Ilang linggo ang lumipas ng wala akong balita kay Uno. Kahit si Avril ay walang nababanggit sa akin, pinili ko na lang din na hindi magtanong dahil baka... baka narealize na din ni Uno ang gustong iparating ng Lolo niya.
Dahil noong gabing iyon, ay umasa ako. Umasa ako na susundan niya ako at siya mismo ang mag lalayo sa akin sa lugar na iyon. Umasa ako, pero wala. Tama na din siguro iyon, para din naman sa kaniya yun.
"Mei table #8" , tumango ako kay Avril at dinala ang order sa table na nabanggit niya.
Pansin ko ang titig sa akin ni Avril kanina pa, kaya naman pinagtaasan ko siya ng kilay habang papalapit sa kaniya.
"Hindi lang kayo nagkikita ni Uno, naging masungit ka na?" pang aasar niya habang nilalaro ang lollipop sa bibig niya.
"Pwede bang wag mo ng banggitin ang pangalan na iyon sa harapan ko!" pakiusap ko sa kaniya at hindi ipinahalata ang pagkagulat ko sa pagkakarinig ng pangalan niya.
"Alin? Iyong Uno?" napabuga na lng ako ng hangin dahil halatang nang aasar siya.
"Magtrabaho na nga lng tayo"
"Sige. Bumalik ka na sa trabaho mo alipin" nakangising biro ni Avril
Hindi ko na siya pinansin at bumalik na sa trabaho. Napaisip tuloy ako kung kumusta na ba siya? Bakit ganoon na lang ang epekto ng pangalan niya sa akin? Siguro dahil hindi ako sanay ng ganito. Kahit Sino naman siguro kapag biglaang nawala ang taong palagi mong kasama, maninibago ka.
Isinantabi ko ang isiping iyon dahil madami akong dapat unahin kaysa nararamdaman ko.
Pagkatapos ng duty ko sa food court ay dumiretso ako sa convenient store, pero halos manlumo ako dahil sa sinabi ng manager.
"Pasensya ka na talaga Meisha, pero iyon ang utos ng may ari. Nalaman nila na minor de edad ka pa kaya naman inutos sa akin na tanggalin ka, wala akong magagawa. Ayaw ko namang ako ang matanggalan ng trabaho. Eto huling sweldo mo" iniabot niya sa akin ang isang sobre na naglalaman ng huling sweldo ko.
Nanlalambot ang tuhod ko Ng umalis ako doon, pinili ko munang maupo sa isang malaking bato.
Bakit naman ganito? Kailangan ko ng trabaho e. Pandagdag iyon sa gamot ni papa at pagpapaaral sa mga kapatid ko. Malaking kawalan din iyon para sa panggastos namin sa araw araw.
Tumingala ako para pigilan ang nagbabadyang luha sa mga mata ko, pero hindi iyon naging sapat para pigilan sila. Napahawak ako sa dibdib ko at nakapa ko ang kwintas na bigay ni Uno. Napangiti ako ng mapait.
"K-kung kasama lang sana kita, baka hindi ganito kabigat" para akong baliw ng ibinulong ko iyon habang nakatingin sa kalangitan na nababalutan ng maiitim na ulap.
Mukhang uulan pa yata- mali, dahil nagsimula ng bumuhos ang ulan. Pero sa halip na maghanap ng masisilungan, hinayaan kong pawiin ng ulan lahat ng pagod na aking nararamdaman. Kasabay ng pagbuhos ng ulan ang pagbuhos ng luha ko, dahil sa pagod, sa lungkot, at poot.
Nagpasya akong umuwi na dahil gabi na rin. Habang naglalakad ay may isang pamilyar na pigura ang naglalakad palapit sa akin. Napahinto ako sa paglalakad para maaninag kung sino ito.
"Papa?"
Dala ang isang payong na sira ang hawakan ay pinandungan ako ni papa.
"Sumilong muna tayo doon anak" inalalayan ako ni papa papunta sa isang waiting shed.
"Anong pong ginagawa mo dito? Gabi na papa umuulan pa. Baka mamaya magkasakit pa kayo niyan e!" nag aalala ako sa kaniya dahil mahina siya sa lamig at baka sipunin pa siya. Kapag ganoon pa naman ay nahihirapan siya huminga at mas madalas ang pag atake ng hika niya.
"Alam ko kasing wala kang dalang payong. Mabuti na lang pala pinuntahan kita. Ikaw talagang bata ka, pinapayagan kita magtrabaho pero wag mo naman pabayaan ang sarili mo. Isipin mo din naman ang kalusugan mo."
Nakatitig lang ako kay papa habang hinuhubad niya ang jacket na suot niya upang ipasuot iyon sa akin. Nagpipigil ako ng luha dahil sa ginagawa niya para sa akin. Hindi naman niya ito kailangan gawin. Alam niya din na maaaring ikasama ito ng pakiramdam niya pero ginawa pa din niya para sa akin.
"Salamat papa"
Nang medyo tumila na ang ulan ay umuwi na kami. Malapit na din naman sa amin kaya hindi na din kami nagtagal pa bago nakauwi.
"Magbihis ka na kaagad Meisha" bilin sa akin ni papa.
"Opo. Ikaw din pa" tumango lang siya pero bago pa siya tumalikod ay tinawag ko siya.
Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. Kailangan ko lang talaga.
"Salamat papa" ramdam ko ang marahang pagtapik niya sa likod ko.
Pagkatapos noon ay nagbihis kaagad ako dahil medyo sumama ang pakiramdam ko. Siguradong bukas ay wala na ito.
Nakatulog ako sa pag iisip kung saan maghahanap ng bagong papasukan. Mabigat ang pakiramdam ko ng magising ako. Parang umiikot ang paningin ko. Umupo ako sandali at inintay na maging maayos kahit papaano ang pakiramdam ko.
Kailangan kong pumasok ngayon sa trabaho, hindi pwedeng matanggal ako pati sa food court. Kapag nangyari iyon ay wala akong pagkukunan ng extrang pera.
Uminom ako ng gamot bago magluto ng agahan at magbihis para sa trabaho. Nilalamig ako kaya nagsuot ako ng kulay baby pink na hoodie jacket.
Masama man ang pakiramdam ay pinili kong lakarin papuntang food court. Hindi naman siguro ako matutumba sa daan.
Mabuti na lang at nakarating ako ng ligtas makalipas ang dalawampung minuto.
"Ang init init naka jacket ka" sita sa akin ni Avril ng makita ako.
"Trip ko" walang gana kong sagot sa kaniya.
"Teka! You look pale. Are you alright?" lumapit siya sa akin at idinikit ang likod ng kamay niya sa leeg ko, huli na para umiwas ako, " Oh my god, you're freaking hot, I mean literally hot" nagpapanic ang boses niya.
"Ayos lang ako" pagpapakalma ko sa kaniya dahil baka mamaya ay tumawag pa siya ng doktor.
"You know what? You should rest first. You may go ho-"
"Kaya ko. Kailangan ko magtrabaho" putol ko sa kaniya.
Wala siyang nagawa ng magsimula na akong kumilos. Hindi niya inaalis ang paningin niya sa akin, kahit noong may kausap siya sa cellphone.
"What am I supposed to do then?" masungit na tanong niya sa kausap niya. "What the hell! Why don't you just come here you asshole!" Ibinaba na niya ang tawag ng hindi inaalis ang tingin sa akin.
"Ako ba ang minumura mo?" biro ko sa kaniya dahil sa akin siya nakatingin ng sabihin niya iyon.
"Asa ka! Feelingera"
Ibinaba ko ang tray na hawak ko dahil nakaramdam ako ng hilo. Napahawak ako sa table na malapit sa akin. Sinusubukan kong labanan iyon pero hindi ko magawa.
"Meisha, oh my goodness"
Bumibigat ang talukap ko at parang tutumba ako. Nang maramdaman ko ang sobrang pagkahilo ay napahawak ako sa taong nasa harapan ko. Siguro ay si Avril.
Ramdam ko ang pagbagsak ko sa kaniya, at bago tuluyang mawalan ng malay ay naamoy ko ang pamilyar na amoy. Iyong matagal na hindi natambay sa ilong ko. Iyong amoy na namimiss ko. Amoy ni Uno.
Nagising ako at puro puti agad ang nakita ko. Doon pa lang ay alam kong nasa hospital ako.
Napahawak ako sa ulo ko dahil kumirot iyon ng pinilit kong tumayo.
"Just lay down. Wag ng matigas ang ulo" mahinahong sabi niya.
Napalingon ako sa kaniya, ngayon na lang ulit kami nagkita. Hindi ko akalaing may mas kikirot pa pala kumpara sa ulo ko, bakit ba ganito yung nararamdaman ng puso ko, hindi angkop sa gusto ko.
~💙
YOU ARE READING
Under A Rest | ☁️
Ficción GeneralPolice Officer Crunos Mendez and Dr. Meisha Londres Get arrested by Uno who's willing to take all the bullets without wearing any vest, and how Meisha was able to took care and give him a rest. ☁️