Chapter 02

24 1 1
                                    

Chapter 02

"Ganda," I whispered.

Halos isang oras din bago ako nakatapos sa ginagawa ko. Tingnan ko iyon para makita kung satisfied na ba ako sa kinalabasan.

It's just a painting of the building beside me and a portrait of a good looking man, which is him, looking at the front, and behind the building is a beautiful clear blue sky na kahit sa totoo lang sobrang tirik na tirik ang araw ngayon. Ginawa ko na lang siyang blue skies para cute lang.

Tumingin ako sa balcony ng maalala na nandoon nga pala siya kanina. Naka-upo na ito ngayon at may ginagawa na naman sa macbook niya. Napatingin siya sa akin, ng naramdaman ang tingin ko. May super powers ba siya?

Kinuha niya ang phone niya na latest unit ng iPhone at mayroong pinindot doon.

Tumingin ako sa painting ko at papasok na sana sa loob dahil mukhang ayaw naman niya ako dito pero tumunog ang phone ko.

[Instagram] nikobernardo message you.

I tap the notification to see who it is. My mouth forms an 'o' matapos makita ang profile ng lalaking nag message sa akin. Gulat akong tumingin sa lalaki na ngayon ay nakatingin sa akin.

nikobernardo: can i see your painting?

Shet! Shet! Shet! Kailangan ko ng cpr, ngayon din! Putangina mo, Jamie. Kumalma ka!

Hindi ako nagpakita na kahit anong kilig sa katawan dahil baka mamaya nakatingin siya sa akin at mag assume pa siya kahit sa kaloob looban ko ay may hyperventilationism ng nagaganap sa mga lamang loob ko.

alonzojamie: gago, ikaw ba yung lalaking nasa balcony?

Sinend ko iyon at agad ko rin pinagsisihan. Dios ko, unang pag-uusap nagmura na agad, masyado ka namang nagpapakatotoo, Jamie. I looked at him to see that he picked up his phone and chuckled.

nikobernardo: yeah hahahaha

alonzojamie: weh? paano mo ako nakilala?

Sa sobrang bilis kong magreply ay hindi na niya nababa ang cellphone. Tiningnan niya ito at tumingin sa akin. 

Lord, ito na po ba ang forever ko?! Sabihin niyo lang at bibili na agad ako ng wedding gown!

nikobernardo: i see you in tv's

alonzojamie: tru ba?

nikobernardo: yeah, hahaha can i see your painting?

Luh. Sa painting ko lang ata ito interesado hindi sa akin, sayang naman available pa naman ako. Hindi ba niya alam na masama tumanggi sa grasya?!

alonzojamie: bakit ba interesadong interesado ka sa painting ko ha? crush mo ba ko?!

nikobernardo: i love paintings, and i think i am the one you are painting hahahaha kidding

Hala, may same interest na agad kami. Sabi na e, unang tingin ko pa lang alam ko ng meant to be kami. Nalaman niya siguro na nandito siya sa painting ko dahil tingin ako ng tingin sa kaniya para ma-sketch ko siya. I captured my painting and made sure that it looks aesthetic and it is! I posted it to my instagram. I found the white heart emoji and took it as my caption. 

Gusto ko sanang i-mention siya pero huwag na lang, ayoko ng issue. Pumunta ako sa messages at pinindot ang profile niya.

alonzojamie: check out my post.

Tumingin ako sa kaniya na kinuha ang cellphone niya. Mukhang nakita niya ang DM ko kaya nilayo niya ang sarili sa laptop at sumandal sa upuan.

After a few seconds, he liked the photo so I looked at him and saw him smile. He looked up at me and gave me a thumbs up. I overly confidently shrugged. He chuckled.

nikobernardo: it's beautiful.

alonzojamie: bibilin mo ba? 

nikobernardo: why is it for sale? 

Tumingin ulit ako sa kaniya at nakitang nakatingin siya sa akin na may multo pa ng ngiti sa kaniyang labi dahil sa pagkakangiti kanina. Nagkunwari akong nag-iisip. Tumingin pa sa taas para feel na feel. Well, dahil nga pa-good shot ako, maibigay na lang kaya?

Well, aanhin ko naman ito diba?

alonzojamie: okay, i will gave it for free na lang :*

I laughed ng na-send ko na sa kaniya ang message. I know hindi niya alam ang ibig sabihin ng emoticon na ‘yan. I don’t know, feel ko lang hindi niya alam kasi hindi naman siya mukhang jejemon katulad ko. Wala naman talagang ibig sabihin ‘yon pero natatawa ako. Feeling ko 'yan na ang favorite emoticon ko!

nikobernardo: Hahahaha no, let me pay for it

Bakit ganoon? Kapag iba ang nag-haha ng small letters nakaka-off kausap, pero kapag siya… bakit ang gwapo tingnan? Lord, bakit naman po ganoon? Ang unfair po ng mundo.

alonzojamie: wag na, libre mo na lang ako kapag pwede ng lumabas!

After I clicked the send. Nanlaki ang mata ko ng nagsink-in sa akin kung ano ang sinend ko! Tae ka, Jamie! Hindi mo man lang inalam kung may jowa siya o wala!

alonzojamie: I mesn single ka ba?

Mabilis kong itin-ype iyon kaya nagkamali mali pa ako sa pag-type! Potek! Nakakahiya! Kahit hiyang hiya na ay makapal na mukha ko siyang tiningnan. Nakangiti siya ngayon na nakatingin sa akin.

nikobernardo: yea im single hahaha anyway, sure let’s go out after the this.

alonzojamie: sure ka ha? Ayoko namang makasira ng relasyon

nikobernardo: why would i say that im single if im not?

Bakit niya kaya naiintindihan 'yung mga sinasabi ko? mukha siyang foreigner na dito nakatira sa Pilipinas. Tiga saan kaya ito? Feeling ko may lahi siya, hindi ko lang ma-point out kung anong lahi.

alonzojamie: malay ko ba kung babaero ka

nikobernardo: you think? hahaha

Nag-usap lang kami ng kaunti hanggang sa nagpaalam na siya dahil may gagawin pa daw. Kilig na kilig naman ang lola niyo. Grabe! Akala ko talaga hindi na kami magkakausap!

Kinabukasan, ay late akong nagising kaya hindi ko na siya naabutan sa balcony niya. Habang nagluluto ako para sa tanghalian ay nag-iisip din ako kung ano ang pwedeng gawin ngayong araw. 

Naalala ko na may shoot nga pala akong gagawin kaya, sinet-up ko na ang camera at ang mga ring lights para ako ay makapag-umpisa na. They send me the script at kung ano ang kailangan kong gawin kaya hindi na rin mahirap. Hindi pa naman ngayon ang deadline nito pero wala na talaga akong maisip na magawa kaya ginawa ko na rin.

I just do what I have to do and It came out pretty well naman!

Halos ilang oras ko rin na ginagawa 'yon. Pawis na pawis na ako at inaantok na rin. Hindi ko alam kung bakit ako inaantok, e anong oras na nga akong nagising dahil na rin siguro sa pagod kakahanap ng magandang angulo at nakailang take din ako doon ah!

Humiga lang ako saglit para magpahinga pero nararamdaman ko ng bumaba na ang talukap ng aking mata kaya nakatulog ako ng wala sa oras.

Nagising ako ay madilim na. Tumayo ako at nag-stretching dahil nangawit ako sa pwesto ko. Naisip kong hindi nga pala ako nakapag-exercise kaya naisipan kong mag-yoga.

Aba! Walang pinipiling oras 'to 'no!

First GlanceWhere stories live. Discover now