KABANATA 34

343 15 8
                                    

Babe?

Babe, babe pa! Eh kung BABEbitayin ko sila?!

At talagang pinagdiinan pa ni Miss Kim!

Inis akong umatungal sa alaala. Malakas ko pang sinara ang refrigerator. Bahala na kung masira!

Nagtago lang ako ng isang linggo may ibang babe na agad?! May iba ng pinagbibigyan!

Does Miss Kim know his background?

I bet no!

Paano kung sabihin ko? Lalayo ba ang guro?

Urgh!

Napalabi ako at napasandal sa pinto ng ref. Ang bilis naman niyang sinagot si Miss Kim. Nakuha sa pa-cake! Hindi muna ako hinintay na matanggap ang nalaman sa kanya!

Wala na ba siyang mahalikan kaya't pinatulan na si Miss Kim? Tapos ano? Inalok na rin niya ng kasal?!

No way!

Mabilis akong tumayo at inilang hakbang ang kwarto ni Mareng. Nadatnan ko pa itong nilalaro ang malaking Peppa Pig stuff stoy niya.

"Mareng, get dress. Magta-trabaho tayo ulit sa mango store."

Namilog ang mga mata nito at napatayo pa sa kama.

"Really, Mimi?! Araw-araw ko na ulit makikita si Pareng Drake-"

"Draco, Mareng. Pareng Draco," pagtatama ko.

She knotted her brows as confusion spread on her pretty face.

"Draco? Pareng Draco? Ew, Mimi. It sounds Dracula. I prefer Pareng Drake."

"Whatever, Mareng. Hurry up! We're gonna work our ass off."

She beamed, then jumped a few times on her bed, "Coming!"

Sadya yatang pareho kaming sabik ni Mareng at nagawang kumilos nang mabilis. Hinawakan ko pa nang mabuti ang kamay niya habang papasok sa palengke.

Kumakabog ang dibdib ko. Kinakabahan na baka tanggal na kami sa trabaho o baka hindi na roon nagtatrabaho si Draco. I have not yet seen him in the apartment kahit ilang beses akong lumabas sa nakalipas na araw. Trying to at least take a glimpse of him. Kaso ay hindi ko mahagilap!

Binahay na yata ni Miss Kim!

At ngayong nasa palengke na ay kumakabog ang dibdib ko at kinikiliti ang tiyan ko.

Okay, fine. I'm excited to see him, but afraid to get ignored.

Mas lalong humigpit ang hawak ko sa kamay ni Mareng na kina-angat ng tingin niya sa akin.

"Mimi, are you backing out?" she asked.

Mabilis akong umiling. There's no backing out!

Kahit pa hindi ko lubusang natatanggap ang tungkol kay Draco ay hindi pwedeng umatras ngayon.

Hindi ko alam but there's this urge inside of me to take back Draco. To get him for Mareng. Yes, just for Mareng!

Kaya lang nang matanaw ang tindahan ay kusang bumagal ang paghakbang ko. Nanghina ang mga tuhod at kamay ko sa nakikita.

I blinked twice. No. Thrice. Just to confirm if I really see Miss Kim on the counter while Draco is in front of her fixing her hair.

Mas hinataw pa ng martilyo ang dibdib ko matapos makitang nagnakaw ng halik si Miss Kim sa mga labi ni Draco na kinangiti ng huli.

Bumigat ang paghinga ko at napalunok. Umiwas ng tingin ngunit nasalubong ang mga tingin ni Didoy na naaalarma. Napatayo pa ngunit mabilis akong umiling sa kanya.

TRY ME: Draco Torres (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon