"Deeanne anak"dinig kong tawag ng Tatay ko sa akin
"May kailangan po kayo?"tanong ko
"Kamusta na kayo ng mga kapatid mo?"tanong nito
"Maayos naman po sila sige po inaantay na ako ng mga kasama ko"paalam ko
"Anak pwede ba after nito pwede tayo lumabas kahit sandali lang"sabi nito
"Titignan ko po pero baka magalit yung ASAWA niyo"pinag diinan ko talaga yung word na asawa
Nakita ko yung bakas ng lungkot sa mga mata ni Papa.
"Anak sige na sobrang miss ko na kayo"pag sumamo nito
"Pa kayo naman po ang umalis at sumama sa bagong pamilya mo ikaw ang nang iwan sa amin ni Mama at sa mga kapatid ko"sagot ko
At umalis na ako pero pag harap ko si Miguel naman ang Nakita ko talaga ba at sabay sabay pa talaga! Agad akong umalis at sumunod sa mga kasama ko.
"Saan ka nanggaling?"tanong ni Candace
"May Nakita lang na kakilala"sabi ko at tumango lang ang dalawa.
Agad kaming umupo kung saan naka lagay company na kinabibilangan namin. Ilang oras din ang tinagal ng convention kaya ng matapos ay tumayo agad kaming tatlo.
Balak ng dalawa na gumala muna dahil na din sa bihira na lumuwas ng manila kaya susulitin daw nila kaya bumalik kami sa hotel room namin yung dalawa ay mag papalit daw bago sila umalis sinasama nila ako kaso wala ako sa mood na gumala.
Sabay sabay kaming tatlo na lumabas sila papunta sa mall ako naman ay balak ko mag snack ayaw ko naman mag pa room service kaya nag pasya na lang ako na sa restaurant na lang kumain.
Pag labas ng elevator doon na kami nag hiwalay sila palabas ako naman sa may garden ang punta. Habang nag lalakad ay sakto na masasalubong ko si Miguel iiwas sana ako kaso nahawakan agad nito ang mga kamay ko.
"Deeanne kahit saglit lang"sabi nito
"May kailangan ka?" malamig na tanong ko
"Pwede ba tayo mag usap mag snack tayo kahit saglit lang please?"sabi nito hindi ko alam bakit napapayag ako dinala niya ako sa isang café at ito na ang nag order.
Dala ang order ako naman ay naka hanap na agad ng table bandang dulo.
"Let's eat"sabi nito at agad na inasikaso ako hindi na ako nagulat sa binili nito.
Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa walang may gustong mag salita o ano hanggang basagin na nito ang katahimikan.
"How are you?"tanong nito
"Maayos naman Nakita mo di ba"malamig na sabi ko
"Kamusta ang anak natin?"tanong nito
"Ah may anak ka pala sa akin? sa pag kaka tanda ko kasi mula ng umalis ka ng walang paalam doon sa condo mo doon pa lang pinutol mo na ang namamagitan sa atin"matigas na sabi ko
"Deeanne alam ko mali yung naging desisyon ko hindi ko kayo pinag laban natakot ako kay Mommy"sabi nito
"Alam mo pinakita mo lang na hindi mo talaga kaya kaming panindigan ok lang napalaki ko naman ang mga ANAK KO na wala ang tulong mo"sabi ko at tumayo na ako.
Tinatawag ako nito pero hindi na ako nag abala pa na huminto. Kahit pala tatlong taon na sobrang sakit pa din pala akala ko nag hilom na hindi pa din pala.
Gusto ko ng matapos ito para maka balik na ako sa mga anak ko pag ganito na andito sila kung sino pa yung taong mahal mo yun pa ang mananakit sayo una si Papa tapos ngayon si Miguel naman.

YOU ARE READING
My Runaway Husband (COMPLETED)
RomansaWhat if hindi ka nagustuhan ng pamilya ng boyfriend mo especially Mommy niya. Dahil ba hindi kilala ang pamilya niya dahil ba isa ka lang scholar sa pinapasukan mong kilalang university. Si Deeanne Lorrice Sandoval isang beauty and brain na naka pas...