Chapter 8: Ang Pagbabalik
"Congratulations."
Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko inakalang siya ang makikita ko.
"Kumusta Frizzy?" ngumiti siya nang may pagka-sarkastiko saka niya itinaas ang kanyang kilay. "Na-miss mo ba ako?"
Hindi ko alam kung anong naiisip ko sa mga oras na 'to, at hindi nalang ako biglang makagalaw sa kinatatayuan ko.
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig at tila ba nanginginig na ang mga tuhod ko.
Bigla siyang ngumisi at sinabing, "Well, well, well... Hindi ka pa rin pala nagbabago, Frizzy."
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Loser ka pa rin!" sigaw niya sa pagmumukha ko, dahilan para masampal ko siya at magtinginan ang mga estudyanteng naririto.
Napaawang naman ang kanyang bibig sa nagawa ko. "How dare you?!"
Hindi ko pinagsisisihan na sampalin siya. Deserve niya iyon!
Akmang sasampalin niya sana ako, pero mabuti nalang nakailag pa ako. Pinagtitinginan na kami ng mga taong naririto at 'yung iba pasimpleng nagchichismisan at kumukuha ng video at litrato sa kanilang mga phone. Mukhang enjoy na enjoy pa sila sa panonood sa eksenang ito.
Nasaan na ba si Travis?! Ba't ngayon pa siya wala sa tabi ko?
"Aba matapang ka na ngayon?!" sambit niya saka na niya sinimulang hatakin yung buhok ko.
Sinimulan ko na ring sabunutan siya dahil sobrang sakit na talaga nang biglang may nang-awat sa amin at--
"Ayos ka lang ba, Friz?" ani--- THOMAS?!
Gulo gulo na ang buhok ko at ramdam kong medyo masakit na yung ulo ko kaya di ako nakasagot sa kanya. Ngumiti nalang ako bilang sagot, saka na siya humarap sa babaeng pinakakinaiinisan ko.
"Penelope! Ba't mo ba yun ginawa kay Frizzy ha?!" sigaw niya sa kanya na siyang ikinagulat ni Penelope.
"Seriously?! Thomas? Kakampihan mo pa talaga 'yan? Eh nakita mo namang siya ang nauna sa aming dalawa! Siya yung unang nanampal!" tugon niya naman.
Wow ha! Kung hindi niya ako pagsasalitaan ng ganon, hindi ko siya sasampalin! Pero siya ang nauna eh.
"Pero hindi mo dapat siya ginantihan! Ano bang turo sa'yo ng mama mo? Wag na wag ka nang makikipag-away! 'Di ba nga kaya ka tumigil sa--" sagot naman ni Thomas na parang galit na galit kay Penelope. Pero hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin dahil biglang tinakpan ni Penelope ang bibig niya saka bigla siyang umiling.
Teka... Magkakilala ba sila? Are they friends? Blood-related? O baka naman sila na??? What? I'm shookt. Hindi ko naiintindihan ang nangyayari ngayon.
Pero bakit parang magkakilala sila?
Bigla nalang nag-walkout si Penelope pagkatapos ng insidenteng 'yun.
Si Thomas naman bigla akong nilapitan saka ako itinayo. Pinilit niyang ayusin ang buhok ko na sobrang gulo dahil sa pagsasabunutan namin ni Penelope kanina.
'Yung mga taong nanonood kanina pa sa amin ay may sari-sarili ng pinagkakaabalahan na parang wala man nangyari.
"Ayos ka lang ba, Frizzy? Pasensya ka na kay Penelop--" hindi na niya natapos ang kanyang sinasabi dahil bigla nalang akong nagsalita.
"Kaano-ano mo si Penelope?" tanong ko na may halong kuryosidad at pagkabigla pa rin dahil sa nangyari.
Sasagot na sana siya nang biglang --
"BABE!" sigaw ni Travis saka na niya ako pinuntahan sa kinatatayuan ko at niyakap niya ako nang mahigpit.
Naramdaman ko namang umalis na si Thomas sa tabi ko.
Kumalas na si Travis sa pagkakayakap saka niya hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
"Sinaktan ka ba niya, babe?" tanong niya na para bang naluluha na siya.
Ngumiti nalang ako ng tipid sa kanya bilang sagot.
"Sorry, babe.. Sorry kung wala ako sa tabi mo nung kailangan mo ng tulong ko.. Sorry kung hindi kita naprotektahan tulad nang ipinangako ko sa inyo ng kuya mo. Sorry kung--"
Tinakpan ko nalang 'yung bibig niya para tumahan na siya.
"Shhh. Okay lang ako, babe. Ano ka ba.. Kaya ko namang ipaglaban 'yung sarili ko.." sabi ko nalang para gumaan na ang loob niya...
..kahit alam kong kinakailangan ko talaga 'yung tulong niya sa mga oras na 'yun.
Napatingin naman ako sa kinatatayuan ni Thomas saka ko nalang napansin na paalis na siya..
"Teka, Thomas..." ani ko. Napalingon naman siya nang magsalita ako.
"S-salamat nga pala sa pagtulong mo sakin kanina.." sabi ko sabay ngiti sa kanya. Ngumiti naman siya bilang tugon sabay sabing, "Wala 'yon.." saka na siya umalis.
Hindi pa rin ako makapaniwala na nagkaharap na kaming muli ni Penelope, at laking pagtataka ko kung magkakilala ba sila ni Thomas.
Magkaano-ano kaya sila? Bakit parang may alam si Thomas tungkol kay Penelope?
BINABASA MO ANG
It All Started When I was 18 (STILL EDITING)
Teen FictionThere is a girl named Frizzy who is a known bully in their school. But what happens if she fell in love with a guy in an unexpected situation? Will she be able to take this seriously and let her feelings push her to the guy she's in love with, or wi...