JOYRIDE, BAD RIDE

197 9 0
                                    

"Teka! Aray naman! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Sigaw ni Jem kay Dale matapos siyang padarag na ipinasok sa loob ng sasakyan nito na pulang Jeep Gladiator. Bumalandra siya sa passenger seat.

Nakita ni Jem na may dalawang babaeng lumapit kay Dale bago pa ito makapasok ng sasakyan. Magkamukhang magkamukha ang mga ito. Isang pormal kumilos at mukhang seryoso, ang isa naman ay palangiti at magaslaw. Matatangkad din ang mga ito pero nagmukha pa ring maliit sa tabi ni Dale na sa tingin ni Jem ay nasa 5'10" -5'11" ang height. Ang akala niya'y matangkad na siya sa taas na 5'5" pero literal na nanliit siya nang makatabi si Dale.

Mukhang nagbibigay ng instruction si Dale. Maya maya'y sumaludo at yumukod at mga ito kay Dale at tumakbo papunta sa magkaibang itim na van di kalayuan sa kanila.

Pumasok na si Dale sa sasakyan at umupo sa driver's seat.

Napatili si Jem ng biglang hawakan ni Dale ang hita niya. Maikli pa man din ang maong shorts niya. Para siyang nakuryente.

May sinabi si Dale na di niya naintidihan dahil gulat pa rin siya. Ipinatong uli ni Dale ang kanyang kanang kamay sa kaliwang hita ni Jem. May kasamang pisil pa ngayon.

Sisigaw pa sana si Jem nang biglang dumukwang palapit sa kanya si Dale. Bigla niyang ihinarang ang kanyang mga braso sa kanyang katawan. Mariing napapikit.

Naramdaman di Jem ang paghawak ni Dale sa kanyang braso at may bagay na ipinalibot sa kanyang katawan.

"Seatbelt" Maikling sabi ni Dale.

Napahinga naman ng malakas si Jem. Gusto na talaga niyang sapukin ang magandang dalagang nasa driver's seat. Kung hindi nga lang siya nakakaramdam pa rin ng takot ditto ay baka talagang sinapok na niya ito.

Kunwaring walang reaksyon at seryoso pero napakamanyak naman! Sigaw ni Jem sa isip.

In-on na ni Dale ang makina ng sasakyan. Narinig ni Jem ang pagclick ng mga automatic locks.

"Nasaan na?" Napalingon si Jem sa tanong ni Dale.

"Huh?" Sagot ni Jem na naguguluhan.

Huminga ng malalim si Dale. Nauubos na agad ang pasensya.

"Nasaan na?" Ulit ni Dale. Malumanay pero may diin.

"Ano bang sinasabi mo? Can you be more specific?" Inis na rin si Jem. Hindi kasi niya maintindihan ang taong ito. Hindi yata marunong bumuo ng mahahabang sentences. Nakalimutan na niya ang takot niyang naramdaman kanina at natabunan na ng inis.

"Ilang beses ka nagcancel sa dapat na pagkikita natin. Masyado mo nang sinayang ang oras ko."

Ang totoo ay alam naman ni Jem ang tinutukoy si Dale. Nasa mood lang talaga siyang makipagtalo sa magandang mayabang na tisay.

.......at ang katotohanang hindi na niya maibabalik pa ang bagay bagay na hinahanap ni Dale.


"Wala na. Hindi ko na maiibalik sa iyo."May kaunting pagtataray pa sa tinig ni Jem pero hindi siya makatingin ng diretso kay Dale.

Umigting ang panga ni Dale. Nauubos na talaga ang kakapiranggot na pasensiya niya.

Sa isip ni Dale ay gusto niyang sakalin si Jem at barilin ito sa ulo pero nagpigil siya. Ayaw niyang gumawa ng eksena. Pero hindi siya magdadalawang isip na baliin ang leeg nito kung hindi niya magugustuhan ang isasagot nito.

Buhay ni Amanda at ang alyansa ng mga Brual at de Leon ang pinag uusapan dito. Madali sa kanya ang pumatay ng ilan para mailigtas ang buhay ng mas nakararami.

Nang hindi na muli magsalita si Dale ay nagdesisyon nang magpaliwanag ni Jem. Sa isip ni Jem ay hindi naman niya kailangang magpaliwanag pero naalala niya ang itsura nung batang naghahanap ng cellphone.

Sand Under our FeetWhere stories live. Discover now