CHAPTER 5: COFFEE AND OUTBURSTS

155 8 1
                                    



The day after the events of Chapter 1.



10 AM.

Medyo masakit pa ang ulo niya dahil sa nainom na alak kagabi. Si Alex nama'y wala na sa kanyang penthouse nang magising siya kaninang bandang 6 AM.

Hindi pa siya nakakapag almusal. Kahit kape'y hindi man lang siya nakainom para mainitan ang tiyan. Maaga siyang pumunta sa ospital para asikasuhin ang bills and release papers ni Amanda.

Napagkasunduan ng pamilya na iuwi na lamang si Amanda sa ancestral house nila sa probinsiya para mabantayan at maasikasong mabuti.

Bumili ang Daddy niya ng ambulance last week para may magamit sa paglilipat kay Amanda mula ospital papunta sa Ancestral house. Ido-donate na rin sa Municipal Hospital ang ambulansya pagkatapos mailipat si Amanda.

Broken femur

Fractured shoulder

Fractured arm

Broken ribs, na sa tindi ng pagkakabali ay lumabas ang buto

Punctured and Collapsed lungs

Pneumonia dahil sa complication mula sa punctured lungs

Several flesh wounds

Napailing siya. Lumagok yata ng ilang Malaska si Amanda. Masyadong minalas.

Maraming beses na rin naman nadala ng ospital si Amanda dahil sa kakulitan nito pero ito ang pinakamalala sa lahat by scale. Ito ang unang beses na mabalian ng buto si Amanda at maraming buto pa ang nabali. Kung dati'y kutos pa ang inaabot ni Amanda mula sa Mommy nito kapag naoospital ito, halos himatayin naman ang Mommy ni Amanda nang makita ang duguang katawan ng anak na hirap huminga habang dinadala sa operating room.

Buti na lang talaga't sakto ang pagbalik ng Delta 3 chopper ni Alex. Nagpumilit kasi si Ice kay Alex na ipasundo na lang sina Amanda kasi hindi raw maganda ang kutob nito.

Malayo kasi sa kabihasnan ang resort ni Andi. Nasa isla pa ito. May bayan man at ospital ang islang iyon pero hindi kaya ng ospital ng Isla Azul ang lala ng injuries ni Amanda.

Mabuti na lamang din at sanay na ang mga magulang ni Amanda na nasusugatan at nasasaktan ito dahil masyadong adventurous ang batang iyon. Ang alam ng mga magulang nito'y nakipagkarerahan ito sa isang kotse gamit ang motorsiklo. Kung hindi ay hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang nangyari dito.

Sasapukin niya ito ng malakas kapag gumaling na ito para sa takot na naramdaman niya nung akala niya'y mamamatay na ito. At para sa nailuha niya na di niya aaminin kahit kanino.

Nandito siya ngayon sa canteen ng ospital para magkape at kumain ng umagahan. Tocilog lang sapat na.

"Naayos na ang release papers ni Young Master Amanda. Nakaready na rin ang ambulance na pinadala ng daddy ninyo, Young Master Dana." Sabi ni Grace. Isa sa mga executive staff ng Mommy ni Amanda. Sinamahan siya nito sa canteen.

Kumunot ang noo niya at napatigil sa paghigop ng kape. Tiningnan niya si Grace.

Natawa naman si Grace sa reaksyon at pinisil ang pisngi ni Dale.

"Okay. DANA." May diin na sabi ni Grace pero nakangiti pa rin. Tumuloy na sa paghigop ng kape si Dale at nawala na ang kunot ng noo.

"Anong oras ba darating ang escort ni Ms. Amanda?" Tanong ni Grace.

Lagpas sampung taon na rin nagtatrabaho si Grace sa Mommy ni Amanda na kapatid naman ng Daddy ni Dale kaya naman malapit na ang loob nilang dalawa ni Amanda kay Grace. Para na nila itong ate. Kapag sila lang ay ayaw ni Dale na may honorifics sa kanya si Grace.

Sand Under our FeetWhere stories live. Discover now