Untitled Part 9

73 5 0
                                    


CHAPTER 9               9PM THOUGHTS


Three hundred twenty three...

Iyan ang nabilang ni Dale na tunog ng second arm ng kanyang wristwatch saka lamang niya napagpasyahang bitiwan na ang hawak stick ng imported na sigarilyo. Hindi pa niya ito nasindihan at hindi na nga sinindihan pa.

Ipinatong niya ang stick ng mamahaling sigarilyo katabi ng nangangalahati nang bote ng alak sa small round table.

Napabuntong hininga siya. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na niyang ginawa iyon ngayong araw.

Si Amanda ay nakarecover na at ginugulo na naman ang tahimik na buhay niya.

At ngayon, alas nueve na ng gabi, heto siya't nakamasid sa ilaw na nanggagaling sa mga gusali at kabahayan. Mga ilaw na parehas malapit at malayo sa kanyang kinauupuan.

Ugali na niyang tanawin ang mga ilaw na iyon tuwing gabi. Mas maganda ang view niya ngayon dahil nasa Penthouse siya ng gusali na may mahigit animnapu ang palapag. Sa kanya rin ang Penthouse na ito at pag aari rin ng pamilya nila ang buong gusali. Iba pa yung Penthouse niya at family owned building nila na pinuntahan ni Ice at Alex bago maaksidente si Amanda.

Minsan ay humihiga din siya sa wooden viewdeck na ito at panoorin ang kislap ng mga bituin. Wala siyang makitang ni isang bituin ngayon kaya sa night lights na lang.

Masaya siya dahil bumuti na ang kalagayan ni Amanda. Pero syempre hindi niya sasabihin na masaya siya. Nanghihinayang lang siya na hindi pa niya ito mabatukan dahil inaalala niya ang ulo nito.

Apat na buwan na rin ang nakaraan mula noong naaksidente si Amanda. Hindi na rin siya nagtangkang komprontahin ito tungkol sa cellphone. Ganoon na lang ba talaga ang takot nito para lang halos ikamatay nito ang pagbawi sa kanyang cellphone? O may mabigat pang dahilan na itinatago nito?

Hindi niya ito pipiliting magkwento. Respeto sa lihim. Respeto sa oras ng iba sa pag-amin. Respeto sa pinsan niyang kahit lusaw ang utak ay alam niyang mahal na mahal ang kapatid ni Alex.

Napabuntong hininga uli si Dale at inisang tungga ang kalahati pang laman ng bote ng beer. Tatlong buwan naman siyang nagtataka na parang may kulang sa routine ng buhay niya.

Kain, tulog, mamaril, maglinis ng baril. Same routine lang naman pero parang pakiramdam niya ay may kulang.

Kinuha niya uli ang stick ng sigarilyo. Hindi naman siya naninigarilyo at wala rin naman siyang balak manigarilyo kahit kailan.

Nakasama na rin pala sa routine niya ang paghawak sa stick ng sigarilyo. Gusto niya ang amoy nito, yung hindi pa nasisindihan.

Tatlong buwan na rin pala nung huli niyang nakita si Jem. Pagkahatid niya kay Jem ay hindi na niya ito ginulo at hindi na rin tinangkang kausapin. Para sa kanya ay tapos na ang story arc ni Jem sa kanyang buhay.

'Pero binigyan mo ng order ang security ninyo na allowed pumunta sa mga Penthouse mo si Jem'.

Napailing siya ng naalala niya ang impulsive decision niyang iyon. At hindi rin niya binabawi kahit pwede at madali naman niyang bawiin.

Napailing na lamang siya. Para na ring si Amanda itong si Jem. Parehas silang pinapasakit ang leeg niya sa kakailing.

Nabigla lang din siya nung sinabi niyang pag welcome kay Jem sa buhay niya. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa kanya kung bakit niya nasabi iyon. At ayaw rin niya ang pakiramdam kapag tuwing kasama niya at lalo na kapag nadidikit ang balat niya sa babaeng iyon. Hindi niya kasi maipaliwanag at mabigyan ng pangalan at rason ang pakiramdam na iyon.

Sand Under our FeetWhere stories live. Discover now