Kung gaano kabilis ang puso ko sa pagtibok ay ganoon naman ang bagal ng paglalakad ko. I'm on my way to our house. Hindi ibinenta iyon noong umalis kami, kaya sigurado akong pasira na iyon ngayon lalo na at hindi naman ganoon katibay ang materyales na ginamit.
Balak kong ipaayos ito ngayon habang nandito pa ako. Hindi ko ito kayang ibenta dahil masyadong maraming masasayang alaala ang nakapaloob dito. Ang iba man ay masakit at malungkot, pero hindi mahihigitan ng mga alaalang iyon ang saya at tawa na naganap sa bahay na ito.
I once had a complete family here. I once brought friends here. I once was taken care of here by Uno.
Ilang taon pa man ang lumipas ay sigurado akong nandito nakatayo ang bahay namin, pero bakit ibang bahay ang nakikita ko ngayon?
Nakatingala ako sa isang bahay na mayroong dalawang palapag. Gawa ito sa magandang materyales na kahoy. Medyo vintage ang theme ng bahay na hinaluan ng pagka modern. Pero kaninong bahay ito? Sigurado akong hindi namin binenta ang bahay dahil dala ko ang titulo.
May isang pamilyar na mukha ang dumaan sa harapan ko. Mas tumanda siya ngayon at halata na ang pag edad niya. Mukhang nagtapon siya ng basura dahil may dala siyang black bag.
"A-aling Sol" tawag ko sa kaniya. Noong una ay mukhang hindi niya ako nakilala pero agad nagliwanag ang mukha niya ng mamukhaan ako.
"Naku! Meisha! Ikaw na ba iyan? Ang laki ng pinagbago mo, ang ganda ganda mo na rin ngayon." Lumapit siya sa akin at pinagmasdan ako. "Halika tumuloy ka muna sa amin"
"Ah. Hindi na po aalis rin ho ako, pagbisita lang po ang sadya ko. Kaya lang..." tumingin ako sa bahay na nasa harapan namin ngayon.
"Binibisita mo ba ang dating bahay ninyo? Naku ang laki na ng pinagbago ano?" tumingin siya sa akin at parang may naalala siya "Teka! Nagkita na ba kayo?"
Nangunot ang noo ko sa tinanong niya. Nino?
"P-po? Nino po?"
"Sino pa. Edi iyong pulis na nagpaayos ng bahay ninyo"
Hanggang sa makapag check in ako sa isang malapit na hotel ay iyon pa rin ang iniisip ko. Isang pulis? Si Uno? Hindi. Imposible iyon, sigurado akong galit siya sa akin. Pero paano kung siya nga? Ibig bang sabihin... stop it Meisha. Huwag mong paasahin ang sarili mo.
Kinaumagahan ay tinanghali ako ng gising dahil anong oras na akong nakatulog dahil sa kakaisip. Dumalaw ako sa puntod ni papa noong malapit na magtanghali. Hindi rin ako nagtagal dahil kinailangan ko ng bumalik ng Manila. Tumawag kasi kanina si Laureen, gising na raw ang pasyente ko.
Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga natuklasan sa pag uwi ko ng probinsya. Maraming tanong ang tumatakbo sa isip ko na hindi ko alam kung gusto ko bang masagot o manatili na lang na tanong.
Samut saring papuri ang natanggap ko sa mga kasamahang Doctor. Nagulat pa ako ng maging isa sa mga iyon si Kian. Matalik na kaibigan ni Uno. Kaswal lang kaming nag usap at hindi naman niya nabanggit ang kahit na ano tungkol sa personal na bagay. Maybe he's sensitive enough or he's just that professional.
"Hey! Who's the hot Doctor you were talking to awhile ago?" tanong ng intrimitidang si Alesha. Puro lalake na lang ba ang bukambibig niya?
"An old friend"
"You got hot old friends huh? A pilot. And now a doctor. What's next? A policeman?" biglang namula ang pisngi ko sa sinabi ni Laureen. Bahagya pa akong nasamid sa kinakain ko.
"Stop! Just eat" nagpatuloy kaming tatlo sa lunch namin nang lumapit sa amin si Kian. Napakagat labi naman si Alesha, halatang nilalandi si Kian. I'm not sure though kung sila pa ba ni Aryana. Wala naman siyang nabanggit.
YOU ARE READING
Under A Rest | ☁️
Aktuelle LiteraturPolice Officer Crunos Mendez and Dr. Meisha Londres Get arrested by Uno who's willing to take all the bullets without wearing any vest, and how Meisha was able to took care and give him a rest. ☁️