Ilang buwan na ang lumipas pero walang nagbago sa pakikitungo sa akin ni Uno. Habang patagal ng patagal ay lalo ko siyang nagugustuhan, mukhang mahihirapan na akong makaahon kung sakali man.
"Mama kumusta ka po?" tanong ko sa kaniya
"Ayos naman ako anak. Pasensya ka na hindi ako madalas makatawag dahil m-masyadong busy sa trabaho si mama." sagot niya mula sa kabilang linya. Napansin ko ngang medyo naging madalang ang pagtawag niya nitong mga nakaraang buwan. Naiintindihan ko naman na busy siya sa trabaho.
Pero hindi naman siya pumalya sa pagpapadala sa amin ng pera, mas nadagdagan pa nga iyon kumpara noon na halos mahirapan ako sa pag budget. Ngayon kahit papaano ay may sobra kaya naiipon ko iyon for emergency purposes. Tinulungan pa ako ni Uno na magbukas ng bank account, kaya pumayag naman ako, mas safe kasi ang pera doon.
"Ayos lang po mama. Wag kang mag alala sa amin. Alagaan mo po ang sarili mo" napansin kong nagmamadali siya kaya nagpaalam na din kaagad ako. Kailangan ko din naman pumasok sa school ng maaga dahil may iniutos sa akin si Ma'am Rina.
"Good morning ma'am" bati ko sa kaniya pagkapasok ko ng office niya.
Sinabi niya sa akin ang mga kailangan kong gawin, sinimulan ko kaagad iyon para matapos na. Hindi naman iyon mahirap, nagstamp lang ako ng mga bagong libro. Madami iyon at ibat ibang subject kaya medyo hassle. Binigyan niya naman ako ng dalawang araw para matapos iyon.
"Ma'am mauna na po ako, babalik na lang po ako mamayang hapon" paalam ko sa kaniya dahil malapit na magsimula ang klase namin.
"Thank you. Oh! By the way I have something for you" may kinuha siya mula sa drawer niya, isang envelope. "Here"
Tinanggap ko iyon at tiningnan ang laman. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang isa itong scholarship mula sa isang sikat na med school sa Manila.
"It's a scholarship from prestigious med school where my son is currently studying. I secretly entered your grades and Excellency , sorry about that though, and they are so gladly to accept you when the time comes."
Magandang opportunity iyon, kaso masyadong malayo kila papa. Walang mag aasikaso sa bahay kung sakali.
"Ah ma'am, thank you po sa tiwala pero... hindi ko po ata matatanggap ito-"
"Oh! No pressure Meisha. It's not that you have to decide now. It's a long time scholarship, you have five whole years to decide. Please think about it, keep it and if in case you changed your mind don't hesitate to call the contact info."
Buong maghapon ay iyon lamang ang iniisip ko. Hawak hawak ko iyon habang naglalakad palabas ng school, nagawa ko lamang na itago iyon noong nakita kong kumakaway si Uno sa akin.
Agad na nabaling sa kaniya ang isip at atensyon ko. Kung ito ang mukhang bubungad sa akin pagkatapos ng mahabang araw ay talaga namang mawawala ang pagod ko.
Ang simpleng presensya ni Uno ay mabubuo ang maghapon ng kahit na sino.
"Kumusta ang school?" Nag iisip ako kung sasabihin ko ba sa kaniya ang tungkol sa scholarship o hindi. "Bat di ka makasagot, may nangyari ba? May umaway ba sayo?"
Sa huli ay napag desisyunan kong wag ng sabihin dahil malabo naman na tanggapin ko iyon.
"Baliw! Pagod lang pero ayos naman ako" nakangiti kong sagot sa kaniya, agad naman niyang sinuklian ang ngiting iyon.
Dumiretso agad kami sa food court pagkatapos mag usap. Himala pa dahil tahimik ngayon si Avril, ni hindi niya kami kinausap. Nginitian niya lang ako nang madapo sa amin ang tingin niya.
"May problema ba si Avril?" baling ko kay Uno
"Wala naman siyang nababanggit" nagkibit lamang siya ng balikat kahit na alam kong nag aalala din ito para sa kaibigan niya.
Umalis saglit si Uno dahil may bibilhin daw siya. Habang ako ay tumulong sa pagligpit bago ako nag ayos para umuwi. Napangiwi ako ng maramdaman ang hapdi sa paa ko. Kanina ko pa iniinda ito, medyo masikip na kasi sa akin ang sapatos na bigay ni Ma'am Rina, Lumaki ata ang paa ko.
Gusto ko mang bumili ng bago pero nanghihinayang naman ako. Pupwede pa naman itong pag tyagaan, mas importante sa akin ang kakainin ng mga kapatid ko.
Akala ko ay hindi na babalik si Uno dahil medyo natagalan na siya kaya naman nagdesisyon akong maglakad na pauwi.
Masyadong masakit na ang paa ko at napansin kong may bakas na ng dugo sa medyas ko. Umupo ako saglit sa isang bench para tignan iyon.
"Hayyst! Bakit kasi kailangan pang lumaki ang paa" baliw na yata ako dahil sinisisi ko pa ang paa ko. Mukhang maglalakad ako ng nakamedyas lang. Gabi naman na kaya ayos lang.
Nagulat ako ng may lumuhod sa harapan ko. At kinuha ang paa ko para ipatong sa hita niya.
"Ang tigas talaga ng ulo mo, hindi bat sinabi kong hintayin mo ako doon? Bakit ka pa naglakad ayan tuloy lalong nasugat ang paa mo!" ramdam ko ang inis niya habang sinasabi iyon.
"Akala ko kasi ay umuwi ka na"
Inilabas niya ang isang banig ng band aid kasama ang betadine at bulak. Kaya ba siya umalis para bumili nito?
"Tss. Pupwede ba namang iwanan kita. Bumili lang ako ng mga ito tapos pag balik ko wala ka na"
Sermon niya habang marahang dinadampian ng bulak ang mga sugat ko sa paa.
"Sorry na"
Tinuloy niya lang ang ginagawa niya habang pinag mamasdan ko siya.
Madamot ba ako kung hihilingin ko na sana habang buhay nasa tabi ko si Uno? Mahirap ng makahanap ng ganitong klase ng pagpapahalaga at pag aalaga.
Napabuntong hininga ako kaya napatingin siya sa akin. Mukhang tapos na siyang maglagay ng band aid, hindi ko manlang naramdaman ang sakit, siguro ay sanay na.
Umupo siya sa tabi ko pero hindi siya nagsalita, kaya naman ako na ang bumasag ng katahimikan.
"Maraming salamat Uno" tatlong salita lamang iyon pero higit pa doon ang kahulugan nun.
"Walang anuman"
Nakatitig lang kami pareho sa mga ulap parang walang gustong magsalita dahil sapat na ang katahimikan sa paligid namin para damhin ang kapayapaan ng gabi. Pareho kaming komportable sa katahimikan, dahil alam namin na nasa tabi namin ang isat isa at tanging tibok ng puso namin ang nag uusap.
Madalas hindi na natin kailangan ng salita dahil sapat na ang presensya ng isang tao para mapagaan ang nararamdaman natin, para mapawi ang pagod at mabigyan ka ng pahinga.
"Meisha" marahang tawag sa akin ni Uno matapos ang mahabang katahimikan.
"Hmm?"
"Hindi masama kung paminsan minsan ay uunahin mo ang sarili mo" mababakas ang sobrang pag aalala sa boses niya.
"Mas mahalaga sa akin ang pamilya ko Uno. Sila muna bago ako." mapait akong napangiti.
Kahit naman ako ay gusto kong unahin ang sarili ko minsan, pero hindi ko lang talaga magawa dahil pakiramdam ko magiging madamot ako sa kanila. Pakiramdam ko ay hindi ako magiging sapat sa kanila kapag hindi ko ibinigay lahat sa kanila. Pakiramdam ko masama akong anak at kapatid kung hindi sila ang uunahin ko, kaya lahat ng pangarap ko, ng mga plano ko umiikot lang sa kanila.
"Pero paano ka?"
"Saka na ako Uno."
Puno ng paghanga ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Hindi ko maiaalis sa kaniya ang mag alala pero hindi na dapat niya iniisip iyon. Ayaw kong makadagdag pa ako sa iisipin niya. Katulad ko, gusto kong magfocus din siya sa pangarap niya.
"Mag pahinga ka din minsan"
Ngumiti lang ako sa kaniya at tumango. Hindi niya alam na sa mga oras na ito, ay nagpapahinga na ako. Sa mga oras na kasama ko siya ay nasa pahinga ako.
~💙
YOU ARE READING
Under A Rest | ☁️
General FictionPolice Officer Crunos Mendez and Dr. Meisha Londres Get arrested by Uno who's willing to take all the bullets without wearing any vest, and how Meisha was able to took care and give him a rest. ☁️