Chapter 3

42 2 0
                                        

  At kinabukasan nga, katabi ko pa rin sa upuan si mr kumag, as usual nakikishare sa book,,magkadikit  mga balikat namin, kasi nga  hawak niya kabilang bahagi ng book, ako naman sa other part.  At kung ang binabasa namin ay sa side ko, lalo siyang nadikit. Ganyan, eksena namin monday to friday .

  At ngayon nga, ganyan na naman kami,,"  umisod ka nga diyan"  sabay tulak ko sa kanya.  Libro ang  nalaglag, pinulot niya sabay siksik lalo palapit sa akin.

"ano ba, damot mo ha"  angil ko, paano ba naman sinolo ang libro,

"ikaw kasi, nakikibasa ka lang, panay reklamo mo "   tatawa-tawang pang-asar nito.

"ganun,kaw may-ari"  sabay talikod sa kanya, kay Ana na lang ako nakishare pagbasa.

  "ui, balik ka na dito" sinundot sundot beywang ko.

  " tse'  

  ' o heto na libro mo ' sabay abot sa akin,

Mukhang api, nagpapaawa, nakatulala drama ng peg. Kakaawa naman, kaya share na ulit kami, ngi- ngisi ang loko habang nagbabasa.  Anong meron itong kumag na ito at parang natutuwa naman ako na lagi kaming ganito magkadikit tuwing Rizal subject.

  Yan ang iniisip ko ngayon, ayaw kasi akong dalawin ng antok, kanina pa ako pabali- balikwas, almost 2.am na, "  ano ba, antok, come here, be with me, friday pa lang bukas at may long quiz sa Philosophy, haisst".  Bakit ba, parang gusto ko lagi pumasok sa school, mag aatend ng Rizal class, bakit naaliw ako sa corny jokes niya or simply sitting beside him, bakit, bakit.....  teka, ano nga pala pangalan ng kumag na yun, hindi na kasi nagrorollcall ng attendance,  hala , ilang weeks ko na lagi kadikit pero  no knows ng name niya, tssk.tsk tsk, Maxine, wats happening to  you.

  Binuksan ko laptop ko, gossh wala ng naka online, grabe agap naman nila matulog,pati  si Ferdie na adik sa dota  offline, omg, ako na lang gising.....

  Naglaro na lang ako sa ipod ng candy crush soda, at nakatulugan ko na ito,  ng mag-alarm ng 9am, low bat na ipod pati laptop.  Pag baba ko ,kumakain ng breakfast si Dennis at Patrick, kasabay driver ni papa.  Nagpadala ng lasagna  at garlic bread si tita  Marissa, dyowa ni papsie.  Ok naman stepmom namin, mabait, inilalapit niya loob niya sa amin, siguro dahil wala sila anak.

    Nasa gitna kami ng pagbabasa, ng iannounce ng  professor  cut ang klase, emergency meeting daw, sigawan ,.yeheyyy, lahat tuwang tuwa, syempre makakapaglakwatsa,.. Lahat dali-dali sa paglabas ng room, ang iingay, hindi agad ako nakalabas kasi kinausap pa ako noong isa naming classmate, magkakilala pala brother nya at brother kong si Patrick. Hinintay ako ni Ana, sabay kami lumabas ng room, aba, si mr kumag nasa labas ng room, naka  yellow shirt siya, bagay sa kanya.

  " Maxine, Ana tara sama kayo sa amin  kain tayo doon sa bagong resto lapit lang dito"  sabay turo sa barkada niya na  nagaantay sa amin,  Nagkatinginan kami ni Ana   and both of us shrugged our shoulder, .

" sure, why not coconut". tuwang tuwa ang kumag at sabay sabay kami bumaba sa hagdan

  " sobrang saya mo ata, umaabot ngiti mo  hanggang  Baguio a"  pang aasar ko kay kumag, kasi kitang kita kasiyahan niya dahil na cut klase. Nasa abangan  na kami ng jeep, ng biglang me nagtatakbo, sus, nakalimutan ko me mga  friends pala ako..

"Maxine  wait "humihingal na sabi ni Jonathan, at kasunod niya  sina Ferdie.

 

  Napatingin ako kina Ana, ' naku  sorry, hindi ako makakasama ,next time na lang ha,'  sabay tingin ko kay kumag, tinitigan ako ng pagkaseryoseryoso  at tumalikod, dire-diretso pagalis.

 

"ok lang yun, next time na lang, inaamad pati ako ngayon , gusto ko nang umuwi, ' Nakipagbeso- beso Ana sa akin at nagbabush na.

  "anong drama yan Maxine at cannot be reach byuti mo ngayon, kanina ka pa namin kinokontak a, at mukhang may date kayo ha, ano yun bagong tropa, ipinagpalit na kami,'  ang sabi ng kunyaring nagtatampo na si Alexander.

' oo nga, ipinagpalit na tayo may bago ng tropa'  pang-aalaska ni Ferdie at Jonathan, inayunan pa ni Rhiza at Beth.

' ganun, me ganun talagang issue' sagot ko, tara na nga san ba tayo.

' at dahil di ka mareach, kaw taya,' sabay sabay nilang pang aasar.

At napagkasunduan namin, sa bahay namin maghang out, tuwa naman yaya, para daw hindi na kami kung saan saan naglalamierda,   Sound trip at food trip gawa namin, laro cards kasali si yaya at mga shupatid ko. 

 

A summer to rememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon