CLEANING TIME AND TREE ORNAMENTS

231 10 0
                                    

Three weeks ago...

Maaga pa lang, mga pasado alas nueve ng umaga pero tirik na tirik na ang haring araw. Sabado kaya walang pasok sa school ang tinamaan ng magaling na pinsan ni Dale na si Amanda. Kahit ayaw ni Dale na nagugulo siya sa kanyang condo ay ayaw rin naman niyang kung saan saan na lang pumunta si Amanda.

Kahit naman nakakastress ang kakulitan ng kanyang pinsan ay mas nakakabuting nakikita niya ito at nababantayan. May rason nga rin naman siyang magkaroon ng human punching bag. Win-win na rin.

"Arrggggghhh!!!! Nakakaboring!" May kalakasang reklamo ni Amanda. Ngayo'y nakahiga na ito sa sahig mula sa pagkakaupo nito sa leather one seater sofa kanina lamang.

Napailing siya. Parang sumasakit na nga yata ang leeg niya sa kakailing.

Ibinalik niya ang kanyang atensyon sa pinupunasan niyang eyescope ng kanyang M82 Sniper Rifle. Nakaupo siya sa isa pang one seater sofa na katapat ng pwesto ni Amanda. Maingat niyang ipinatong ang eyescope sa centertable sa harapan niya.

Tinitigan niyang mabuti ang eyescope. Mukhang may mali. May naiwan pang kaunting alikabok. Napapalatak siya.

Si Amanda naman ay panay ang gulong sa tiled floor na tila isdang nakawala sa tubig. Gusto na niya itong kutusan pero kailangan muna niyang tanggalin ang natitirang alikabok sa eyescope.

Akma niya itong kukunin mula sa center table ng biglang bumukas ang main door.

"Kumusta mga hampaslupa. Magbigay pugay sa inyong napakagandang reyna!" Malakas na bungad ni Alex na nakadipa pa.

Tempted si Dale na barilin ito gamit ang kanyang Glock 43. Pero syempre, hindi niya gagawin. Hindi pa siya nasisiraan ng ulo para kurutin man lang ang tagapagmana ng multi billion company at may connection sa underground gangs and may sariling mafia group.

Napailing na lamang uli siya.

"Nanggugulo ka na naman, Alex." Sabi niyang di man lang tinapunan ng tingin si Alex. Dinampot na uli niya ang eyescope para linisin.

Dumiretso naman si Alex sa ref at kumuha ng canned rootbeer soda.

Si Amanda naman ay agad na bumangon at umupo ng maayos sa sofa. Inayos din niya ang bahagyang nagusot na hoodie. May malaking print ang hoodie na ito sa likod na 'ICE IS LIFE' at may mga ice cubes.

Lihim na napangiti si Dale. Ang hoodie na iyon ang madalas suot ni Amanda simula pa nung nakaraang taon.

"Suot mo na naman fave jacket mo. Minsan naiisip kong baby sister ko ang tinutukoy mo dyan eh."

Halos himatayin naman si Amanda sa narinig. Alam ni Amanda na kahit napaka friendly and enthusiastic si Alex ay napaka delikadong tao nito.

"Ate Alex naman. Tropa ko yun." Kinakabahang sagot nito.

"Ah ganun ba? Sayang naman. Gusto ko pa naman sanang subukan kung matalas pa rin ang katana ko o kailangan ko nang hasain." Nakangiting turan naman ni Alex kay Amanda.

Napabuntong hininga na lamang uli si Dale. Alam naman nilang dalawa ni Alex na may pagsintang pururut si Amanda kay Ice. Alam din naman nilang dalawa na kahit napakasutil nitong si Amanda ay mapagkakatiwalaan ito.

Dapat lang. Kung ayaw nitong maagang paglamayan.

Napailing na lamang uli si Dale.

Si Amanda naman ay dagliang nagpasintabi sa kanila at tumakbo papuntang CR.

"Tinakot mo naman yung bata. Kahit naman harmful 'yon, harmless naman pagdating kay Ice." Kaswal na sabi ni Dale habang pinupunasan ang kanyang Glock 29. Mata'y nakatuon sa kanyang baril.

Sand Under our FeetWhere stories live. Discover now