KABANATA 23

368 18 5
                                    

Malalim kong tiningnan si Drake habang nakangising minamaniobra ang manibela. Napapairap sa tuwing naiisip kong hambog nga siya. Masyadong malawak ang jeep. Idagdag pang kaming tatlo lang ang nakasakay.

"Saan mo nakuha itong jeep?" Tumaas ang kilay ko lalo na sa paglaki ng ngisi niya.

"Nirentahan. Ayaw mo ng tricycle kaya jeep na lang. Right, Mareng?"

I heard Mareng giggled, "Yes, Pare. And I love it. Can you buy this? I want to swim on the beach on my birthday, then let's ride this Jeepy!" she exclaimed.

Bahagyang nagsalubong ang kilay ko at maayos siyang niyakap sa kandungan ko. Kung pwede ko lang takpan ang bibig niya ay ginawa ko na. Masyadong maraming hiling. Masyado nang inaabuso si Drake.

"Mareng, stop that. Maliligo ka naman sa banyo," suway ko pa sa kanya.

But just like Drake, she didn't listen to me, "No, Mimi. I want a beach!"

"Sure, Mareng. We'll go to the beach." Then he smirked.

And now I do believe that Drake made her a spoiled brat.

Napailing na lang ako at sumandal sa upuan habang yakap nang mabuti si Mareng. And I think they are close enough to even talk about anything under the sun.

"When I turn eighteen, I want you to be my escort, Pare!" she whispered, excitedly.

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. How did she know about debuts?

"No problem, Mareng. Even at your wedding, I can be your escort."

Doon na natutok ang tingin ko kay Drake. But it seems like he doesn't mind my deep stares. Sa kalsada ang tingin niya at ni hindi ako sinusulyapan.

"I don't think so, Pare. My dad will be my escort if that day comes." Mareng nodded a few times and even smiled a little.

Napaawang lamang ang labi ko sa binanggit ni Mareng. Paano niya naiisip o nasasabi ang mga ganoong bagay? And this is the first time she talks about his father.

I guiltily bit my lip and glanced at Drake. Siya naman ay tahimik ngunit may maliit na ngiti sa labi.

"Are you sure, Mareng? Where's your daddy, by the way?" he asked.

At gusto ko na siyang kutusan sa tanong niya. How dare you, Drake! Ako nga na ina ay hindi iyon pinapaalala sa kanya. Tapos siya na kapitbahay lang ay ang lakas ng loob na itanong iyon sa bata.

Pigil ko ang sumigaw at hampasin si Drake nang tumikwas ang kilay niya pagsulyap sa akin. Para bang ako ang gusto niyang sumagot imbis na si Mareng. Umiwas ako nang tingin ngunit nagtatanong na mga mata din ni Mareng ang nasalubong ko. And now I am thorn between their stares.

"Right, Mimi? Where is my Daddy?"

She asked the question I think I am unable to answer. Hindi ko iyon masasagot. Malabong masagot ko. Yes, it crossed my mind that someday she will look or ask about his father. And I will never be ready to answer her. Never.

"Is he still busy? When he'll gonna go home?" she asked again.

Napakurap ako at napaawang muli ang mga labi ko. Hindi maintindihan ang sinasabi niya. I never mention his dad.

"My teacher said that my Daddy is busy working out there. That's why he is not around, but when he manages have enough money, he will go back home to see me." She smiled, dreamily.

Nahigit ko yata ang hininga ko at ni ayaw lumabas ng mga salita sa bibig ko. Even Drake kept his mouth shut. Paglingon ko pa sa kanya ay mahigpit ang hawak niya sa manibela at matalim ang tingin sa daan.

TRY ME: Draco Torres (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon