CHAPTER 10 : BREAKFAST BRAKEFAST

42 2 0
                                    

Marahang napaupo si Jem mula sa pagkakahiga sa kanyang kama. Kumurap kurap at marahang nilingon sa bandang kanan niya ang bedside table kung saan nakapatong ang desk clock.

"6:30 am pa lang pala..." Lutang na anas niya sa sarili.

Kahit maaga pa ay bumangon na lang siya pumasok sa banyo. Matapos gawin ang pang umaga niyang ritwal ay muli siyang umupo sa kama. Gustuhin man niyang matulog uli ay di na nya ginawa. Pakiramdam niya kasi'y baka madugtungan iyong panaginip niya kapag natulog uli siya at sa susunod na eksena na tuluyang tumama na sa kanya ang lumilipad na kutsilyong inihagis ng isang taong may takip ang mukha.

Isa pang ikinainis niya ang biglang pagsulpot nung mayabang na kinulang sa kulay noong lumilipad na ang kutsilyo patungo sa kanyang kinatatayuan. Si Karla naman daw ay may hawak na baril at nakatutok sa ulo ng isang taong may takip din sa mukha na nakahandusay na sa sahig. Nanlaki pa raw ang mata ni Karla nang makita ang paghagis ng kutsilyo. May isa pang tao silang kasama, si Trish ito.

Ang mukha ng kinaiinisan niyang babaeng mapusyaw na poste ang huli niyang nakita bago siya magising. Kumunot ang noo nito at sumingkit ang mga mata na parang nasaktan.

"Ang weird naman...."

Napatawa at napailing na lang siya nang maalala ang panaginip. Si Trish na kaibigan ni Karla ay nasali na rin sa panaginip niya, siguro nga ay dahil sa madalas rin niyang makita ang batang yon na kasama ni Karla at may mga pagkakataon na nakikitulog ito sa kwarto ni Karla.

Ilang marahang katok ang narinig ni Jem mula sa pinto ng kanyang kwarto.

Tumayo siya at binuksan ang pinto. Wala naman sigurong lumilipad na kutsilyo ang sasalubong sa kanya kagaya ng sa panaginip niya kagabi.

Ang nakangising si Karla ang nabungaran niya sa tapat ng kanyang pinto.

"Ate Jem, ito oh! May dala akong foods. Tara breakfast tayo!"

Napatawa na lang si Jem sa childlike enthusiasm ni Karla habang nakataas pa ang hawak nito supot na may lamang pagkain. Nakangiting sinenyasan sya ito ng sandal lang. Tumango naman si Karla at umalis na sa tabi ng pinto ng kwarto ni Jem at nagtungo na sa kusina.

Nauna nang pumunta si Jem sa dining area at inantay si Karla mula sa pag aayos nito ng pagkain at nga gagamitin sa pagkain.

"Ate, may ipagpapaalam pala ako sayo. Sana pumayag ka." Sabi ni Karla habang papunta sa dining area.

"Oh, ano naman yan? Mukhang seryoso ah? Mag aasawa ka na ba?" Pang aasar na tanong ni Jem.

Binaba muna ni Karla ang pagkain at dining accessories sa mesa bago umupo kaharap ni Jem.

"Ano kasi Ate...about kay Trish po kasi...." Alinlangan pa magsalita si Karla.

"Kinakabahan ako sa pagiging seryoso mo ah. Magtapat ka nga. Nakabuntis ka ba? Nabuntis mo si Trish?"

Napanganga naman si Karla sa sinabi Jem.

"Joke lang! Ano ba kasi yun?" Tanong uli ni Jem habang sumusubo na ng sopas. Napakamot na lang ng ulo si Karla.

"Ganito kasi 'yon, Ate...nahihirapan na kasi sa byahe si Trish papasok at pauwi. Ma-traffic kasi at pahirapan pa ang public transpo..." sumubo na rin muna ng sopas si Karla.

"Hmm..sige ok lang." Sagot naman ni Jem na ikinagulat ni Karla.

"Ha?" Tanong ni Karla na magkahalong pagtataka at pagkabigla.

"Ok lang na dito rin magrenta si Trish. Mabait naman ang batang 'yon at halos dito na rin tumira eh.." Natatawang sagot ni Jem. Si Karla naman ay naparami ng subo sa sopas.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 18, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sand Under our FeetWhere stories live. Discover now