Chapter 4: Nerdy Boy

117 2 0
                                    

Chapter 4: Nerdy Boy

Monday na naman. Waah, grabe. Naalala ko na naman 'yung ipapagawa nila kay Travis. I mean, ako pala magpapagawa, pero 'di ko rin naman 'to gusto. Pero mukha namang exciting kaya okay na rin.

Bumaba na ako para mag-breakfast nang makita ko si kuya na nagpre-prepare ng foods. 5am palang naman eh, medyo maaga pa.

"Goodmorning kuyaaaa!" sabi ko sabay yakap sa kanya.

"Aba? Good mood yata ang little sis ko ngayon ah? Haha." sabi naman niya saka ginulo ang aking buhok. Napasimangot naman ako sa kanyang ginawa.

"Ah, hindi naman kuya. Eh ano ba kasing gagawin ko sa test na 'yun?" sabi ko naman kay kuya habang nakasimangot pa rin.

Napaisip siya ng konti pero agad naman nagsalita, "Simple lang. Utusan mo lang siya. Alam kong narinig mo lahat 'yung pinag-usapan namin kagabi. 'Diba?" sabi niya sabay ngisi sa akin.

Ha? Paano niya nalaman 'yun? Nakatago kaya ako sa may pader. Ugh, ok. Ang weird ni kuya.

"Paano mo naman nalaman?" sabi ko sa kanya habang nakataas 'yung kanang kilay ko.

"Basta. Wag ka nang magtanong. Kumain ka nalang." sabi niya, kaya kumain nalang ako nung mga hinanda niya.

Habang kumakain ako, biglang nagsalita si kuya, "Siya nga pala, bibigyan kita ng list kung anong gagawin mo." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Ha? List? Ibig sabihin madami yan?" gulat kong tanong.

"For one week or five days as well, siguro apat bawat araw." sabi niya habang hawak na 'yung list.

"Sa first day ng test Frizzy, particularly today, kailangan mong ipadala ang mga dala-dala mong gamit sa kanya. Then, kailangan ka niyang ihatid-sundo. Dadalaw lang siya sa bahay natin at kakain. 'Yun lang muna 'yung sa first day. Simple lang naman 'diba?" sabi niya kaya tumango ako bilang tugon.

"Then, second day naman, utusan mo siyang ibili ka ng pagkain sa canteen. Sa veranda nalang kayo kumain, okay? Tapos, syempre as usual, ihahatid-sundo ka niya. Pero may challenge na 'to. Kailangan niyo munang pumunta sa kahit saan bago kayo umuwi." bago pa ituloy ni kuya yung sasabihin niya, nagsalita muna ako.

"Ano namang challenge dun?" pagtataka kong tanong.

"Eh syempre, mauubusan siya ng gas 'diba? Para naman 'pag naging kayo, alam natin kung may budget siya." sabi niya, "So, 'yun na nga. At syempre, dadalaw siya at kakain sa bahay natin. Ganun lang."

Yes, 15 years old palang si Travis, pero meron na siyang license kung kaya naman pinapayagan na siyang mag-drive ng mga magulang niya, though minsan lang naman siya nagda-drive mag-isa since may driver naman sila. And by the way, 2 years ang tanda sa akin ni Travis. Late kasi siyang nag-start mag-aral.

So going back to the story...

Habang nakikinig ako kay kuya, tumahimik nalang muna ako para maipagpatuloy niya 'yung sinasabi niya.

"Third day, utusan mo siyang pumunta sa library."

"Ano namang gagawin niya dun?"

"Pahanap mo sa kanya 'yung favorite book niya, or kahit ano. Pero 'yung theme dapat is horror. Baka biglang lumabas 'yung baklang side niya."

"Ay. Kuya naman eh! Aanhin naman niya 'yon?" tanong ko.

"Pabasa mo sa kanya."

"Oh tapos?"

It All Started When I was 18 (STILL EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon