Chapter 3: A test

125 7 5
                                    

Chapter 3: A test

Pagkatapos ng lahat ng nangyari nung Valentine's Day, kinausap agad ni papa at mama si Travis para malaman nila 'yung tunay na ugali niya. Alam naman nilang may past kami nito kaya pinoprotektahan nila ako ng sobra.

Kinausap din siya ni kuya at sinabi rin niyang may kailangan munang gawin si Travis bago maging kami ulit.

"Kailangan mong makapasa sa isang test para maging kayo ulit ni Frizzy." panimula ni Kuya Fritzie. Agad naman akong nag-react kasi 'di ko alam kung anong ibig nilang sabihin.

"Ha? Kuya naman. Anong pakulo iyan?" reklamo ko.

"Wag ka na munang makialam dito Frizzy. Para rin naman 'to sayo eh, kaya wag ka nang mag-inarte." sabi ni kuya sakin sabay tingin ulit kay Travis.

"Ok fine. Akyat nalang ako para makapag-usap kayo nang matino." sabi ko sabay pumunta na sa taas.

Hindi ako totally pumasok sa kwarto ko para marinig ko 'yung usapan nila. Ayaw ko man makialam, ngunit gusto ko pa rin malaman kung anong pagpapahirap ang gagawin nila kay Travis.

Makaraan ang ilang minuto, narinig kong pinag-uusapan na nila 'yung mga dapat niyang gawin para sakin.

"Una, uutus-utusan ka ni Frizzy para naman may tumutulong sa kanya. Simple lang naman 'yun eh. Para ka lang niyang magiging PA." sabi ni kuya.

Grabe naman pala 'yung test ni kuya. Akala ko pa naman 'yung mismong test sa school haha. Bigla namang nagsalita si Travis.

"Ah. Araw-araw po ba 'yun? Tsaka hanggang kailan?" tanong niya sa kuya ko.

"Uhm. Siguro, one week lang naman. That's enough to prove that you really love my younger sister." sabi naman ni kuya. Taray ah! May pa-english english pa 'tong si kuya.

Itinuloy na niya 'yung sinasabi niyang test. Hindi lang naman kasi isa yon. Medyo naeexcite din ako kahit papaano, at the same time, naaawa ako kay Travis.

"Pangalawa naman, kailangan mong dumalaw dito sa bahay katapos sa school bago ka umuwi. Don't worry kinausap ko na si Tita, pumayag naman siya. One week lang naman. Pero kung gusto mo araw-araw na talaga, ayos lang naman." sabi ni kuya.

"Ah, ayos lang kay mama? Buti pinagpaalam mo nako?" tanong naman ni Travis.

"Eh syempre, malakas ako sa kanya noh. Haha. Tsaka alam niya yung tungkol dito sa test na 'to." sabi ni kuya. Hindi na rin nagsalitang muli si Travis para maituloy na siguro ni kuya 'yung susunod na kailangang gawin ni Travis.

"Pangatlo, kung dadalaw ka dito sa bahay pagtapos ng pasok niyo, dapat naman sa umaga ikaw na maghatid sundo sa kapatid ko. Kaya mo naman ba?" tanong ni kuya saka tumawa nang mahina. Akala niya siguro 'di ako nakikinig sa pinag-uusapan nila.

"Oo naman. Kayang-kaya ko para kay Frizzy." sabi naman ni Travis. Medyo napangiti ako doon.

"Pang-apat, tutal darating ka rin naman dito pagtapos ng pasok niyo, dito ka na dapat mag-dinner, okay? Naghanda talaga kaming lahat para sayo eh. One week lang naman eh."

"Oh sure, kuya. Ang sarap kayang magluto ni Tita. Why not?" sabi niya naman na medyo nakangisi. Nakatingin kaya ako sa kanila.

"And lastly, may hihingin akong favor sayo." sabi ni kuya na ikinakaba ko. Kapag kasi humihingi ng favor si kuya, talagang seryoso siya eh. 'Di tuloy ako mapakali dito.

"Okay. What favor?" sabi naman ni Travis. Ramdam kong kinakabahan din siya. Never niya pa kasing nakitang ganun si kuya eh. Kung alam lang niya...

"Hindi ko muna sasabihin sayo ngayon. Basta favor 'yung last. And oh by the way, bukas na natin uumpisahan ang test. Okay? Tapos na pag-uusap natin. Pwede ka nang umuwi kung gusto mo." sabi naman ni kuya saka na siya nagpaalam kay Travis. Nag-fist bump pa silang dalawa.

Tumayo na ako tsaka bumaba para makapagpaalam na rin kay Travis. Alam kong pagod na pagod siya ngayon eh.

"Travis, uwi ka na noh? Alam kong pagod na pagod ka." sabi ko sabay yakap nalang sa kanya.

"Oo sige. Asan kiss ko?" sabi niya sabay nguso naman. Binatukan ko siya bigla.

"Ehhh! Hindi pwede. Umuwi kana dali. Mag-iingat ka ha? Bye!" sabi ko tsaka ko na siya pinagtutulak sa labas.

It All Started When I was 18 (STILL EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon