Walang mapaglagyan ang saya ko nang manalo ako sa quiz bee. Bukod sa nakatanggap ako ng scholarship para sa college ay malaking halaga din ang napanalunan ko.
Laking pasasalamat ko kay Hershel at Kylo dahil sa naitulong nila sa akin.
"Congrats Mei. I'm so happy for you"
"Salamat. Congrats din sa inyo"
Niyakap ako ni Hershel at nginitian lang ni Kylo.
Ngunit kasabay ng pagdiriwang ko ng pagkapanalo ay nakatanggap ako ng masamang balita.
Inatake ng asthma ang papa ko at kinailangan isugod sa hospital, kaya naman mabilis akong tumanggi nang inakit ako ni Hershel na sumama sa kanila.
Walang mapaglagyan ang kaba ko habang nasa byahe kami pabalik. Agad akong dumiretso sa bahay para kumuha ng gamit at magligpit.
Naabutan ko doon ang dalawa Kong kapatid. Tumakbo sila papunta sa akin para salubungin.
"Ate si papa!"
"Wag na kayong mag alala"
Pinakain ko sila dahil mukhang hindi pa sila kumakain, dahil walang mag aasikaso.
Iniwan ko ang gamit ko sa kwarto ko upang mag ayos. Nagulat ako ng makita ko ang sing sing na binigay ni Hershel. Paano ito napunta dito?
Ang babaeng iyon. Napakabuti ng puso. Itinago ko iyong singsing sa ilalim ng mga damit ko.
Dumiretso ako sa hospital pero bago iyon ay bumili muna ako ng pagkain para kay papa. Ibinilin ko ang mga kapatid ko sa kapitbahay namin na kaibigan ng mama ko.
"Ayan ang sinasabi ko sa iyo. Inuuna mo pa kasi ang ibang bagay, paano kung wala ako. Baka nalagutan na ng hininga si papa"
Iyon ang bungad sa akin ni ate. Hindi ko alam kung bakit pati iyon ay sa akin niya sinisisi.
"Hindi ko naman kasalanan iyon. Wala namang may gusto nito"
Sinabi ko sa kaniya bago tuluyang pumasok sa kwarto ni papa. Hindi iyon private room kaya naman tatlo sila doong pasyente.
Pinakain ko si papa at pagkatapos ay dumiretso na ako sa aking trabaho.
Halos Wala akong pahinga ng weekend dahil, pagkatapos kong ipagluto ang mga kapatid ko sa umaga ay dadaan ako ng hospital at didiretso sa trabaho. Babalik ako ng hospital para magbantay at uuwi ng umaga para sa mga kapatid ko.
Kinailangan ko pang asikasuhin ang philhealth namin para mabawasan ang bayarin sa hospital. Ilang araw din kasi si papang nasa hospital.
Nang mag weekdays ay balik eskwela ako. Mas lalong hassle dahil nadagdagan ang mga kailangan kong gawin.
Halos umabot ng sampung libo ang bill ni papa sa loob lamang ng apat na araw at kailangan pa niyang manatili ng dalawang araw kaya sigurado akong madadagdagan iyon.
Katatapos lang ng duty ko at nagpapahinga ako dito sa may kanto malapit sa amin. Lumapit ako sa sasakyan malapit sa akin at nanalamin. Mukha namang walang tao doon. Para na akong zombie dahil sa itim at lalim ng eye bags ko.
Napabuntong hininga na lamang ako at umuwi na para kumuha ng gamit dahil babalik pa ako ng hospital.
Bukas na ang labas niya kaya naman namomroblema ako sa pambayad sa hospital.
Pumasok muna ako sa eskwela kinabukasan dahil tanghali pa naman ang labas ni papa.
"Mei. Namiss kita"
"Grabe ka naman. Araw araw naman tayo nagkikita"
"Kahit na"
Nakasalubong ko si Hershel sa corridor habang paalis na sana.
YOU ARE READING
Under A Rest | ☁️
Ficción GeneralPolice Officer Crunos Mendez and Dr. Meisha Londres Get arrested by Uno who's willing to take all the bullets without wearing any vest, and how Meisha was able to took care and give him a rest. ☁️