Chapter 2 (Part 1): Valentine's Day

106 6 0
                                    

Chapter 2 (Part 1): Valentine's Day

"Frizzy! Gising kana!" napabangon ako nang bigla akong pinagtutulak ni kuya pababa ng kama.

"Kuya, ano ba!? Ba't kailangan mo pa akong ihulog dito sa kama?" galit kong sabi.

Nakakainis kaya noh. Kailangan niya pa talaga akong ipagtulakan pababa sa kama? Duh.

"Eh, kanina pa kaya kita ginigising. Halos yata lahat ginawa ko na para lang magising ka!" napakunot naman yung noo ko nang sabihin niya iyon.

Hindi naman kasi ako ginigising talaga ni kuya kung hindi importante 'yung sasabihin niya. I guess..

"Kuya? Anong meron?" tanong ko nang may pagtataka.

"Hay nako. Buti naman matino iyang tanong mo kundi--" napahinto siya nang muli akong magsalita.

"Oo na kuya, so ano ngang meron? Ba't mo ako ginising? Alam kong importante iyan eh."

"Eto na nga.. Kasi sina mama at papa, gusto raw tayong makasama at makita ngayong araw. Sunduin daw natin sila sa airport mamayang 6pm. Baka mga limang araw daw sila dito sa Pilipinas tapos babalik na sila sa California." pagkaklaro ni kuya.

"Kung ganun, edi okay. Excited na akong makita sila." sabi ko sa masayang tono.

"Ako rin naman. Buti na nga lang naisipan nilang umuwi ngayon eh."

"Pero, teka.. Ano nga bang araw ngayon?" pagtatanong ko. Bigla namang napakunot 'yung noo ni kuya at ang tagal niya bago sumagot kaya nagsalita na ako muli.

"Kuya? Anong araw ngayon?" pag-uulit ko saka napasimangot dahil sa kanyang reaksyon.

"Seryoso? Hindi mo talaga alam?" pagtataka niyang tanong.

"Ano ba naman kuya. Itatanong ko ba kung alam ko? Ano nga kasi?" pangungulit ko.

"February 14 ngayon. Valentine's day. Oh, ano alam mo na?" bigla naman akong natigilan sa sinabi niya.

Valentine's ngayon? Waaaaah. Aalis nga pala kami ni Travis. Lagot. Anong gagawin ko?

Sasama ba ako kay Travis na inimbita ako at pinangakuan ko? O kay kuya na susunduin sina mama at papa sa airport na miss na miss ko?

Ano nga ba dapat ang gagawin ko?

It All Started When I was 18 (STILL EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon