Chapter 04
"Congrats, Ms. Alonzo,"
I shyly chuckled.
"Thanks,"
"You shy?" He laughed. Napasimangot ako pero ngumiti rin kalaunan. Sobrang gwapo ng tawa niya, buti na lang ako iyong dahilan no'n!
"Eh… 'di ako sanay! Pero thank you pa rin!"
Nandito ako ngayon sa sala ngayon at nakahiga sa kulay grey kong sofa. Kausap ko kanina si Lucy ng biglang nag-pop up ang notification ko sa Instagram na si Niko daw ay nag-message sa akin! Nagalit sa akin si gaga kasi binabaan ko siya at kinausap si Niko.
Alam ko naman na maiintindihan niya ang kalandian ko.
He chuckled.
One thing na napansin ko sa kaniya tuwing nag-uusap kami ay palatawa siya. Hindi naman pala siya kasing seryoso katulad ng first impression ko sa kaniya! At ipinaliwanag niya rin sa akin noong isang araw kung bakit siya pumasok sa loob noon ng nakita niya akong palabas dati sa balcony ko, may kukunin lang pala siya! tapos pagbalik niya daw nakapasok na ako.
I click his profile para ma-stalk ko siya. Simula noong nakilala ko siya, hindi ko pa kailanman pinuntahan ang profile niya.
Tuwang tuwa ako sa mga nakikita ko dahil madalas pala siya sa beach, at dahil nasa beach, syempre naka-topless siya. Kung alam lang ito noong gagang si Lucy siguro nasa profile na rin siya ni Niko!
Dalang-dala ako sa mga nakikita ko ng bigla na lang ako napahinto ng nakita ang sumunod na litrato. Nasa beach din ito na mukhang isang lokasyon lang ng mga litratong nakita ko kanina.
Mayroong nakayakap sa kaniya na babae at nakahawak siya sa baywang nito. Tiningnan ko ang caption. May mention lang doon na sa tingin ko ay iyong babae.
I click her name.
Naramdaman ko na lang ang sarili kong nakasimangot habang tinitingnan kung gaano kaganda ang babae. Aakalain mong model e, grabe! Flight attendant pala siya, kaya siguro kilala niya si Niko. Medyo napipikon na ako kaya sinara ko na ang phone at pilit na natulog kahit buhay na buhay ang diwa ko.
Bro, alam kong wala sa lugar magselos pero… alam naman niya naman siguro na may crush ako sa kaniya! Oo, crush lang! Isa pa, baka mamaya girlfriend niya 'yon. Ayoko naman makasira ng relasyon ng iba, dahil ang ibig sabihin lang no'n ay hindi kami para sa isa't isa!
Dumaan ang ilang araw at medyo naging busy ako kaya hindi na kami madalas nakakapag-usap dahil na rin sa dami ng ginagawa. Katulad ngayon na kasasabi lang sa akin ni Tito na mayroon daw project na ibinibigay sa akin ang isa sa sikat na clothing wear sa Pilipinas. At mag-uumpisa daw ang shoot sa Lunes, dahil inanunsyo ng gobyerno na simula sa Lunes ay GCQ na. Biyernes na ngayon kaya dalawang araw na lang.
Well, siguro ayaw ko rin siyang masyadong kausapin dahil nga baka may jowa na siya pero hindi niya lang sinasabi. Naguguilty na rin ako dahil kahit alam kong may posibilidad na may girlfriend siya, kinakausap ko pa rin siya kahit papaano.
Pero usap na lang talaga as friends iyon! Wala ng halong landi!
I started my yoga wearing my adidas sports bra and leggings, inside my room. Kailangan kong magpapayat ngayon dahil tumaba ako ng isang kilo simula ng nag-lockdown. Magagalit na si Tito sa akin.
Alas-sais pa lang ng umaga kaya nagsisimula pa lang tumaas ang araw. Gusto ko sanang sa balcony ako magyoga pero dahil attitude ako at ayaw ko nga siyang makita, huwag muna ngayon. Saka na kapag sigurado na safe ako.
I was in the middle of my routine when my phone vibrated.
Hininto ko ang ginagawa at kinuha ang phone na nasa tabi ko kasi baka mamaya baka si Tito na ang tumatawag sa akin. Malilintikan ako doon kapag nakaligtaan ko ang tawag niya.
My heart skips a beat when I see his name pop up on my notification.
God, give me strength.
nikobernardo: i'm sorry to ask this but
nikobernardo: is there a problem? why are you so distant?
nikobernardo: its ok if you don't answer, im not pressuring you
Sabihin niyo man na sobrang bilis ko maattach dahil tatlong linggo pa lang ang nakararaan simula noong nakilala ko siya pero paano naman ako hindi magkakagusto sa tao na 'yan kung ganiyan siya umasta?
nikobernardo: is this about Kaye?
Nanlaki ang mata ko ng binanggit niya ang babaeng nakita kong nakayakap sa kaniya sa litrato. Naalala ko na Kaye nga pala iyong nakamention doon.
alonzojamie: BAT MO ALAM ?
nikobernardo: you accidentally liked the photo.
"Gago?" I said to myself. "Tanga tanga talaga."
alonzojamie: malay ko ba kung girlfriend mo yon diba? ayaw ko lang naman ng ganon. atsaka ang dami na kayang lalaki jan na nakikipagusap sa iba kahit may jowa na, malay mo isa ka sa mga yon.
alonzojamie: at saka i know the feeling noh?!
nikobernardo: feeling of what?
alonzojamie: being cheated on.
Naalala ko na naman noong college ako. Ang tagal na rin pala simula noong pumasok ako sa isang serious relationship. May naging boyfriend ako noon at iyon ang first and last jowa ko. Trauma na rin siguro sa ginawa niyang gago siya. Nakita kong ba naman si gagong nakikipaglaplapan sa kaibigan ko (hindi si Lucy). Pero okay na ako, sana pinutok na lang siya sa bibig nung Tatay niya hayop siya. Tutal hindi lang pala ako ang mga babaeng niloko siya. Literal na hayop talaga siya.
nikobernardo: she's my friend. and im not that kind of guy, Jamie.
I stiffened.
I felt guilty. I feel like I offended him in some ways. Mukha naman siyang mabuting tao, pero 'di ba sabi nila don't judge the book by its cover? Bwaka ng ina talaga ng ex ko na 'yon! I mean, kung ako rin naman ang sinabihan ng ganoon siguro ma-ooffend rin ako but mas mabuti ng magkalinawan kami hindi ba?
alonzojamie: im sorry
nikobernardo: its okay, i understand.
I did not reply after that. Dead end naman na 'yung usapan namin e. Ilang araw ang lumipas at nararamdaman kong may awkwardness pa rin kahit paano kahit nag-uusap kami. Well, sa akin lang siguro kasi mukhang okay naman sa part niya or baka… iyon lang ang alam ko.
I like him, yes, given that pero siguro sa ngayon ang gusto ko lang ay mapanatiling maayos 'yung pagkakaibigan naming dalawa. He's just my crush anyway. Not enough para maging boyfriend. Mukha namang ganoon lang din ang nararamdaman niya. Talagang sinasakyan niya lang ang mga trip ko.
Pero sana… manatili na lang ganito ang nararamdaman ko…
Dahil kung sakali man na tuluyan na akong mahulog sa taong ito…
Alam kong sa huli masasaktan ko lang ang sarili ko.
YOU ARE READING
First Glance
Romance(First Trilogy #1) Unfortunately, there was a quarantine due to covid-19 spreading across the country, which stopped the establishments so Jamie was forced to stop her job. Little did she know that because of that she would find the man of her dream...