Steven's PoV
Ilang oras na ang lumipas ng umalis si Kisses pero hindi pa rin tumatahan si Krishna at hindi ko alam kung anong gagawin.
"Krishna stop crying please nahihirapan na si Daddy. Babalik si Mommy. Magiging okay din tayo. Stop na please" pang-aamo ko sa kanya habang yakap ko pa rin siya. Kaso ayaw talaga niyang tumahan.
"Paano kung hindi na siya bumalik? Galit si Mommy! Talk to him Daddy, please" iyak pa niya.
Makalipas ang ilang oras nakatulog na din siya. Alas singko na pala.
Napatitig na lang ako kay Krishna, siya ang nahihirapan sa sitwasyon namin. Ang anak ko ang naiipit, kung sana hindi ako nagpakalasing ng oras na 'yon walang batang umiiyak at nasasaktan dahil sa mga magulang niya.
"I'm sorry Krishna, hindi ko talaga kayang mahalin ang Mommy mo. Sorry kasi nahihirapan ka. If I can dictate my heart gagawin ko if that what it takes para mapasaya ka. Mahal na mahal kita, and I'm willing to do anything that will make you happy kaso sobrang imposible anak. Mahal ko si Akiexhia, sobra. Sorry kung hindi kita mabigyan ng perfect family, at never mong nakitang masaya kami ng Mommy mo" sabi ko habang pinagmamasdan ko siyang matulog. Pugto na ang mata niya, pulang-pula na din ang ilong at pisngi niya.
Nagulat ako ng bigla niyang iminulat ang mata niya.
"Daddy, you'll do anything to make me happy?" tanong niya sa akin with full of confusion.
"Oo naman. Prinsesa ka ni Daddy diba? I only want you to be happy" sabi ko sa kanya.
"Pauwiin mo si Mommy. I want a happy family na masaya ang Mommy at Daddy ko. I want to see my Daddy love my Mommy" sabi niya na may nanginglid na luha.
"Krishna, I can make your Mommy come home but loving her? Krishna hindi kasi maipaliwanag ni Daddy ng maayos kasi baka may mamisinterpret ka, pero I want you to understand na may mga bagay na mahirap gawin" paliwanag ko sa kanya pero kita pa rin na naguguluhan siya.
"Mahirap. Is it too hard to love Mommy? Bakit po ako nandito kung hindi niyo mahal si Mommy? Paano po nangyari na nagkaroon kayo ng anak kung hindi niyo siya mahal? Mommy ko naman po siya diba? Bakit po mahirap? Sabi niyo po mahal niyo ako pero bakit ang Mommy ko hindi?" sunod-sunod na tanong niya. I never imagined my daughter asking these quetions. Ang bata pa rin nga niya, masyado pa siyang matanong. Hindi ko alam na ganito pala ang laman ng utak ng anak ko. Paano ko ba 'to ipapaliwanag sa kanya.
"Anak kasi-"
"Daddy Am I just a mistake?" humihikbing sabi niya. Nagulat ako sa biglang tanong ng anak ko. Saan niya narinig 'yon?
"Saan mo narinig 'yan?" gustuhin ko mang salungatin ang sinabi niya, alam ko sa sarili kong mansan ko ng sinabi na pagkakamali na nabuo si Krishna pero hindi eh. Ang mali yung nangyari, hindi si Krishna ang mali. Krishna has nothing to do with our problem.
"I heard it one time noong nag-aaway kayo ni Mommy. You said na that night was just a mistake, so am I?" tanong niya habang umiiyak pa rin.
"Krishna, listen to Daddy. You are not a mistake, ang pagkakamali ni Daddy ay hindi ko napigilan ang sarili ko ng oras na 'yon. Ang pagkakamali ay ang ipilit namin na magsama kahit alam namin na mahihirapan ka. Yes that night is a mistake but the fruit of that night is a blessing" paliwanag ko sa kanya.
"Is that the reason kaya hindi mo love si Mommy?" tanong niya pa sa akin.
If I will answer this honestly masasaktan siya pero kung magsisinungaling ako, masasaktan pa rin siya hindi man ngayon pero dadating ang panahon na sobra siyang masasaktan dahil pinaniwala ko na naman siya sa isang kasinungalingan.
BINABASA MO ANG
Tadhana's Real Game
RomansaAre you ready to face Tadhana's Real Game? Book Two of Ms. Sungit and Mr. Yabang. Date Started: May 29, 2018 Date Finished: December 25, 2021