Ilang linggo na ang nakalipas nang bumalik kami sa eskwela, ngayong buwan ay nagsimula na kaming mag asikaso ng mga requirements namin para sa graduation. Ilang buwan pa pero pinag simula na kami ng teachers namin para raw hindi kami gahulin sa oras.
Isa pang problema ko ay ang research, paano ay malapit na ang final defense namin. At kailangan pagtuunan iyon ng pansin, kaya naman mas kinailangan kong balansehin ang oras ko sa pag aaral at trabaho. Halos hindi ko na din nakakausap masyado si Uno. Palagi kaming nagkikita kapag uwian pero wala sa kaniya ang atensyon ko kundi sa trabaho. Kapag weekend naman ay may group projects kami o kaya ay individual.
"Meisha kayo ni Maui ang nakaassign sa Stem 2. Mamayang break time niyo puntahan iyong dalawang respondents galing doon"
Tumango naman ako sa leader namin. Mabuti na lamang at kahit papano mabait ang mga naging kagrupo ko. Hindi ko silang kaibigan at gaanong nakakausap pero hindi rin naman sila katulad noong iba na aawayin ka nang walang dahilan.
Ganoong nga ang ginawa namin ni Maui. Pumunta kami sa room ng Stem 2 para mainterview ang respondents namin dito.
Si Maui ang kumatok sa pinto at bumungad doon ang isang pamilyar na lalaki.
"Hi anong kailangan..." Napahinto siya ng mapansing nasa likuran ako ni Maui "oh! Ikaw pala miss, may kailangan ba kayo?"
Tumingin sa akin si Maui na parang nagtatanong Kung kilala ko iyon, kaya agad naman akong umiling.
"We're looking for Ms. Maye Herrera and Mr. Landon Bueno, it's about the interview"
"Oh! I'm Landon" nakipagkamay siya sa amin at kumindat pa bago magpaalam na tatawagin niya iyong kasama niya.
"Mukhang magkakilala naman kayo, ayos lang ba kung ikaw na ang maassign sa kaniya?"
"Ah sige. Ayos lang" pumayag na lang ako dahil wala namang masama roon. Isa pa ay para naman ito sa Research namin.
Nang bumalik siya ay may kasama na siyang babaeng nakasalamin. Sinabi ni Maui na ako ang mag iinterview sa kaniya kaya agad lumawak ang ngiti niya.
"Let's start" panimula ko habang nakaupo kami sa garden dito sa school. Tahimik kasi rito kaya dito ko naisipang pumunta. Kailangan kasing recorded ang interview, kaya sakto dito at tahimik.
Magsisimula na sana ako nang sumabat siya.
"Hey! It's kind of rude for an interviewer not to introduce herself, don't you think?" itinaas baba niya pa ang kaniyang kilay para ipamukha sa akin na mali ang ginagawa ko.
"Hindi pa ako nagsisimulang magsalita at alam ko ang gagawin ko. Natural na magpakilala ako dahil kasama iyon sa research ethics namin. Bakit hindi mo intayin na magpakilala ako? huwag mo naman masyadong ipahalata na gusto mong malaman ang pangalan ko" tuloy tuloy na sabi ko nang hindi siya tinitingnan. Kita kong napaawang ang labi niya sa sinabi ko at agad itong itinikom.
"Go on." mukhang napahiya naman siya, pero tama ang sinabi ko.
Katulad nang sinabi niya ay nagsimula akong mag interview sa kaniya gamit ang guide questions na hawak ko. Hindi rin nagtagal at natapos kaagad iyon.
"Thank you for your time." nagpasalamat ako sa kaniya at nagpaalam pero bago ako makaalis ay may sinabi siya.
"You're interesting huh! Just my type" nilingon ko siya at inismidan.
Hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa kaniya, wala naman siyang ginagawang masama sa akin. Siguro dahil nayayabangan ako sa kaniya at isa pa, minsan nang nagselos si Uno sa kaniya kaya naman hanggat maaari ayaw kong magkaroon pa ng kahit anong interaksyon sa kaniya. Hindi ko man kayang ibigay lahat ng oras ko kay Uno, handa naman akong ibigay ang assurance sa kaniya.
YOU ARE READING
Under A Rest | ☁️
Ficción GeneralPolice Officer Crunos Mendez and Dr. Meisha Londres Get arrested by Uno who's willing to take all the bullets without wearing any vest, and how Meisha was able to took care and give him a rest. ☁️