Maagap kami ginising ng caretaker ng bahay, 8 am kasi alis namin papuntang Fort Santiago. After breakfast, nagsiligo na. Exactly 8am umalis ang bus, same sitting arrangement.
' wow, tutubi, ganda smile mo a, para kang nanalo sa lotto a' pagbati ko kay Bryan, paano ba naman, naka shades na naman.
'higit pa sa pagkapanalo' tugon nito, at isenenyas balikat niya.
' ano yan '
'wag ka na mahiya o, alam ko namang antok na antok ka'
'hindi a'
' weeh, pustahan'
' wag na uy'
kinuha niya earphone at iniabot sa akin yung left part, sabay kami nakinig ng music, maybe this time ang current playing.
At inantok na nga ako, inihilig niya ulo ko sa dibdib niya at nakayakap sa akin. Kung ano man ito, magpatianod na lang, sarap ng feeling,.kakaiba, sana wag na matapos ito.
Pagdating sa Fort Santiago, magkahawak kamay kaming naglalakad, kasa kasama namin si Ana, sabay din kami naglunch, after lunch, nawala siya, pupunta kami ni Ana sa cr, ng mapansin namin may kausap si Bryan, medyo malayo layo, kaya hindi namin makinig, parang nagtatalo sila nung girl. Matangkad yung girl nahaba buhok, very slim , maitim.
'Sino yung kausap niya' tanong ni Ana sa akin.
'ewan' I shrugged my shoulder, at inakit ko na siya papunta sa bus.
Paalis na ang bus, wala pa rin siya, pinalipat ko si Ana dito sa tabi ko.Noong umakyat siya, tumingin lang sa akin, seryoso ang mukha, kasunod yung girl , sa hulihan sila nag- upo. Kung kanina puno ng kasiyahan at kaguluhan sa loob ng bus , ngayon ay nababalot ng tensyon. Sinesenyasan ako ni Ana about the girl, sabi ko lang, I dont know.
Ayaw kong mag-isip, ayoko, blangko lang, ayokong lumingon, bumibilis tibok ng puso ko, gustong magtanong, who, why, what.. Kanina ang saya saya, bakit bigla na lang ang lungkot lungkot ko. Sa may unahang pinto ng bus kami dumaan ni Ana, ayaw ko nga lumingon, pero itong kalapit ko lumingon, Si Bryan daw, nakatitig sa akin at sa kawalan,.nauna daw bumaba. Buti na lang, pagbaba ko ng bus, nakaabang na sina Patrik at Manong.
BINABASA MO ANG
A summer to remember
RomansaOnce a summer,Maxine meet a guy, isang taong hindi niya akalain magiging malaking part ng puso niya......