Chapter 6: Favor

70 2 0
                                    

Chapter 6: Favor

3rd Person's POV

Kinabukasan, nakapag-isip na si Fritzie kung ano ang hihingin niyang favor kay Travis. Magkikita sila ngayon sa isang coffee shop malapit sa kanila. Habang si Frizzy naman ay nasa bahay lamang at naiinip na siya dahil wala siyang magawa kundi ang mag-laptop lang.

Samantalang si Travis naman ay nag-aayos na para sa kanilang pagkikita ng kuya ni Frizzy. Halatang kabado siya sa ipapagawa ni Fritzie pero pinakalma lang niya ang kanyang sarili.

Naunang dumating sa coffee shop si Fritzie dahil mas malapit lang sila dito. Nagbasa muna siya ng libro habang hinihintay si Travis.

Mga 15 minutes lang naman siyang naghintay kaya hindi na siya masyadong nainip.

Nang makaupo na si Travis, agad naman kinausap ni Fritzie ito.

"Kamusta na kayo ni Frizzy? Balita ko kayo na?" sabi niya sabay smile.

"Oo, sinagot na niya ako kagabi. Salamat pala sa lahat ng tulong mo!" sagot naman ni Travis saka siya nakipag-fist bump yeah.

"Anyway, di naman talaga yun yung pag-uusapan natin ngayon eh. Hindi ko pa kasi nasasabi sa'yo yung favor ko diba?" tumango naman si Travis. "Yun nga, gusto ko kasi protektahan mo si Frizzy kay Penelope. Gusto ko hindi masaktan si Frizzy. Ingatan mo kapatid ko, tol. Kung hindi, ako makakalaban mo."

"A-ah. Yun lang ba? Oo naman. Hindi ko siya papabayaan. At hindi na rin naman siguro babalik pa si Penelope." sabi naman ni Travis.

Natatakot siya dahil baka nga bumalik pa ang babaeng nanira sa relasyon nilang dalawa ng taong mahal niya.

"Paano 'pag bumalik pa siya? Kailangan niyo pa ding maging handa. Kilala ko si Penelope. Gagawa at gagawa siya ng paraan para mapunta ka lang sa kanya." paalala naman ni Fritzie na siyang lalong ikinakaba ni Travis at ikinagulo ng kanyang isip.

"Osige. Maghahanda nalang kami sa kahit ano mang mangyari. Basta, poprotektahan ko siya kahit kanino pa iyan. Mahal ko yung kapatid mo, alam mo yan, tol." sabi niya naman. Kahit natatakot na siya, di pa din siya nagiging nega.

"Yun lang naman ang favor ko eh. Osya, mauna na ako."

"Sige."

Napaisip nalang si Travis sa favor ni Fritzie.

Paano nga kung bumalik pa si Penelope?

Paano niya ito poprotektahan kay Frizzy?

Kailangan lang talagang maghanda.

It All Started When I was 18 (STILL EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon