Flying and Fishing and Fools

148 7 0
                                    

"Helicopter....." anas ni Andi.

Naningingkit ang sadyang singkit na mata ni Andi habang pinagmamasdan ang helicopter na sa kasalukuyan ay akmang lalapag na sa malawak na bakanteng lote sa harap ng kanyang resort. Nakatingin din ang ilang tao na nasa common Parking Area ng mga katabi niyang resorts.

Naririnig niya ang mga komento ng mga tao. Nagtatalo kung ito'y sa politiko o sa isang sikat na artista. O baka naman daw sa isang TV network.

Walang logo ang helicopter na ito pero alam na alam ni Andi kung kanino ito.

Sino nga ba ang lowkey na nuknukan ng yabang...

Si Marge.

Sigurado si Andi na rerentahan na naman ni Margarita ang buong resort. Apat na beses na itong nangyari. Biglang dadating si Margarita sa kanyang resort at irerefund nito ang bayad ng mga nasa resort na at sasagutin pa nito ang bayad sa paglipat ng guests sa ibang resort.

'Ang mapera nga naman. Wala nang mapaglagyan kaya nilulustay na lang.'

Napabuntonghininga na lamang sa isipin na iyon si Andi.

'Kawanggawa' pa raw ayon kay Margarita. Napabuntonghininga na lamang uli siya.

"Confirm. Delta 1, Delta 3 is going to land." Dale.

"Affirmative, Delta 3"

"Uwi na, Delta 1." Ginaya naman ni Alex ang deadpan voice ni Dale

Napaismid si Dale. Napakakulit talaga ng kanyang pasahero. Gustong gusto na nya itong ihulog kanina pa. Wagas magyaya tapos ginawa naman siyang 'drayber'... na naman.

"Landing area, clear." Ani Amanda na siyang co-pilot ni Dale.

Seryoso ito. Mukhang professional talaga. Well, may lisensya naman talaga itong si Amanda katulad ni Dale. Naninibago si Ice kasi base sa napapanood niyang cockpit videos ay napakakulit nito at mapagbiro. Para bang nasa gyera kung umasta. Kunyari daw magdrop nang rockets. Hindi na nga mabilang ni Ice kung ilang beses na sinapok ni Dale si Amanda sa mga videos na iyon.

At heto si Amanda, seryoso. Naisip ni Ice na siguro na rin ay dahil sa kasama nila ang kanyang Ate Alex na di niya maintindhan kung bakit parang kinakatakutan ni Amanda.

Di na rin niya namalayan kung gaano na siya nakatingin sa likod at side profile ng kaibigan.

"Delta 3 descending." Dale

"Delta 3 mabagal." Singit na naman ni Alex. Naningkit ang mata ni Dale.

"Delta 3 touchdown." Dale.

"Delta 1 uwi na kayo ha." Si Alex sa isa pang helicopter nila na nag escort sa kanila.

"Delta 3, clear. Ready to turnoff engine." Amanda.

"Delta 3, clear. Turn off engine." Dale.

"Delta 3! Ang bagal. Ano ba yan?" Reklamo na naman ni Alex.

"Ang ingay mo." Walang emosyong sabi ni Dale.

"Alam kong maganda ako. Salamat." Sagot naman ni Alex.

Pagkapatay naman ng makina ay lumingon si Amanda kay Ice at ngumiti dito. Ang ngiting iyon ni Amanda ay sinuklian din naman ni Ice ng ngiti pero maya maya'y nawala ang ngiti ni Amanda at napalitan ng pag aalala.

"Ayos ka lang ba? Nag iinit ka na ba?"

Natigil sa pagtatanong si Amanda nang bigla niyang naramdaman na parang may umapak sa nitso niya. Napaisip siya sa kung ano ang sinabi niya at nang napagtanto niya'y halos himatayin siya. Parang tatakasan na siya ng kaluluwa nung marinig niyang tumikhim si Alex.

Sand Under our FeetWhere stories live. Discover now