KABANATA 16

394 19 5
                                    

Ilang beses na tumawag si Drake kinagabihan ngunit ni isa ay wala akong sinagot. Hindi ko na balak na kausapin pa siya o i-entertain. I just want to keep my distance. Ang kaso ay habang pilit kong linalayo ang sarili at si Mareng sa kanya ay unti-unti ring lumalayo sa akin ang anak ko.

I know their bond. At alam kong hindi rin madali kay Mareng na basta na lang lumayo kay Drake. Paano naman ako? Am I selfish?

"Susunduin kita mamaya, Mareng. Wait for me. Huwag kang sasama kung kanino."

Inayos ko ang uniporme niya at marahang hinaplos ang buhok niya. This is now our everyday routine. Katulad ng dati. Walang Drake.

"Mimi, kahit kay Pareng Drake hindi pwedeng sumama?" Bagsak ang balikat niyang tinatanaw ang apartment ni Drake.

Naitikom ko ang mga labi at pilit huminga nang malalim. Hindi na rin naman nagpaparamdam sa amin ang lalaki kaya't tingin ko ay hindi na dapat pa siyang ikonsidera.

"Hindi, Mareng. Masyadong busy ang Pare mo. Basta, hintayin mo 'ko."

Tumango siya at pansin ko ang lungkot sa mga mata niya. Ni walang ngiti sa mga labi. Napabuntong hininga ako at hinalikan na lamang siya sa pisngi bago umalis.

Hindi ko naman siya mapagbigyan. Panandalian lang naman at masasanay din siya.

I sighed. Paglaki niya ay makakalimutan din niya si Drake.

Mula sa pagkakayuko ay nag-angat ako ng tingin. Natigilan nang makita si Drake na papalapit. Seryoso at kunot ang noo. Nagsusumigaw ang bawat tattoo niyang litaw mula sa sout na muscle tee. Maging ang sirang pantalon ay nakadagdag sa awra niya. Idagdag pang nagiging halata na ang maliit na buhok sa palibot ng panga niya.

Namiss mo, Veron?

Inis akong napapikit sa naiisip. Bakit ko naman mamimiss? Iniiwasan ko nga. At isa pa hindi naman siya nag-abalang kamustahin ako. Kagaya ngayon ay tila hangin na lamang akong dinaanan niya. Ni hindi nilingon o sinulyapan.

Sa tingin ko ay bumabaliktad ang sitwasyon. Imbis na ako itong umiiwas ay siya pa itong hindi namamansin.

Umingos ako at tumikwas ang kilay matapos matanaw ang pagsakay niya sa tricycle at hindi na ako hinintay pa.

Who cares, Veron? Ganyan naman talaga ang gusto ko. Distansya!

Napapailing ako at hindi na iyon inisip pa. Ano naman kung hindi siya mamansin? That is much better!

Better na better, Veron!

Napanguso ako at pinilit na pinokus ang atensyon ko sa pag-aayos ng files. At kahit pa ilang beses akong inutusan ni Miss Yumi ay hindi ako umangal. I need to divert my attention. Hindi pwedeng na kay Drake lang. Erase na siya sa buhay namin.

But all my attempts of erasing him was put into waste when I saw him standing so firm in front of the counter. Ni hindi ko napansin kung sumulyap ba siya sa akin kagaya dati. Ang buong tingin niya ay na kay Miss Yumi.

"Yes, sir? Deposit po ulit?" si Miss Yumi na marahan pang sinikop ang buhok sa likod ng tainga niya.

Tumaas nang bahagya ang kilay ko at hindi na nagalaw pa ang pag-aayos sa files. My eyes and my ears are all into them. Kaya't nang maglabas ng dalawang bundle ng lilibuhin si Drake ay halos lumuwa ang mga mata ko. Though I know, he don't own those money, but still, sa klase ng hawak at tindig niya ay mukhang siya ang may-ari ng account. Kung hindi ko lang alam na tindero siya sa palengke ay matutulad ako kay Miss Yumi na iisipin na mayaman siya.

But no. Drake is just a vendor.

"Yes, deposit. Magbubukas pa sana ako ng isa pang account. Not mine, but I'll be the guardian."

TRY ME: Draco Torres (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon