Walang mapaglagyan ang saya ko dahil sa surpresa ni Uno. Akala ko ay nakalimutan na din ni papa at ng mga kapatid ko pero pag uwi ko ay naghanda sila ng kaunting salo salo para sa akin.
Hindi ko ito inaasahan dahil sa totoo lang ay ilang taon na akong hindi nagcecelebrate ng Birthday ko. Kaya siguro nakalimutan ko na? O nawala lang talaga sa isip ko.
"Meisha here's my gift for you" inilapit sa akin ni Uno ang laptop niya at halos mapatalon ako ng makitang nakapasa ako sa CNSU sa kursong Biochemistry. Ito talaga ang kinuha ko dahil isa ito sa mga best pre med courses para sa mga balak mag neurosurgeon.
"Ang saya ko!" napayakap ako kay Uno sa sobrang saya ko.
Kita ko din ang saya niya para sa akin. Maliit na bagay lamang ito kung tutuusin pero para sa akin ay napakalaki nito. Dito nakasalalay ang pangarap ko.
"Congrats baby"
Namula ang buong mukha ko dahil sa itinawag niya sa akin. Seryoso ba siya? Ano ako bata?
"Uy kinikilig!"
"Baduy mo Crunos" napasimangot siya dahil sa pagtawag ko sa buong pangalan niya.
"Salamat sa tulong mo. Naappreciate ko itong regalo mo sa wakas may mapapasukan na ako" malaki kasi talaga ang naitulong niya sa akin, at ito na ang pinaka magandang regalong natanggap ko. Kundi dahil siguro sa kaniya ay baka nagdududa pa rin ako sa school na papasukan ko.
"Ha? Hindi yang pagpasa mo sa University ang regalo ko" kunot noong sabi niya sa akin.
Teka? Alin ba ang tinutukoy niya?
"H-ha? Alin?"
"Yan! Yang laptop mismo!" nanlalaki ang mga matang kinuha ko iyon at iniabot sa kaniya. Agad akong umiling, napaka mahal non.
"Hindi ko matatanggap yan Uno"
"Pero Meisha regalo ko yan sayo!"
"Ayaw ko Uno. Pasensya ka na pero hindi ko kayang tanggapin ito. Boyfriend kita hindi sugar daddy"
Napakunot siya ng noo at maya maya ay halos matawa na siya.
"Grabe ka naman sa sugar daddy! Tanggapin mo na please? Pinag ipunan ko talaga yan para sayo, alam kong kakailanganin mo iyan sa college. Sige na please?" nagmamakaawa siyang tanggapin ko iyon pero hindi ko talaga kaya. Ayaw kong isipin ng magulang niya o ng iba na pera lang ang habol ko sa kaniya.
"Hindi talaga Uno, I'm sorry" kitang kita ko ang pagbagsak ng balikat niya. Mukhang nasaktan siya sa pagtanggi ko.
Napabuntong hininga ako. Kahit kailan hindi ko siya matitiis.
"Fine. Pero iconsider natin itong utang, babayaran ko ito sayo. Maliwanag ba?"
Parang bata naman siyang tumango ng sunod sunod.
"Dos lang bili ko niyan e!" napaismid na lamang ako dahil hindi ka makakabili ng laptop na a-dos lang. Siraulo talaga.
"Uno" seryosong tawag ko sa kaniya dahilan para maalerto siya.
"Last na ito ha? Ipangako mo! Ayaw kong bibigyan mo pa ako ng mga mamahaling bagay. Naiintindihan mo ba?"
Napabuntong hininga siya dahil doon. Wala naman siyang magagawa. Sa susunod ay hindi ko na talaga ito tatanggapin.
"Halika nga dito, payakap ako" malambing niyang sabi dahilan para mapasunod agad ako. Hinila niya ako para sa isang yakap. Isang mahigpit at payapang yakap. "I want to give you the best things in the world Meisha, because you deserve it all. But alright, if that's what you want. I love you"
YOU ARE READING
Under A Rest | ☁️
General FictionPolice Officer Crunos Mendez and Dr. Meisha Londres Get arrested by Uno who's willing to take all the bullets without wearing any vest, and how Meisha was able to took care and give him a rest. ☁️