante, ngunit masyado lang ding pilyo.

Napailing ako ngunit natigil matapos mamataan ang lalaking iniisip ko sa pila. Mag-isa at hindi na kasama ang bisita niya. May hawak na paperslip at ballpen.

"Veron, pasuyo muna. Magbabanyo lang ako." si Miss Yumi.

Hindi pa man ako nakakasagot ay umalis na ito. Alanganin tuloy akong ngumiti sa matanda.

"Anong po ang sa inyo, Lola?" Pinilit kong gandahan ang ngiti ko upang gumaan ang pakiramdam ng matanda.

Tumikwas ang kilay nito at ang naniningkit na mga mata ay linilingon ako.

"Ipa-update ko sana ang account ko. Dumating na kasi ang pensyon ko." Iniabot nito sa akin ang bank book niya na malugod ko namang kinuha.

Tinipa ko sa computer ang account ni Lola bago nilagay sa machine ang bank book niya upang ma-update at lumitaw kung magkano ang dumagdag sa account niya. Nang matapos ay agad ko iyong binalik kay Lola.

"Thank you po," magalang ko pang pasasalamat.

Tumango lamang ito bago agad na tumalikod. Napanguso ako ngunit agad na natigilan matapos malingunan si Drake na sunod sa pila ngunit umiling ito sa kasunod at pinauna iyon.

Nakahinga ako nang maluwag dahil doon. Nakangiti ko pang pinagsilbihan ang ginang na nag-deposit. Ngunit agad ding bumalik ang kaba ko pagkaalis nito at makitang muli na si Drake na ang susunod. Kagaya kanina ay umiling ito sa kasunod at iyon muna ang pinauna.

Kung kanina ay kinakabahan akong attend-an siya ngayon naman ay nangungunot ang noo ko sa hindi niya paglapit. Baka akala niya ay hindi ko alam ang trabaho ko at natatakot siyang magkamali ako.

Salubong na ang kilay ko ngunit pilit kong tinutuwid upang hindi naman maasiwa ang ginang na nagde-deposit. Malapit na itong matapos nang muling liningon ko ang pila.

But aside from Drake, ginang na diretso ang titig sa akin ang nalingunan ko. Her knotted brows and that strict line on her lips shook my nerves.

Nanginig ang kamay ko at napayuko. Kumabog ang dibdib at pinigilan ang mga luhang nais tumakas. To see Mama right in front of me now is fearful. Bumabalik ang sakit at hinanakit.

I don't know why she is here. Masyadong malayo ang bangkong ito sa bayan nila. Sana ay si Drake na ang mauna bago siya, ngunit nagkamali ako.

Hindi ako makapagtipa nang maayos matapos mahagip ng tingin ang suot nitong pulang damit at itim na pants. Amoy ko din ang mabagsik nitong pabango na nanunuot sa ilong ko.

"Magbubukas ako ng account," diretso at matigas nitong sabi.

Tila nalunok ko ang dila ko at hindi makabuo ng salita. Hindi ko alam kung lilingunin ko ba si Mama o mananatili sa computer ang tingin ko. Sa huli ay bumagsak sa keyboard ang tingin ko.

"Ako na, Veron. Pa-double check na lang noong mga files sa green folder," si Miss Yumi.

Mabilis akong tumayo at lumipat ng upuan. Nasalubong ko pa ang nakataas na kilay at nanunuring tingin ni Mama. Agad akong napayukong muli at halos hindi makagalaw sa nararamdamang titig ni Mama.

TRY ME: Draco Torres (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon