Madaling natapos ang bakasyon at ngayon ay pasukan na. Ito ang unang araw ko bilang college student. Kinakabahan pa ako habang papasok, dahil halos lahat sila ay may mga kasama at kakilala na.
Dumiretso na ako sa classroom ko pagkabasa noon. Hindi katulad sa high school ay wala na gaanong introduction, sa isang major subject nga ay mayroon agad kaming quiz kanina mabuti na lang talaga at nag advance study ako.
Mabilis lang na natapos ang araw, nagsisimula pa lang ang klase ay parang pagod na kaagad ako sa dami ng ginawa. Kaninang break time ay magkasama kami ni Maui, kahit siya ay ang daming reklamo sa akin tungkol sa course niya.
Pagkalabas ng gate ay nadatnan kong nag iintay si Uno sa akin. Nispread niya ang kaniyang braso para salubungin ako ng yakap. Napangiti naman ako dahil sa ginawa niya. Niyakap ko siya pabalik at parang sa isang iglap ay nagkaroon ulit ako ng energy. Sa isang yakap niya ay bumalik lahat ng sigla at sustansya sa katawan ko.
"How's your first day baby?" malambing niyang tanong sa akin. Napapikit ako para damhin ang boses niya.
"Ayun may paQuiz agad sa major sub. Ganoon ba talaga sa college?" reklamo ko sa kaniya na agad niyang ikinatawa.
"Marunong ka nang magreklamo ah! Good for you" hinampas ko siya ng mahina at sinabing umalis na kami dahil may duty pa ako sa food court.
Hindi ako huminto doon kahit alam kong limitado na lamang ang oras ko ngayong college. Hindi ko pupwedeng ihinto iyon dahil malaki ang maitutulong noon sa akin. Isa pa ay nag aaral na rin iyong mga kapatid ko kaya mas kailangan kong magsikap. Nahuli silang mag aral kumpara sa dapat na kabatch nila kaya nag pasya na akong papasukin sila. Katulong ko naman si papa at mas lumaki ang pinapadala ni mama.
Pagkatapos ng duty ko ay umuwi na rin kaagad kami dahil mayroon pang mga kailangan tapusin para sa school.
Sa loob ng isang buwan ay ganoon ang set up namin. Wala ring palya si Uno sa pag hatid sundo sa akin, kahit na minsan ay kita ko ang pagod sa mukha niya, pinipilit niyang itago iyon sa pamamagitan ng ngiti. Wala naman siyang nababanggit na problema sa akin, hindi ko din naman pinipilit. Kapag handa na siya ay saka niya siguro sasabihin iyon kung meron man.
Wala namang nagbago sa kaniya dahil ganoon pa din siya kung paano siya noong una. Nitong mga nakaraang araw lang ay napapansin kong may bumabagabag sa kaniya.
"May problema ba Uno?" tanong ko sa kaniya isang gabi habang nakaupo kami malapit sa tabing dagat.
"Ha? Wala naman akong problema. Ikaw ba?"
Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya, agad naman niya akong inakbayan at naramdaman kong hinalikan niya ang ulo ko.
"Napapansin ko kasing parang may bumabagabag sayo. Ano iyon?" tanong ko sa isang malambing na tono.
Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan iyon.
"Ilang taon na lang Mei..." kahit hindi niya pa naitutuloy ay alam ko na ang ibig niyang sabihin. "Hindi ko alam kung kakayanin kong malayo sayo"
Paulit ulit niyang hinalikan ang kamay ko. Hinarap ko siya at kinulong sa dalawang kamay ko ang pisngi niya. Gustong gusto ko itong ginagawa sa kaniya dahil pakiramdam ko ay abot kamay ko siya, ako lang ang nakakagawa noon at ako lang ang pupwede.
"Kaya mo Uno. Nagtitiwala ako sayo, kakayanin natin hmm?" kahit ako ay nangangamba sa kung ano ang pupwedeng mangyari pero walang maitutulong iyon sa kaniya.
Ang kailangan niya ay ang magpapalakas ng loob at susuporta sa kaniya, hindi ang pipigil sa pangarap niya. At gusto ko ako iyon, gusto kong ako ang maging taong iyon, dahil wala siyang ibang ginawa kundi ang itulak akong magpatuloy sa tuwing gusto kong sumuko. Gusto kong suklian lahat ng suporta niya sa akin.
"Kaya ko ba nang wala ka?"
"Hindi naman ako mawawala sayo. Pagbalik mo nandito pa din ako, hihintayin kita" hinalikan ko siya sa labi, kasabay ng pag pikit ng aming mga mata ay ang pagsiklop sa pangakong hihintayin ko siya, kahit anong mangyari.
"Mahal na mahal kita Meisha" sinserong tugon niya matapos putulin ang halik. Hindi ako sanay nang ganito siya kaseryoso, kaya parang kakawala ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa tuwing ganito siya. "Hindi mo yata ako mahal e!"
"Bakit naman?"
"Ang tagal mong sumagot" sa sobrang gwapo niya ay hindi ko na namalayan na natulala na ako sa kaniya. Tuloy ngayon ay para nanaman siyang bata.
"Hindi naman tayo tatagal ng ganito kung hindi kita mahal Uno"
"Nagpaparinig ka ba na malapit na ang anniversary natin?" nangunot ang noo ko at doon ay naalala ko na September na nga pala at malapit na ang anniversary namin pati na ang Birthday ko.
"H-hindi ah!"
"It's ok baby, I gotchu!" kinulong niya ako sa braso niya at gunulo ang buhok ko. "Ikaw ha! Marunong ka na magparinig"
"Ewan ko sayo" tumayo ako at akmang aalis pero hinila niya ako para maiharap sa kaniya.
Gamit ang liwanag ng mga poste at buwan ay natitigan ko ng maayos ang mukha niya. Sa tuwing nakangiti siya ay para bang sinasabi niya na sa akin lang siya sumasaya, na ako ang dahilan ng lahat ng iyon. Na walang makakapagpangiti sa kaniya ng ganito kundi ako.
Wala na akong ibang mahihiling pa mula nang dumating si Uno sa buhay ko. Maraming kulang sa akin pero napupunan niya iyon. Ang pag tanggap ng mga kapatid ko sa akin ay siya ang gumawa, ang pagpoprotekta at pag turing sa akin na parang prinsesa ay nagagawa niya katulad ng Kay papa, ang pag aalaga at pag aaruga ng isang ina kahit iyon ay nakukuha ko sa kaniya. Hindi ko na inaasam ang pagtanggap sa akin ng ibang tao basta nariyan siya. Kung mayroon mang magandang darating sa buhay ko, kung ang kapalit naman ay si Uno, hindi bale na. Ayos na ang walang dumating, basta huwag siyang mawala sa akin.
"Hulog na hulog ka na ba Mei?" parang nangungusap ang mga mata niya at dinadala ako sa ibang dimensyon. Sa isang lugar kung saan puro saya at pahinga.
"A-ano bang sinasabi mo?" nauutal kong sagot sa kaniya, paano ba naman ay palapit siya ng palapit sa akin.
Umatras ako hanggang sa tumama ang likod ko sa isang poste. Hindi siya tumigil sa paglapit hanggat isang pulgada na lamang ang pagitan namin.
"Kasi ako oo. Hulog na hulog na ako sayo. Damn! Ni hindi ko na alam kung paano ako aahon" nakatitig lamang siya sa akin at pinagmamasdan ang buong mukha ko.
"U-uno"
"Pag nawala ka sa akin, hindi ko alam kung paano ako makakabangon. Meisha, sa'yo na umiikot ang mundo ko. Sa sobrang pagmamahal ko sayo, parang ayaw ko ng magpulis at mamuhay na lang bilang simpleng tao." nakita kong napalunok siya habang umiigting ang kaniyang panga, "Ayaw ko nang malayo sayo, pero patawarin mo sana ako kung sakaling magtampo ka kapag kinailangan kong umalis"
Ngayon ay nakatitig na siya sa labi ko, rinig ko ang ilang beses niyang pag buntong hininga bago lumapit sa akin at angkinin ang labi ko.
Ramdam ko ang pag iingat niya at ang pagmamahal sa akin. Hindi na siguro ako makakatagpo ng ganitong klaseng pagmamahal. Sa tingin ko ay walang katulad magmahal ang isang Crunos. Nag iisa lang, at ang swerte ko naman dahil sa akin lang.
~💙
YOU ARE READING
Under A Rest | ☁️
General FictionPolice Officer Crunos Mendez and Dr. Meisha Londres Get arrested by Uno who's willing to take all the bullets without wearing any vest, and how Meisha was able to took care and give him a rest. ☁️