Chapter 2 (Part 2): Valentine's Day

115 5 0
                                    

Chapter 2 (Part 2): Valentine's Day

9am palang naman eh. Kaya kailangan ko nang mag-desisyon habang maaga pa.

Humingi nalang ako ng tulong kay Hadreen dahil mas close naman kami kaysa kay Karten.

**Dialing: Hadreen

Pick up the phone, please. I really need your help.

"Hadreen! May itatanong lang sana ako."

(Ha? Sige. Tungkol saan ba?)

"Eh kase, Valentine's ngayon di ba?"

(Oo naman, bakit? Hindi mo ba alam?)

"Duh. Alam ko naman pero kasi kailangan ko ng advice."

(Bakit? Ano bang nangyari?)

"Dadating kasi mamaya yung mama pati papa ko. Tapos susunduin namin sila ni kuya sa airport, 6pm. Di ko alam kung sasama ba ako o hin--" napahinto ako dahil nagsalita si Hadreen sa kabilang linya.

(Oh anong problema dun? Edi dapat sumama ka kasi ang tagal mo na silang 'di nakikita, 'di ba?)

"Eh 'yun na nga eh. Inimbita kasi ako ni Travis na lumabas kami ngayong Valentine's. Magkikita kami ng 5pm. Anong gagawin ko? Sasama ba ako sa kanya o kay kuya?"

(Ay, nako. Mahirap ngang mag-decide niyan. Kung ako sa iyo, sabihin mo na muna kay Travis na dadating yung parents mo. Baka sakaling, maintindihan niya 'yung sitwasyon.)

"Pero kasi, ngayon na nga lang niya ako inimbita, 'di ko pa siya sisiputin? Hindi ba yun nakakahiya?"

(Bakit? Nahihiya ka ba sa kanya? Haha. Don't worry. Sasabihin ko nalang sa kanya na magkita kayo ng 2pm para mas maaga at mas matagal mo siyang makasama.)

"Ha? Bakit pa?"

(Ay, bye na pala Frizzy! Tinatawag nako ng girlfriend ko eh. Baka akala pa niya nambababae ako, bye!)

**Call ended

What will I do?

Naisip ko nalang na sabihin kay kuya ang plano namin ni Travis at bukas nalang ako babawi kina mama at papa.

"Kuya! Hindi pala ako makakasama mamaya."

Napatingin naman siya nang masama, "At bakit? Saan ka pupunta?"

"Eh, inimbita kasi ako kahapon ni Travis para ngayon eh. Minsan lang naman."

Natigilan naman si kuya at halatang galit siya. Natakot naman ako sa mga tingin niya.

"Hindi pwede, Frizzy."

"Ehhh! Pero, kuya--" pamimilit ko pa sa kanya pero inunahan na niya ako.

"Sinabi ng hindi pwede eh. Minsan nalang din umuwi sina mama at papa, uunahin mo pa iyang si Travis? Pwede ka namang bumawi sa kanya 'di ba? Pero sina mama, minsan mo nalang sila makita." medyo nakonsensya naman ako.

"Magpapaalam nalang ako kina mama." pangungulit ko.

"Frizzy, madidisappoint lang niyan sina mama sa gagawin mo, kaya kung ako sa iyo sasabihin ko na kay Travis na babawi nalang bukas." iniwan ako ni kuya sa kusina nang nakasimangot.

Strikto si kuya sa akin, pareho lang kaming year sa pinapasukan naming school. Matanda lang siya ng isang taon sa akin.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit siya ganyan ka-overprotective eh. Siguro ganun lang talaga pag may mas nakakabata kang kapatid, ano?

***

2pm. Napagdesisyunan kong puntahan nalang si Travis sa park kasi sabi ni Hadreen nandoon na raw si Travis.

It All Started When I was 18 (STILL EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon