Around 9 am, I texted Ana, chika chika , hindi kasi ako mapakali, isinabay kasi nina kumag kahapon si Ana, gusto kong malaman kung itinuloy ba nila pagkain kahit wala ako, ewan ba, bakit ganito nararamdaman ko, may halong lungkot at panghihinayang.
Me: o ano, muzta , natuloy kayo kahapon pagpunta sa resto sinasabi ng mokong na yun.
Ana: chos lang yun, nung hindi ka na sunama, abay ayaw na rin pumunta ni Bryan, at may topak, hindi nagsasalita bigla naging seryiso
Me: sinong Bryan
Ana: si Bryan, yung kasosyo mo sa libro tuwing Rizal,
Me: Bryan pala name nya
Ana: you mean, o m g, araw araw magkadikit kayo hindi mo alam, nagkamukha na nga kayo e
Me: ganun, e malay ko ba, Im not interested naman
Ana: hindi natuloy lakad, kanya kanyang uwi na
Me: ano apelyedo niya, di ba engineering siya....what year
Ana: naks naman, hindi daw siya interested, pero inquisitive
Me: hindi talaga a, masama bang malaman, malay mo makaisip me pang asar sa kanya, (hay naku, sinungaling ka Maxine, sabi ng utak ko)
Ana: ok, ligo muna ako ha, at padating na bf ko may date kami
Me: a ok, have fun
After 30 minutes, tumunog cp ko, si Ana natawag ' gurl Bryan Montenayor name niya, 3rd year civil engineering' gudluck gurl'
sabay tawa ni Ana at nagmamadaling nagbabye at andoon na raw bf niya.
Bryan Montenayor pala si kumag, at ako'y napangiti, maisearch nga sa fb.
Ngeek, plangak naka private setting fb niya, kala ko pa naman makakakuha ako pang-asar sa kanya. Baka naman kung ano isipin nun pag nag friend request ako..
After lunch, nagpunta kami nina yaya sa grocery, wala ng supplies sa bahay, isinama ko si Dennis at ng may taga buhat, si Patrick taong bahay.
Matatapos na kami , ng maalala ko wala na nga pala akong wipes and sanitary napkin, so balik kami sa section na yun, I turn around,
'aray' nalaglag dala kong napkin, nabunggo ako ng lalaking hindi marunong tumingin sa dibadaanan.
'aba, at nagiging habit mo ata ang banggain ako a' ... ngingisi -ngisi si kumag, este si Bryan pala. ' o laway mo natulo,huwag kanganga, alam kong pogi ako, huwag mo ika- obvious paghanga mo sa akin.
' alam mo yung salitang kapal, kaw yun, tumingin ka nga sa salamin'
' hindi na kailangan alam ko na pogi ako'
' ngeeh, o itong piso humanap ka kausap mo' inirapan ko siya sabay talikod.
'Maxine, your pretty now,bagay sayo suot mo' at talaga naman nakapang asar pa, naka maong shorts and pink shirt lang ako, matching sandals, siya naka cargo shorts and black shirt.
'hoy ate sino yun'
'classmate ko, mapang asar'
' mukha nga, ayan nagblablush ka'
Ewan , pag nakikita ko yun, parang me contest dugo ko sa pagtakbo.
Pumunta na kami sa counter para magbayad, mahaba pila, pang-apat kami, kasunod si yaya noong lalaki,chinecheck ko mga pinamili namin, pag harap ko, what the......
Ang nasa unahan ni yaya ay si Bryan, at kuntodo ang ngiti sa amin, naka shades.
'lakas talaga appeal ko, lagi mo ako sinusundan' inabot niya kamay niya kay yaya at nagpakilala, ganuoon din kay Dennis
'Bryan po, classmate niya, soon to be special friend'
Nakipagkilala naman dalawa, sinakyan trip ni kumag, ' hi naku, bagal naman ng cashier, ang lamig dito, lumalakas hangin, may tutubi pang naligaw' parinig ko kay kumag.
Unaffected ang loko, kumakanta kanta pa, the closer I get to loving you, the closer I get to touching you
BINABASA MO ANG
A summer to remember
RomanceOnce a summer,Maxine meet a guy, isang taong hindi niya akalain magiging malaking part ng puso niya......