Ilang minuto na ang nakalipas pero wala pa ding umiimik sa amin. Nakahiga lang ako at nakatingin sa kisame. Ramdam ko ang paninitig niya sa akin mula sa sofa sa gilid ko. Gusto ko mang magtanong kung sino ang nagdala sa akin dito at Kung bakit kailangan sa hospital pa, ay hindi ko magawa dahil ayaw ko siyang makausap.
"Mei" marahang tawag niya sa akin.
Napapikit ako dahil kahit ilang linggo lamang na hindi ko narinig iyon ay sobrang pangungulila ang naramdaman ko. Siguro dahil siya ang kauna unahang kaibigan ko na napalapit sa akin ng sobra. Literal na malapit, dahil malapit na din akong mahulog.
"Mei, I'm so sorry about what happened. I'm sorry about my Lolo, I'm sorry about the party. If only I knew, I should have not leave your side" paliwanag niya nang masiguro niyang wala akong balak umimik.
"I'm sorry Mei. Babawi ako sayo. Anong gusto mo?" ngayon ay nakalapit na siya sa akin.
"Gusto kong layuan mo na ako Uno" malamig na sabi ko sa kaniya.
"A-anong sabi mo?"
"Narinig mo ako Uno. Huwag mo ng ipaulit."
"B-but why?" kunot noong tanong niya
"Dahil hindi tayo pwedeng magkaibigan, mayaman ka at mahirap lang ako. Tama ang Lolo mo Uno, dapat alam ko kung saan ang lugar ko, at iyon ay kung saan malayo sa iyo." sa pagkakataong ito ay nilingon ko na siya. Nakatitig lang siya sa akin at para bang nag iingat sa iaakto niya.
Bakas ang lungkot sa mga mata niya at halatang hindi alam ang sasabihin.
"I don't know what to say Mei"
"Wala kang kailangan sabihin, pero may kailangan kang gawin."
"Mabuti pa magpahinga ka muna, saka na tayo mag usap ulit kapag maayos na ang pakiramdam mo" nag iwas siya ng tingin at seryoso ang pagkakasabi niya noon.
"Masama lang ang pakiramdam ko, pero malinaw lahat ng sinasabi ko Uno. Sa ilang linggong hindi ka nagpakita nabuo na ang desisyon ko" mapait akong napangiti. Kung kinausap niya ba ako noon pa lang aabot kaya ako sa ganitong desisyon. Hindi ko masasabi, pero siguro ay ito ang tamang gawin. Napapagod na din kasi ako at nabibingi sa sinasabi ng ibang tao.
"My Lolo didn't allow me to-"
"At mas mabuting sundin mo na lang ang Lolo mo" putol ko sa sasabihin niya.
Bumukas ang pinto kaya naman sabay kaming napatingin doon. Nagulat si Avril dahil doon at itinaas pa ang pareho niyang kamay.
Walang nagsalita sa amin maliban kay Avril. Laking pasasalamat ko na dumating siya dahil nauubusan na ako ng sasabihin kay Uno. Alam kong nag iisip siya at tinitimbang ang sitwasyon. Pero sana sundin niya na lang ang sinabi ko para sa ikatatahimik ng lahat.
"Gusto ko ng umuwi" napatingin silang pareho sa akin, si Avril ay nagbabalat ng apple pero hindi para sa akin, kundi para sa kaniya.
"You bitch. Stay here for awhile" masungit na sabi sa akin ni Avril
"Pero-" pinutol niya kaagad ang sasabihin ko.
"Look, if you're worrying about the bill don't mind it. I already settled it, all I'm asking you is to stay here and take a rest. You're abusing yourself too much." pinaikot niya pa ang kaniyang mata nang sabihin iyon.
"Hindi pwede-"
"Stay here or I'll fire you?" seryosong tanong ni Avril, natutop ako at hindi nakasagot. "Good girl" nakangising wika niya nang hindi na ako nakipag talo pa.
"Avril's right. You should stay here for awhile. Tawagan ko si Tito para hindi siya mag alala." sumenyas siyang lalabas muna dala ang kaniyang cellphone.
Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang maisara niya ang pinto. Narinig kong nameke ng ubo si Avril.
"Are you guys still not okay?"
"Nakapag usap na kami" walang ganang sagot ko sa kaniya.
"Let me guess, hindi maganda ang pag uusap niyo kaya hindi maipinta ang mukha ni Gago."
"Wala naman kaming dapat pag usapan Avril. M-magkaibigan lang naman kami." Hindi ko alam kung bakit parang may bumara sa lalamunan ko ng sabihin ko iyon. Pero iyon ang totoo, hindi namin kailangan ng mahabang usapan para sa ganoong desisyon. Hindi naman kami magkarelasyon para umakto na nahihirapang makipaghiwalay.
"But we all know that you wished to be more than that." Napaawang ang labi ko. Hindi totoo iyon. Pero hindi ko maisatinig ang mga iyon.
"See? You can't even deny it." Tumayo siya at lumapit sa akin, "Do not waste your friendship nor lost yourself" pinitik niya pa ang noo ko bago kinuha ang bag niya at lumabas ng kwarto.
Nakatitig lang ako sa puting pader habang iniisip ang sinabi ni Avril. Naging mahalaga sa akin si Uno, at naging malaking parte na siya ng buhay ko, pero alam ko ang limitasyon ko at kung paano pigilan ang nararamdaman ko.
Napaiktad ako nang bumukas ang pinto, iniluwa noon ang lalakeng dahilan kung bakit nagkakabuhol buhol ang sistema ko. Hindi naman dapat ganito kahirap ang sitwasyon na ito, hindi naman dapat ito big deal. Pero kapag nakikita ko ang mga pares ng singkit niyang mata, parang may pumipigil sa akin na layuan siya.
"Nakausap ko na si Tito, sinabi kong wag na siyang mag alala at ako na ang magbabantay sa iyo"
"Gusto ko ng umuwi" mahinang saad ko.
"Hindi nga pwede. Wag na matigas ang ulo" mahinahon man ang pagkakasabi niya ay ramdam ko ang frustration niya dahil kita ko ang paghilot niya ng kaniyang sentido. "Ok fine. How about rest for now, and then I'll discharge you tomorrow once you're ok?"
Tumango ako sa kaniya at napatingin sa pinto ng may kumatok doon. Napakunot ang noo ko dahil wala naman akong inaasahang bisita.
"Where's Meisha? Is she ok?" rinig kong tanong ni Hershel mula sa labas, agad naman siyang nakahinga ng maluwag ng makitang maayos lang ako. Lumapit siya sa akin para yakapin ako, she's so sweet and caring.
"Ayos lang ako Hershel"
"Palagi mo naman sinasabing ayos ka lang kahit hindi" tiningnan ko ng masama si Uno dahil sa pagsabat niya sa usapan namin.
"Manners please" pabalang kong sagot sa kaniya
"Manners please." pang aasar niya pa, at ginaya pa talaga ang boses ko habang gumagalaw ang ulo niya.
Maya maya ay pumasok si Kylo na may bitbit na paper bag. Nakasimangot siya.
"Dude bakit ang tagal mo naman magpark"
Hindi niya pinansin si Uno at hinanap agad ng mata niya si Hershel.
"Stella, I told you to wait for me in the lobby. Pagbalik ko wala ka na"
"Sorry ok? I was just worried to Mei." napabuntong hininga na lang si Kylo, at iniabot niya ang dala kay Uno. Isa siguro iyon sa kailangan niyang intindihin sa girlfriend niya, masyadong maaalahanin at mabait sa iba.
"Puta possessive!" binatukan siya ni Kylo dahil halatang nang aasar nanaman. Lumipat naman ang tingin sa akin ni Kylo at nginitian ako.
"How are you?"
"Ayos lang ako. Salamat" sinuklian ko ang ngiti niya.
Pinag masdan ko silang dalawa ni Hershel, mukha namang parehas silang masaya sa relasyon nila. Ako kaya kailan? Hindi naman ako nagmamadali para doon, Isa pa ay mahirap magtiwala. Hindi naman kami pwede ni Uno dahil nga mayaman siya at mahirap lang ako. Alam kong hindi naman basehan ang istado sa buhay pagdating sa pag ibig, pero gusto ko ng tahimik na buhay, pagod na ako sa ingay.
Agad na namula ang pisngi ko ng mapagtanto ang iniisip ko. Bakit ba si Uno ang unang pumasok sa isip ko? Siguro ay dahil siya ang pinakamalapit sa akin? Tama. Walang malisya iyon. Ipinilig ko ang ulo ko at napatingin kay Uno, pero lalong namula ang mukha ko ng maabutang nakatitig na siya sa akin bago pa ako makanakaw tingin.
~💙
YOU ARE READING
Under A Rest | ☁️
General FictionPolice Officer Crunos Mendez and Dr. Meisha Londres Get arrested by Uno who's willing to take all the bullets without wearing any vest, and how Meisha was able to took care and give him a rest. ☁️