Chapter Thirteen

1K 53 6
                                    

A.N: Hi Guys! Dapat kagabi ko pa ito gagawin kaso nakatulog agad ako. Around 9PM na kasi kami nakauwi kagabi, and I woke up late this morning. So, babawi ako ngayon. And, CONGRATS sa lahat ng graduates, completers, sa lahat ng nag-moving up at sa lahat ng mga nasurvive ang buong school year. Congratulations!💗
----
Steven's PoV

"Sir, I-"

"What's with the formality Steven? Parang iba ka, you're my soon to be son-in-law, Dad na lang" putol sa akin ni Mr. Monteverde, Kisses' father.

"Sir, I don't think I can call in that way"

"Bakit naman?" Okay, I can do this. Para sa mas ika-aayos ng future ni Krishna. Dahil kung hindi ko 'to gagawin patuloy siyang bubuhayin ni Kisses sa kasinungalingan. At isa pa, gusto ko ng sumaya, sa piling niya.

"Sir, hindi na po ako tutuloy sa engagement. Hindi ko na po pakakasalan si Kisses" malumanay kong sabi pero bakas pa rin sa kanya na nabigla siya at nagsisimula ng uminit ang ulo dahil sa sinabi ko.

"Ano ulit ang sinabi mo? Hindi mo na pakakasalan ang anak ko? Steven ano ba 'to? Akala ko ba nagkaintindihan na tayo? Gusto mo bang bumagsak ang kompanya niyo? At paano ang apo ko?" Sunod-sunod na tanong niya, habang mariin na nakatingin sa akin.

"Sir, kung akin nga lang si Krishna itutuloy ko po ang kasal, pero hindi. Krishna's not my daughter. She's not mine, everything was a lie. MADE by your DAUGHTER. And about our company, I think I can already handle it" sabi ko habang pilit na pinapakalma ang sarili. I still respects him afterall, tinulungan niya kami s kompanya namin.

"Hindi ba't may nangyari sa inyo? Pinapalabas mo bang disgrasyada ang anak ko? Stevdn naman! Akala ko may paninindigan ka! Pero ano 'to? Tinatakbuhan mo ang responsibilidad mo sa anak ko at sa apo ko!"

"Sir, hindi. Hindi ko po tinatakbuhan ang responsibilidad ko 'cause at the very first start wala naman po talaga akong responsibilidad sa kanila. At ang nangyari po sa aming DALAWA, I doubt that. I'm sorry Sir, but with all your due respect I can't continue with this set up anymore. At uurong po ako sa kasal, magdadala po ako sa susunod ng proofs. I'm sorry. I'll leave now"

That was my last words before I left Mr. Monteverde's office yesterday. Halos wala pa akong matinong tulog dahil iniisip ko yung result ng DNA test. Hindi ko maintindihan yung sarili ko, kung ipapanalangin ko bang sana ako na lang ang ama ni Krishna o hindi. Ang gulo. Nasasaktan pa rin naman ako kahit paano.

Nagdesisyon na lang akong pumunta sa ospital para dalawin si Krishna. Pagdating ko sa kwarto niya si Angelo ang nadatnan ko.

"What the heck are you doing here?" Maangas na tanong niya sa akin pagkapasok na pagkapasok ko.

"Dumadalaw malamang, ano sa tingin mo? Nagpa-admit din?" Sabat ko sa kanya at lumapit kay Krishna.

"Wala ka ng karapatan dito, bakit pumupunta ka pa?"

"Anak pa rin ang turing ko kay Krishna, minahal ko na siya. Nag-aalala pa rin ako. At aminin mo man o hindi mas gugustuhin niya akong makita pagkagising niya kesa sa'yo"

"Tala-" he was interrupted by a small voice that I missed to hear.

"D-daddy" That was her first word the moment she woke up. F*ck, ako ang hinanap niya! Paano ko sasabihin sa kanya? How can I hurt this child that used to be my sweet angel?

"What do you want Krishna? Water?" I was brought out from my own trance ng magsalita si Angelo. Krishna just look at him, confused. That's when I decided to speak.

"Angelo, ako muna. Krishna, water?" Tumango siya pagkatapos no'n. Hindi pa sa ngayon ang tamang oras, pero hindi ko na 'to patatagalin. Mas mahihirapan pa siya kung tatagal 'to. I just need to wait for the DNA results.

3 days. That's all I need to wait.

Angelo just nod at me kahit na parang labag sa loob niya at lumabas na lang para tumawag ng doktor. Pero hindi kasi namin pwedeng madaliin ang lahat kahit na gusto ko ng malaman ni Krishna ang totoo. Hinay-hinay pa rin, bata pa masyado si Krishna mahihirapan siya intidihin lahat agad-agad lalo na't bago pa lang siya magrerecover.

"May masakit ba sa'yo?" Tanong ko sa kanya. She just shaked her head and smiled at me. I just hugged her, one last time as her father.

Kisses' PoV

It's been three days simula ng maging okay si Krishna pero kami ni Steven hindi pa rin. Ngayon pauwi na kami, at hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ngayon.

"Angelo will drive you home. Susunod ako, may kukunin lang ako" Steven said and left us.

"Tara na. Oh, careful Krishna, I'll help you" napatingin na lang ako kay Angelo kung paano niya asikasuhin si Krishna. For three days he never left Krishna, doing little things for her. Pero most of the time si Steven pa rin ang gumagalaw, hindi ko alam kung bakit, pero parang may kung ano ng nakaplano si Steven.

Dumating kami sa condo at hindi pa din umaalis si Angelo. Nakapagmiryenda na at lahat si Krishna nandito pa rin siya.

After few more minutes Steven came, handling a brown envelope. Akala ko sa akin siya lalapit pero he kneel in front of Krishna and made her look to him. And what he said broke my heart.

"Daddy will always love you no matter what. Please, understand me this time Krishna" but Krishna just looked at him puzzled.

"Krishna,who am I?"

"Daddy, bakit niyo po tinatanong?"

"Just answer me okay? If may iba ka pang Daddy okay lang sa'yo?" Malumanay na tanong ni Steven. Mukhang eto na ata. Pero hindi pa ako handa.

"Steven wag muna ngayon. Let her be matured enough" pigil ko sa kanya.

"No Kisses, let Steven do it" kontra sa akin ni Angelo. Isa pa 'to. Siya ang may dahilan ng lahat ng ito.

"Are you fighting po?" Napatingin kaming lahat kay Krishna na napatigil na sa pagkain dahil sa amin.

"No Krishna. We're just talking about some important matters. Pero back to my question okay lang ba sa'yo na may iba ka pang Daddy?"

"I don't know. Sabi po ni teacher isang mommy at daddy lang po mayroon ang isang bata, bakit po may isa pa akong daddy?" Mukhang naguguluhan na si Krishna. At pati si Steven nahihirapan na ring magpaliwanag.

"Steven, hayaan mo munang maging komportable si Krishna kay Angelo bago mo sabihin. I think that's good for Krishna" suggests ko.

"Good for Krishna? Naiisip mo pa pala 'yon? At bakit ngayon mo lang 'yan naisip? 'Wag mo na akong kontrahin Kisses, dahil simula ng pinili mong itago ang totoo nabura na ang kabutihang sinasabi mo para kay Krishna" sumbat niya sa akin. At napaiwas na lang ako ng tingin.

"At sa tingin mo ba sasama sa akin si Krishna ng ganun-ganon lang? Kisses pwede ba? 'Wag ka ng makealam muna?"

"Makealam? Hindi ba ikaw nga ang nangengealam kaya nagulo ang buhay namin?" This time napatayo na ako dahil sa inis kay Angelo.

"Nagulo Kisses? So maayos para sa'yo yung pinaikot mo ako at pinaniwala sa kasinungalingan mo? Hindi 'yon maayos! 'Wag mo ng isisi sa iba ang kamaliang ginawa mo!" Sagot pa ni Steven sa akin, na napatayo na rin dahil sa sagutan naming tatlo.

Naputol na lang ang titigan namin ng marinig ang hikbi ni Krishna.

"Nag-aaway na po kayo eh"

"Krishna" binuhat ni Steven si Krishna at iniharap sa amin.

"Tama ang teacher mo isa lang ang Daddy ng isang bata. Ikaw, isa lang ang daddy mo at hindi ako 'yon"

"Kundi ako. Krishna, ako yung Daddy mo"

-------------
Ginawa ko 'to mga around 11PM April 3 pa ang date, kaso ayun past 12AM na natapos so, ayun nagkanda-late late na ang aking update, bitin pa. But I'll make the part two sa susunod.

Hope you like this chapter. Congrats uli.💗

Tadhana's Real GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon