Chapter 7: Congratulations
Kasabay kong pumasok sa school si Travis. Sinundo niya ako sa bahay namin kahit tapos na 'yung test na sinasabi ni kuya. Haaaay. Ang sarap lang sa pakiramdam na kami na ulit ni Travis. Sobrang saya ko na official na talaga ang relasyon naming dalawa.
"Oh pare! Balita ko kayo na ni Frizzy ha?" ani Hadreen kay Travis.
"Oo nga pre! Alam mo ba ang saya naming dalawa para sa inyo! Kailangan nating mag-celebrate dahil nagbabalik na ang TraZzy Lovers!" sabi naman ni Karten. Napangiti nalang kami ni Travis sa kanilang inasta.
Bakas sa mga mukha nila ang saya na kanilang nararamdaman para sa relasyon naming dalawa ni Travis. Napakasaya ko rin na suportado nila kaming dalawa sa mga desisyon namin.
"Ang baduy mo naman pre! TraZzy Lovers ka dyan! Puro kabaduyan naman naiisip mo! Hahahah." sagot ni Hadreen kay Karten. Napahalakhak nalang kaming apat sa pinagsasabi nila.
Naglakad kaming apat papunta sa aming classroom at pansin kong nakatingin ang mga estudyante sa amin. Panigurado alam na nila na official na kaming dalawa ni Travis.
"Uy! Sila na ulit dalawa di ba?"
"Grabe bagay talaga sila!"
"Sana naman hindi na sila mang-bully! Tutal masaya na sila sa relasyon nila."
"Ayy oo nga noh. Mukhang magandang balita 'to para sa ating lahat! Sana 'di na sila maghiwalay."
Naririnig kong nagchichismisan lang ang mga estudyante tungkol sa aming dalawa ni Travis. Pansin kong masaya rin sila para sa aming dalawa. Tingin ko nga ay matitigil na rin kami sa pang-bubully. Kung hindi man ay maaari rin namang mabawasan ito...
***
Dumating ang lunch time at gutom na gutom na ako. Buti nalang pala ay nagdala ng baon si Travis para sa aming dalawa.
"Uy! Travis!" ani ko.
"Bakit, babe?" sabi naman niya sabay kindat. Napaikot naman ang aking mata dahil sa kanyang inasta. Hay naku! Makatawag talaga siya ng babe ha? Porket official na kaming dalawa, ganyan na ang tawag niya sa akin.. But it's kinda sweet.... hmm.
Pero sumimangot lang ako at sinabing, "Hindi pa ba tayo kakain? Nagugutom na ako!"
Napangiti naman siya sa akin na para bang nang-aasar. Naniningkit ang kanyang mga mata na siyang ikinadagdag ng kanyang kagwapuhan... Hay, nagiging corny na ako!
Hindi pa siya sumasagot kaya naman itinaas ko ang kanang kilay ko sa kanya. Sasagot na sana ako ngunit bigla na lang niya akong hinila at dinala kung saan.
"Travis! Saan mo ba ako dadalhin?" sabi ko sa kanya habang tumatakbo pa rin kaming dalawa papunta sa hindi ko alam. Pero hula ko ay malapit na kami sa likod ng school..
"Takas tayo!" aniya na siyang ikinagulat ko.
"Anong takas ka dyan?! Are you crazy? At paano kung nahuli tayo ha?!" sagot ko naman sa kanya.
Bawal kasing lumabas ng school ang mga high school students tuwing break time since private school ito, kung kaya naman naisipan ni Travis na tumakas kami.
BINABASA MO ANG
It All Started When I was 18 (STILL EDITING)
Teen FictionThere is a girl named Frizzy who is a known bully in their school. But what happens if she fell in love with a guy in an unexpected situation? Will she be able to take this seriously and let her feelings push her to the guy she's in love with, or wi...