Chapter 05
Dumaan ang sabado at linggo na ganoon pa rin naman ang nangyayari. Mas naging abala pa nga dahil ang dami ng pinapagawa sa akin ni Tito.
Lunes na kaya umpisa na naman ng MECQ, nandito ako ngayon sa simbahan para magpasalamat na maayos pa rin kami sa kabila ng mga nangyayari sa bansa. Papunta ako ngayon sa binigay sa akin na location ni Tito kung saan gaganapin ang shoot para sa clothing wear. Doon na rin kami magkikita.
I am wearing my Gucci sunglasses when I step out of my car.
"Ay!" The secretary came to me. "Ms. Alonzo!" She called.
Mapahinto ako ng may naalala sa paraan ng pagtawag niya sa akin. I shrugged it off. Kailangan kong mag focus dito, mamaya ko na poproblemahin 'yon.
"Good morning!" I kindly greeted back.
"Good morning din po! This way po!" Sabi niya na parang nasa kaniya ang buong energy ng meralco kaya palaging walang kuryente sa amin.
Sinundan ko siya hanggang sa makapasok kami sa loob. May mga taong dumalo sa akin para batiin ako at mabait ko naman silang binati pabalik.
Hindi nagtagal ay pinasuot na sa akin ang robe at nagsimula na sila sa make-up ko.
Abalang abala ako sa kakapanood sa mga ginagawa nila sa mukha ko ng may biglang sumigaw sa likod ko.
"Hayop ka, Jazriel! Hindi mo sinabing nandito ka na pala!" Si Tito.
"Hi, Tits! Hindi mo naman kasi tinanong," Kinindatan ko siya pero kinurot niya lang ang baywang ko kaya napaigtad ako ng kaunti. Tinawanan ko siya.
Naglalambing na naman.
Before our shoot started. Binigyan nila ako ng mga layout para sa themes na gagawin for shoot kasama na rin ang mga damit. For the first layout. I wore a beige t-shirt with an aesthetic print on it, pants and beige heels.
"Can you lift your chin a little, Ms. Alonzo?" I nodded and did what he said.
After we finish the five layouts that they prepared, nagpalit na ako ng damit kung ano ang suot ko kanina noong pumunta ako dito. Wala naman masyadong ginawa pero drain na drain ako. It’s already 8 p.m., I remember that I only slept for three hours kanina. Kaya siguro feeling ko e, hihilahin na ako ng lupa.
"Hay, kapagod."
My eyes felt heavy, until I unconsciously fell asleep.
Kinabukasan ay maaga ulit akong gumising dahil hindi pa naman tapos ang shooting namin for that clothing brand, mayroon pa akong dalawang huling layout, hindi kayang tapusin kahapon dahil huli na kami nakapag-umpisa.
I wore oversized button down sleeves and denim shorts below it. I wear my fave Gucci sunglasses before ako pumunta ng parking.
"Thank you, Ms. Alonzo!" Mr. Clark scoop my waist and kiss my cheeks. I smiled awkwardly. I step back. Mukhang nahalata ni Tito ang ginawa niya kaya tumabi siya sa akin.
He is the owner of the clothing brand. Tapos na ang shooting kaya nagbabatian na lang kami. Hindi ko inaasahan na pumunta siya dahil sa sobrang dami ng ginagawa niya. Ilang beses na akong nakukuha sa clothing brand na ito, pero tuwing nandito ako ay pumupunta talaga siya. Akala ko nga noong una ay normal iyon at ganoon lang talaga siya pero nagsimulang magtaka ‘yung mga staff kung bakit nandito siya kaya parang nakukuha ko na ang gusto niya.
But… nah.
Pasalamat siya at siya ang boss kung hindi kanina ko pa ito tinadyakan.
"Thank you also, Mr. Clark." I said. Hindi na ako nagtagal at lumabas na rin, pagkatapos ng ilang pang batian sa mga tao doon. Hindi naman ako masyadong napagod. Parang mas nakakapagod pa ngang makihalubilo sa mga tao kaysa mag shoot e.
"Landi landi talaga noon! Naku! Kukurutin ko siya singit niyang may anghit!" Tito.
"Tito!" I laughed.
"E, talaga naman! May anghit naman talaga iyon! Naku 'yung mga ganoon ang itsura alam na alam ko na,"
Tumawa ako. Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin si Tito kaya sinabi ko sa kaniyang i-kumusta na lang niya ako kay Jara kahit magkausap lang naman kami kagabi. Hindi ko ba alam. Dati, kaunting kanti lang mag-aaway na agad kami pero ngayon kami ang laging magkasangga. Daig pa naman ang kambal na saging.
Wow, maturity.
Ganoon naman talaga siguro kapag magkapatid. Naisipan kong mag-grocery muna bago ako umuwi dahil sinasapot na ang ref ko sa kakulangan ng laman. Naghihirap na ako, susmaryosep!
Pumunta ako sa toiletries section which nasa pinakadulong bahagi ng grocery kaya wala ng masyadong tao sa gawi na ito.
Kukuhanin ko sana ang tissue ng may humablot nito sa'kin. Bastos naman no'n! My god, manners 'di alam? Iirapan ko sana ang tao na iyon pero mukhang ako pa ang nagulat.
"Are we… okay?"
My heart is beating so fast while staring at him. Gusto kong tumango, um-oo at sabihin okay lang kami pero… bakit ang gwapo niya! Tangina, hindi ako nainform! First time ko siyang nakita ng personal!
Legal ba ang ganito ka gwapo sa Pilipinas? Taena!
"Hey…" Niko worriedly asked.
Tumango na lang ako kasi sobrang na starstruck talaga ako. Grabe. Kung gwapo siya sa malayo… siguro i-times mo iyon sa 100 pag malapit!
"Jamie…"
Lalo kong naramdaman ang bilis ng puso ko ng binanggit niya ang pangalan ko sa unang pagkakataon. Bakit ba ako nagkakaganito? Bakit ba ang bilis ko ma-attach? Kasasabi ko lang na sana hindi na lumala itong nararamdaman ko pero bakit ganoon, lalo pa atang lumalala.
"She's just a friend, I promise. I don't have a girlfriend, believe it or not."
"Hindi naman ako galit. Busy lang talaga"
Sa wakas lumabas din ang salita sa bibig ko. Sobrang kinakabahan ako sa titig niya. Its seems that he doesn't buy it kaya pilit akong ngumiti kahit tagpi tagpi na ang kaba sa dibdib ko!
Hindi naman talaga ako galit!
Bakit ba kasi ang ang hilig ko mag-doubt?
"No, I'm not gonna buy it-"
"Date na lang tayo." I said, instead.
"What?" Gulat niyang sinabi. Lumaki ng kaunti ang mga mata niya kaya mas nakita ko ang pagka-hazel brown at ang mahaba niyang pilik mata.
"Hindi ba may utang ka pa sa akin na date? Iyong tungkol doon sa painting?"
"Yeah but… now?"
I nodded. I saw him trying to stifle a smile at lumiit ang kaniyang magagandang mata para pigilan iyon.
Damn.
"Sure." He said.
Tumalikod ako para pigilan ang sarili kong kiligin sa harap niya. Kinuha ko ang push cart ko at sinabi na tapusin muna namin ang paggro-grocery. Kinuha niya sa akin ang cart para siya ang magtulak no’n.
Kumunot ang noo ko.
"Bakit wala kang dalang cart?"
"I just saw you from outside," at tinuro ang salamin sa harapan namin. I nodded. "And… congrats nga pala!"
My eyes widened.
"Shocks! Ang cute mo magsalita ng tagalog!”
"What?" I looked at him and he looked disgusted. "Do I look like a puppy? Why cute?" He asked. I chuckled. Akala ko naman kung ano na.
"Ano bang masama sa cute?"
"I didn't say there's anything wrong with being cute but… I'm not cute," I laughed.
Hindi niya alam sa ginagawa niyang 'yan sobrang cute na niya.
I continue laughing while he explains why he is not cute. Napaka-arte talaga. Mukhang pikon na siya sa akin dahil tinatawanan ko lang ang mga sinasabi niya. Medyo namumula na nga dahil nahihiya na siya.
“Damn.” I heard him whisper.
YOU ARE READING
First Glance
Romance(First Trilogy #1) Unfortunately, there was a quarantine due to covid-19 spreading across the country, which stopped the establishments so Jamie was forced to stop her job. Little did she know that because of that she would find the man of her dream...