CHAPTER 4: GOOD THINGS AND BAD LUCK

133 5 7
                                    

"Gusto ko ang property na iyon. Kung sino man ang naunang nagbigay ng offer sa owner ay mag offer ka ng mas malaki. I want to have that property by tomorrow."

"Ok good. Well then, kapag may nakita silang ibang property na gusto nilang bilhin ay tulungan mo na lang sa price. Ok thanks." Pinutol na ni Alex ang tawag.

"May balak ka na naman bilhin na property?" Tanong niya kay Alex. Inabutan na rin niya ito ng isang basong juice.

Ayaw pa itong kunin pero kinuha na rin nang marahil ay naamoy nito ang gin na inihalo niya sa juice. Katatapos lang nilang kumain ng hapunan. Nasa tabi sila ngayon ng infinity pool sa harap ng kanilang private villa.

"Somewhere sa Norte. Maliit lang naman, 5 hectares." Kibit balikat nitong sagot at nilagok ang isahan ang inumin nito.

"North? Saan? Baka yan din ang property na gusto kong bilhin."

"Mayroon nga ding nauna nang nag offer sa owner pero hindi ikaw. Ang sabi naman ni Joyce ay nagbackout naman na daw yun nung nalaman na ako ang other interested buyer."

"Ano namang balak mo?" Tanong ni Dale habang nagtitimpla uli ng inumin.

"Trading Hub, pero mostly ay agriculture. Yung mga goods ng Upper North like seafoods, fruits, grains and vegetables ay dun na ang bagsakan. Mas madali na para sa mga taga Batanes na maibenta ang seafoods nila kasi mas malapit na ito. Small portion naman ay dedicated sa handicrafts, native items, automotive and whatever na maisipan kong pwedeng isali."

"At isa pa, mas laki ang kikitain ng farmers kasi less transpo expenses na, may libre pa silang pataba sa lupa kasi may portion din na dedicated for collection ng compost mula sa mga dumi ng hayop at mga nabulok na balat ng gulay at prutas."Dagdag pa ni Alex at kinuha ang inuming katitimpla lang ni Dale.

Napangiti si Dale. May sense kasi ang business ideas nitong si Alex. Hindi lang basta para kumita kundi para makatulong din sa kapwa. Kahit na ba saksakan ng yabang ang bestfriend niya ay ito naman ang pinaka sincere at pinakamatulunging tao na nakilala niya.

"Marami ka nang business. Hindi na kakayanin ni Joyce na madagdagan pa ang hahawakan niya. Hindi na yata sila nagkikita ni Aly sa dami ng business mo na inaasikaso niya."

"Don't worry about Joyce's wife. 50% na rin naman ang ibinawas ng pag glare sakin ni Joyce simula nung niregaluhan ko si Aly ng something small for her baking and cooking hobby."

"Oo nga naman pala. They still have time together pa rin pala. Kahit na it's still technically work related..."

"....May time pa rin sa harutan." Dugtong ni Alex. Napailing naman si Dale.

Ang something small na tinutukoy ni Alex ay isang 20 meters by 30 meters na 6 storey building. Ibinigay ni Alex ang ownership kay Aly. Nagsusuply naman ng flours ang isa sa company na hawak ni Joyce sa ngayo'y company ni Aly. Doughnuts and brownies and business ni Aly.

Gusto pa sana noon ni Alex na bigay na lang din ang 'starter kit' pero tumanggi na si Joyce. Baka daw lalo siyang tambakan ng negosyo bilang kapalit.

"Pero sayang talaga at di tinanggap ni Joyce. Ewan ko ba sa masungit na singkit na yun. Sayang din yung 4 delivery vans and 1 month supply of baking goods." Patuloy ni Alex. Napapailing pa ito.

"Sinong hahawak ng Trading Hub?" Tanong niya.

"Well... someone." Ngumiti si Alex at lumapit sa pool. Hinubad na rin nito ang suot na polo.

Tumango na lamang siya at napagpasyahang pumasok muna ng villa. Kailangan na nga pala niyang kunin ang mobile phone niya mula kay Amanda. Hiniram ni Amanda ang phone niya kasi nahulog sa mababaw na bahagi ng dagat ang phone nito. Sa ngayon ay nakalagay sa container na may lamang bigas ang kawawang phone ng kanyang pinsan.




Sand Under our FeetWhere stories live. Discover now