Chapter 1: Bully

211 5 2
                                    

Chapter 1: Bully

"Hahaha. Tignan mo raw si Thomas! Ang pangit pangit mo talaga! Hahaha." asar ng mga kaklase ko sa nerd kong kaklase na si Thomas.

Umiiyak na siya at halatang hiyang hiya. Medyo natatawa pa nga ako sa pang-aasar ng mga kaklase ko sa kanya eh. I prefer to the 'Bully Boys' na sina Travis, Hadreen, at Karten.

"Haha! Kawawa naman si Thomas!" pang-aasar pa ni Karten.

"Ohh. Wawa naman si Baby Thomas! Aangal ka pa ba? Hahahaha." asar pa ni Hadreen.

"Ano Thomas? Hahaha. Ang nerd m--" bago pa matuloy ni Travis ang sasabihin niya, eh sinabihan ko na muna siya. Nakakairita na kaya.

"Ano ba Travis! Pwede ba tigilan niyo na muna siya? Ang ingay ingay niyo na eh!" reklamo ko. Tumigil naman sila.

"Hay. Oo na po, Madam Frizzy." sabay saludo niya sa akin.

"Good." sabi ko nang nakangiti.

Hi pala sa inyo. Nakalimutan kong magpakilala. Ako si Frizzylyn Ainah Cabrera. First year highschool, 13 years old. Katulad din ako nila Travis na bully, ako pa nga ang pinakamalala kung mambully eh, kaya natatakot sila sa akin.

Katropa ko sila. Kaming apat lang magkakasama palagi. Kaibigan ko sila eh ano magagawa niyo? Haha.

***

"Frizzy, tara punta na tayo sa canteen!" pag-aaya sa akin ni Karten.

"Ah, wait lang. May kukunin pa kasi ako sa locker ko. Mauna na kayo, susunod nalang ako." sabi ko naman.

"Okay. Basta, pumunta ka nalang sa table natin noh?" sabi ni Hadreen. Tumango nalang ako.

Oo may table nga kami doon, reserved sa aming apat iyon. Takot nga kasi ang mga estudyante sa amin kaya ganun, pati nga minsan teachers, binubully na rin namin eh. Bad no? Hahaha, that's life.

Papunta na ako sa may locker room nang bigla akong tinawag ni..

"Frizzy!" sigaw niya sa akin.

"Oh? Thomas?" sabi ko at tinaas ko ang kilay ko.

"A-ahh, k-kasi.. Salamat pala sa kanina." sabi niya.

"Huh? Saan naman?" pagtataka kong tanong.

"Tinulungan mo 'ko kina Travis. Salamat ha." paalis na sana siya pero may sinabi pa ulit ako kaya napalingon muli siya..

"Hindi kita tinulungan no. Sadyang naiirita nalang talaga ako noon." pagsusungit ko.

"Ah eh.. Ganun ba? Okay. Pero, salamat na rin." sabi niya at tuluyan nang umalis.

Naiwan naman ako doon na nakasimangot. Namisunderstood pa niya iyon huh? Di ko naman basta basta tutulungan ang isang tao eh. Kung kinakailangan lang talaga, dun lang ako tutulong. Pero 'yung kanina? Nope, para sakin din naman iyon eh.

Nagpunta na ako sa canteen at nagtungo sa table namin.

"Oh, nandyan na pala ang prinsesa natin eh!" sigaw ni Travis.

"Anong prinsesa? Reyna kaya." pagtatanggi naman ni Karten.

"Nagkakamali kayo diyan mga brad dahil siya ang ating boss." simpleng sagot ni Hadreen. saka ngumisi.

"Hay nako. Kayo talagang tatlo. Wag na kayong mag-away. Basta para sa akin, simpleng babae lang ako na mabuting tao. Minsan nga lang bully." mahinahon kong sagot saka na umupo nang matiwasay.

"HAHAHAHAHA." sabay sabay naman silang humalakhak samantalang ako nagtataka kung bakit sila tumatawa.

"Oh anong nangyari sa inyo?" tanong ko nang matapos silang humalakhak. Nagkatinginan pa sila bago sumagot tapos natawa pa.

It All Started When I was 18 (STILL EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon