WE WERE'NT FOOLS, WE JUST HAD NOTHING TO LOSE

124 5 3
                                    

CHAPTER 7 WE WERE'NT FOOLS, WE JUST HAD NOTHING TO LOSE




Nang makalapit sa dalawang sasakyan, pinindot ni Dale ang hazard button at inihinto ang kanyang sasakyan na di man lang nag abalang itabi sa kalsada. Nagsuot ng shades at sinipat muna ang sarili gamit ang rearview mirror.

Kaswal na bumaba ng kanyang sasakyan.

Naiinis siya na kung kailan naman katirikan ng araw ay saka naman may mga umeeksena. Napabuntong hininga na lamang siya.

Nakakunot ang kanyang noo habang tamihik na pinagmamasdan ang tatlong matipunong lalaki na tulungan ang mga kasamahan nila mula sa kabilang sasakyan na tumaob. Umiikot pa ang mga gulong ng nakataob na pickup truck.

Masyado yatang busy ang mga ito sa paghigit sa mga nasusunog na kasamahan nila mula sa pickup truck kaya malamang hindi napansin ng mga ito ang kanyang presensya.

Nagkamot siya ng sentido gamit ang dulo ng hawak niyang IWI Desert Eagle Mark XIX. Humihiyaw ang dalawang lalaki na sa kasalukuya'y pilit tinatanggal ng tatlo pang lalaki mula sa tumaob na pickup na nagsimula nang masunog. Konting oras na lang at sasabog na ito.

Isang malakas na kasa ng kanyang baril ang nagpalingon sa mga ito sa kinatatayuan niya.

Napakamot uli siya sa sentido gamit ang dulo ng kanyang baril nang umalingawngaw ang limang malakas na putok ng baril. Nakalimutan niyang maglagay ng silencer.

Napailing na lamang siya at binigyan ng walang ganang tingin ang limang lalaki na nakahandusay na sa kalsada at umaagos ang dugo mula sa kanilang ulo.

Nagkibit balikat na lang siya at parang walang anumang nangyari na bumalik sa kanyang sasakyan at pinasibad ito.

Nasagasaan pa niya yata ang paa nung isa.

Alam naman niyang malinis magtrabaho ang kanyang 'Cleaning Team' kaya wala siyang magiging problema sa maiiwang kalat.

Hindi pa siya nakakalayo ay sumabog na ang nakataob na pickup truck.




Sumulyap siya sa kanyang katabi na natutulog pa rin. Mga dalawang oras pa bago sila makarating sa probinsiya at siguradong tulog pa rin ito pagdating nila.

Napangiti siya. Malaya niyang magagawa ang kanina pa niyang gustong gawin.

May pinindot uli siya sa dashboard.

"Laney, kayo na ni Daryl ang bahalang maglinis." Sabi niya.

"Oo na, Bossing Pogi. Nililinis na po namin. Kabadtrip! Antagal ninyo naman gumawa ng eksena. Kanina pa ako excited eh." Rinig niyang sagot ni Laney na punong puno ng sarkasmo.

"Daryl."

"Boss! Wala akong kinalaman dyan! Sadyang highblood lang yan kasi kumain ng bagnet kanina!

Sadyang nakabuntot na nga mga ito sa kanila ni Jem simula pa lang sa pag alis nila sa ospital. Ang ibang mga kagrupo naman ng mga ito ay nakasunod sa iba pang mga grupo sa magkakaibang convoy.

Bangayan na lang ng dalawa ang kasunod na narinig niya kaya pinutol na niya ang tawag. Sumulyap siyang muli sa katabi at ngumiti ng kakaiba...

Heto na ang kanina pa niyang gustong gusto gawin...

Would you say
I'm a little out of touch?
It's my fault, I know, and I'll never get told enough
Let it go
Or it's gonna tear me up
Send me right back home, California ain't cold enough

Nagsimulang tumapik tapik ang kanyang mga daliri sa manibela.

There ain't no good time
To sit and reminisce
I'm wasting my days on any occasion now
I've had a gang of good times with eager, like minds
And only want more of these in my life, oh
Maybe I'll work it out

Sand Under our FeetWhere stories live. Discover now