Akiexhia's P.o.V.
"Hey, buhay ang inihahatid niyo hindi patay, smile naman" I said to them. Sila pinangingiti ko pero ang ending ako lang ang mukhang ewan na ngumingiti sa amin.
"Ann 'yan bang si Gray hindi na marunong ngumiti? Bakit parang natuod na 'yan?"
"Naku, malungkot 'yan at wala nang mapapamaskuhan anak namin sa pasko" she joked.
I just smiled at her in return. Siya lang ang pumapatol sa joke ko ngayong araw at alam ko naman kung bakit. Ang hindi ko lang gets ay kung bakit sobrang lungkot nila na parang ito ang unang beses na aalis ako ng bansa.
"Why do you have to leave in the first place? Hindi ka naman maghahabol pa kay Steven since tapos na talaga kayo, what's with this leaving the country act?" Tanong ni Gray. Napakamot na lang ako sa batok ko sa tanong niya. Do I really need to explain again?
"Dapat pala nag-print na lang ako ng copies ng explanation ko kung paulit-ulit lang pala tayo diyan"
"Kasi naman, bakit ba may paganito pa? Akala ko ba 'yong pagbe-bury mo ng album niyo process na ng letting go? Eh bakit may pag-alis pang nalalaman?" Kung basta lang kami nagbibiruan ngayon baka humahagalpak na ako ng tawa dahil sa aburidong mukha ni Ara.
"Ara, letting go 'yon. Ito, moving forward. Magkaiba 'yon. Saka if you're worrying about me not coming back, stop. Babalik ako, I just don't know when"
"Mas mabilis bang makahilom ng puso ang hangin sa Australia?" Chelsea asked.
Taas-kilay niya akong tiningnan nang magsimula akong tumawa. I walked to her and gave her the tightest hug that I can give. Sobrang higpit, 'yong tipong maaasar talaga siya sa higpit.
"Ma-mi-miss mo lang ako eh" Pang-aasar ko.
"Ikaw mamimiss ko? Asa ka" she said then removed my arms from her.
"Sure ka na ba talaga diyan?" I looked at Hayden and nodded.
"Hindi na papapigil" natatawa-tawa kong parinig sa mga kaibigan kong nagta-tantrums na. He just smiled and pulled me into a hug.
"Take care, Akiexhia. Mami-miss ka namin"
"I'll miss you all too. Sana naman pagbalik ko may girlfriend ka na"
"May nabibili ba no'n sa mall?"
"Kapag ikaw naihanap ko ng girlfriend sa mall huwag kang aangal ha" he just laughed at my statement and gave me a soft kiss on my forehead.
"Tama na yakap sa bestfriend ko kailangan na niyan mag-check-in" paghila ni Chels kay Hayden palayo sa akin. Kumakamot ulong lumayo naman si Hayden sa akin.
"Magpapa-alam ka ba Chelsea o sasamaan mo lang 'yan ng tingin?" Ann said before giving me a hug.
"Darating din 'yang Mr. Right mo, don't worry. Ingat sa Australia, Akiexhia. 'Yong pamasko ng inaanak mo g-cash na lang ha?" I was about to say something when she whispered something.
"Saka don't worry about Ash anymore. He's with us sa bahay. He told me to say goodbye for him"
That's a relief. Akala ko kung ano na ang nangyari kay Ash, I'm glad he's with his brother.
"Ingat ka din buntis. Kapag sakit sa ulo si Gray tadyakan mo na lang palabas ng bahay" I said that she happily agreed on.
"Sweetheart naman, walang tadyakan"
Napailing na lang ako sa nakaka-cringe na hitsura ni Gray habang nakanguso kay Ann. I bent down and touched Ann's protruded belly.
"Grow up healthily okay? Manahin mo na ang kagwapuhan ng tatay mo huwag lang ang pagiging tuod"

BINABASA MO ANG
Tadhana's Real Game
RomanceAre you ready to face Tadhana's Real Game? Book Two of Ms. Sungit and Mr. Yabang. Date Started: May 29, 2018 Date Finished: December 25, 2021